You are on page 1of 2

Maryjoan P.

Sanchez J1

Filipino: Wika ng Saliksik

Bago ko simulan ang talumpating ito, nais ko munang banggitin ang katagang, "ang hindi

magmahal sa sariling wika, mahigit sa hayop at malansang isda". Alam kong alam niyo na ito ay

nakailang bese niyo na ito narinig. Ang iba nga siguro sa inyo ay nakatatak na ito sa kanilang utak.

Ako yung tipong tao na ang maraming gustong sabihin ngunit di kayang ilahad ang gusto kong

iparating. Kaya ito sisimulan ko na itong talumpati. Wika ng Saliksik. O wika na lamang. Ano ba

ito? Ito ang kaluluwa ng isang bansa, ito ang pagkakakilanlan, dito tayo nakikilala ng ibang tao.

Ngunit bakit mas magaling pa tayo sa wikang dayuhan ? kinalimutan na ba natin ang wikang

kinagisnan? Mga kabataan mas nahihilig na ngayon sa wika ng mga dayuhan. Para bang mas

comportable silang magsalita sa wika nang mga dayuhan kaysa sa sariling wika. Ang iba nga siguro

ay kinalakihan ang pagsalita ng wikang dayuhan ngunit Pilipino naman silang pamilya. Eto

kasiyan, dahil nasakop tayo ng mga dayuhan ilang taon nang nakaraan. Ang ating nasa isip ay

kapag magaling ka sa wikang banyaga ay ikaw ay matalino o di-kaya galing ka sa Pamilyang

mayayaman. Crab Mentality ito talaga kase tayo. Ganito kase tayong mga Pilipino eh,

tinatawanan natin ang iba kapag sila ay nagkakamali ngunit gano'n din naman tayo. Naranasan

niyo na bang kutyain dahil lamang hindi ka magaling magbigkas o hindi ka diretso magbigkas sa

wikang iyon? Naranas ko rin naman ding pagtawanan sa harap ng klase sa kadahilanang, mali ang

nabigkas kong salita dahil narin sa aking kawalan ng tiwala sa sarili. Nakita niyo ba yung viral na

video no’ng pinay na pinagpipiyestahan ng nakararami dahil nagiingles siya na dapat ay wikang
Filipino ang kanyang dapat ginamit. Alam kong maraming Pilipino ang nadismaya sa kanya. Eh

tayo rin din naman eh gano’n dba. Halimbawa ay sa kaarawan. Hindi ko naririnig na ang pagbati

ay maligayang kaarawan, binabati natin sila ng Happy Birthday. Sa’n tayo nagkakalayo ? Sabi nga

na bago ka humusga tingnan mo muna sarili mo sa salamin. Ba't alisin natin natin ito sa ating

isipan? Nakakainis isipin dahil ang basehan ng mga Pilipino sa katalinuhan ay kapag magaling ka

sa wikang dayuhan.

You might also like