You are on page 1of 3

Magandang araw mga katoto kong manunulat at mambabasa na nais matuto ng ibang pamamaraan ng

pagsusulat.

Nais ko lamang ibahagi ang istilo na akin ginagamit sa pag gawa ng ilan sa aking mga tula.

Hindi ko alam ang tawag sa ganitong uri ng istilo subalit sa katutubo nating pananalita..matatawag itong
matalinghagang pagsususlat

Ano ang Matalinhagang Pagsususlat?

- Ito ay isang istilong ginagamitan ng SIMBOLISMO, isang uri ng pagsusulat na kung saan ay gumagamit
tayo ng simbolong magrerepresenta sa ating nais iparating. Maaring bagay, elemento, pangyayari o mga
salitang papalit at magkukubli ng orihinal na salita, subalit iisa pa rin ang imaheng nais iparating

Magbibigay ako ng isang halimbawa ng Matalinhagang Tula.

Only registered users can see the link.

"Ang Ulap sa Ibabaw"

Ang Ulap ay sumasabay sa ihip ng hangin


Sa hilaga, sa timog
Sa kanluran o silangan
Ang ulap ay sumusunod ng walang pag aalinlangan

Kung minsa'y nalulugmok at napupuno ng tubig


Ulan na tila mga luhang pumapatak mula sa mga matang sawi
Kung minsa'y ang ulap ay naglalaho
Natutunaw, nawawala sa pag ikot ng mundo

Ang Ulap ay nag lalakbay kasabay ng oras


Nililibot ang mundo hanggang sa malagas
Subalit sa isang pagkakatao'y sila'y nakatatagpo
Mga ulap na sa kanila rin ay bubuo

Dumanas man ng hirap sa pagbuhat ng ulan


Sa muling pagsikat ng araw sila'y masisilayan
Nag gagandahan hugis at nagkikinangan sa puti
Sumasayaw sa agos ng hangin at sa kalayaang namithi

- Sa akdang ito na aking ginawa, makikita niyo ang paggamit ko ng SIMBOLISMO.

-Ating bigyan ng kahulugan ang akda.

Sa LITERAL na pagbasa, ang Tula ay mababasa natin bilang isang pagtalakay sa sirkulasyong pinag
dadaanan ng isang ulap.

Sa Matalinghagang Pamamaraan ng pag babasa, Sa unang saknong ang Ulap ay sumisimbolo ng buhay ng
isang taong namumuhay sa sirkumstansya kung saan mababakas natin na ang Taong ito'y walang tiyak na
landas na tinatahak at sumasabay lamang sa kapalaran na inihahatag sa kanyang harapan.

Ang Ulap ay sumasabay sa ihip ng hangin


Sa hilaga, sa timog
Sa kanluran o silangan
Ang ulap ay sumusunod ng walang pag aalinlangan

Sa ikalawang saknong nama'y mababasa natin ang bahagi ng buhay ng tao kung saan, ito'y humaharap sa
matinding pagkabigo, paghihirap at pagkasawi. Sa pag gamit ng salitang "ULAN" at ang paghambing nito sa
luha ay sumisimbolo sa isang taong humaharap sa matinding sitwasyon na nagdudulot at nagbibigay ng
nakalulungkot na emosyon.

Kung minsa'y nalulugmok at napupuno ng tubig


Ulan na tila mga luhang pumapatak mula sa mga matang sawi
Kung minsa'y ang ulap ay naglalaho
Natutunaw, nawawala sa pag ikot ng mundo

Sa ikatlong saknong, dito naman ay inirerepresenta ng Ulap ang isang taong bumangon mula sa kanyang
pagkakalugmok. Makikita rin natin ang mga salitang "Subalit sa isang pagkakatao'y sila'y nakatatagpo, Mga
ulap na sa kanila rin ay bubuo" na kung saan tinatalakay ang muling pagsibol ng pag ibig ng isang tao,
pagkakaroon ng pag asang ipag patuloy ang buhay, mamuhay kasama ang bagong mga nilalang na
kokompleto ng kanilang kasiyahan.

Ang Ulap ay nag lalakbay kasabay ng oras


Nililibot ang mundo hanggang sa malagas
Subalit sa isang pagkakatao'y sila'y nakatatagpo
Mga ulap na sa kanila rin ay bubuo

Sa ika apat at huling saknong, dito tinatalakay ang pinaka mahalagang bahagi ng isang tula, ang
"Konklusyon". Ang konklusyon ay ang pag habi ng mga salitang gagamitin upang tapusin ang mensahe at
imaheng nais nating iparating, ito'y maaring malungkot o masaya, sa Matalinghagang pamamaraan ng
pagsusulat tiyak na ito ang magbibigay pasakit sa inyong mga ulo sapagkat ang mga salitang SIMBOLONG
gagamitin natin ay dapat umayon sa mga naunang saknong. Sa huling saknong ng tula napili kong gawin
itong isang nakagagalak na katapusan kung saan ang paggamit ko ng METAPORA ay pinag habi habing
sirkulasyon ng isang ulap kung saan ang:

"Dumanas man ng hirap sa pagbuhat ng ulan" - sumisimbolo ng nakaraang paghihirap at pag kabigo sa
buhay.

"Sa muling pagsikat ng araw sila'y masisilayan" - sumisimbolo ng isang bagong pag asa.

"Nag gagandahan hugis at nagkikinangan sa puti" - sumisimbolo ng pagbabago sa sarili,ugali at


pamumuhay.

"Sumasayaw sa agos ng hangin at sa kalayaang namithi" - sumisimbolo sa pag harap sa buhay na puno ng
kalaayan at walang pag aalinlangan sa sarili.

- Ang paggawa ng isang tulang gumagamit ng SIMBOLISMO ay isang istilong ginagamitan ng malawak na
pag iisip, imahinasyon, pag babagay bagay ng mga pangyayari at pag gamit ng kahit anu pa mang salita na
nais nating gamitin upang ipahatid sa ating mambabasa ang mga imahe at mensaheng nais nating iparating
sa matalinghagang pamamaraan.

-Nawa'y nakatulong ako sa inyo sa pagbibigay ng aking kaunting nalalaman sa pagsusulat. Maraming
salamat sa pag basa, mga kaibigan. Tara na't gumawa ng mga tulang ginagamitan ng pagsisimbolo. :D

-Kung kayo ay may tanong ibibigay po ng inyong lingkod ang kanyang makakaya para makatulong sa inyo
sa pag gawa ng tula.Salamat :hat:

You might also like