You are on page 1of 3

MUSIKA

Ikaanim na Baitang

ANG ISKALANG e MENOR


KATUGON NG ISKALANG G MAYOR

ALAMIN MO

Madaragdagan ang tunugang menor na napag-aralan mo pagkatapos ng modyul


na ito. Bagama’t ang pag-aaralan mong tunugan ay bago sa iyong kaalaman, nabubuo ang
mga ito batay sa katugong tunugang Mayor na natutuhan mo na. Balikan ang dati mong
aralin.

PAGBALIK-ARALAN MO

Napag-aralan mo na ang awiting menor ay katugon lamang sa isang awiting


mayor kaya’t ang tunugang A menor ay nabuo buhat sa tunugang C Mayor. Tandaan mo
na ang mga awiting menor ay nagpapahiwatig ng damdaming may kalungkutan o agam-
agam at kaiba sa awiting Mayor na karaniwang masaya.

PAG-ARALAN MO

Suriin ang mga sumusunod na tunugan.

Tunugang G Mayor

so-fa silaba = do re mi fa so la ti do

1
Tunugang e menor

la ti do re mi fa so la

Ang tunugang e menor ay nabubuo mula sa tunugang G Mayor. May isang sustinido sa
ikalimang guhit ng limguhit at ang lundayang tono sa eskala ay matatagpuan sa unang
guhit na ngalang titik E sa limguhit. Ito ay may so-fa silabang la.

PAGSANAYAN MO

A. Iguhit ang paeskalang so-fa silaba ng tunugang e menor.

1. Tunugang e menor

B. Awitin mo sa sarili ang paeskalang so-fa silaba sa tunugang e menor. Iparinig mo sa guro
ang iyong ginawa. Magpatulong ka sa kaklase o kasama sa bahay kung alanganin ka sa
iyong ginawa.

TANDAAN MO

Ang tunugang e menor ay nabubuo mula sa tunugang G Mayor. Ang magkaugnay


na tunugan ay may isang sustinido sa ikalimang guhit ng limguhit. Nasa unang guhit ang
tonong lundayang la sa e menor.

2
SUBUKIN MO

Piliin ang wastong sagot sa loob ng panaklong.

1. (Menor, Mayor ) ang modo kung ang damdamin ng awitin ay may kalungkutan.
2. Nasa unang guhit ang tonong lundayan ng tunugang ( d menor, e menor)
3. May isang (bimol, sustinido) ang linguhit ang tunugang e menor.
4. Ang modong e menor ay (isang, dalawang, tatlong) nota pababa sa lundayang do ng
G Mayor.
5. Sa tunugang e menor ang bimol ay nakatuon sa (unang, ikatlong, ikalimang) guhit ng
limguhit.

Binabati kita at matagumpay mong


natapos ang modyul na ito! Maaari mo
na ngayong simulan ang susunod na
modyul.

You might also like