Professional Documents
Culture Documents
“Instead of imposing new obligations, Christians should appear as people who wish to
share their joy, who point to a horizon of beauty and who invite others to a delicious
banquet.” – Pope Francis, EG, 14
Ano ang iyong sariling hadlang o balakid sa iyong karanasan kay Hesus?
Naranasan ni Maria ang bigat at hirap, o kalituhan sa kanyang pag-aalaga kay Hesus:
nang hinanap nila ni Jose ang batang si Hesus noong sila’y nagpunta sa Jerusalem (tila
ba ‘nawawala ang Mabuting Balita’); nang si Hesus ay hindi kilalanin ng ibang tao at hindi
pagbibigay-halaga sa kanya (“anak ng karpintero”, na parang ang baba ng kalagayan nito
kaysa ibang tao); nang pagbantaan ang kanyang buhay, at tuluyang pahirapan at patayin
ang kanyang anak na si Hesus.
Ngunit siya ang naging magandang regalo ni Hesus sa atin, sa kabila ng kanyang
paghihirap sa krus. At nang ibigay ni Hesus si Maria (kausap si Juan), saka lamang niya
sinambit ang mga salitang “Naganap na.”
Sa iyong sariling pang-unawa, paano nagiging ‘tala’ o gabay si Mariang ating Ina?