You are on page 1of 4

Glosari sa Larang ng

Hairdressing

Baitang at Seksyon:

12 – Makakalikasan

Ipinasa kay:

Gng. Kris Herrera

Ipinasa nina:

Janruelyn N. Batino

Daniel Creencia

Cristina Fernandez

Zeelaw Nioda

Lemuel P. Solomon
1. Activator – kemikal na nilalagay sa pagbibleach upang mapabilis ang
proseso at hindi magsanhi ng malaking pinsala.

2. Asymmetrical – magkaiba ang haba sa magkabilaang parte ng buhok.

3. Bangs – layer ng buhok na makikita sa bandang noo at hindi lalampas sa


lebel ng kilay.

4. Barbicide – tawag sa produkto na kulay asul na likido na ginagamit upang


disimpektahin ang mga kagamitan sa paggugupit o pag-aayos ng buhok.

5. Blunt cut – tawag sa gupit na pantay sa babang parte ng buhok.

6. Bob – tawag sa gupit ng buhok na hanggang pisngi.

7. Braid – isang uri ng hairstyle; pagtitirintas ng buhok.

8. Bulb – dulo ng buhok.

9. Bun – hairstyle na itinaas, inikot ikot at inipit ang buhok.

10. Buzz-Cut – tawag sa gupit ng buhok kung saan ang buong ulo ay inahit ng
kagamitan na clippers.

11. Canities – siyentipikong tawag para sa kulay-abo na buhok.

12. Chemical Haircut – buhok na na-bleach, nakulayan nang maraming beses


na nagkasanhi ng pagkasira ng buhok..

13. Clarifying Shampoo – shampoo na naiiba sa normal na shampoo at


ginagamit sa pagtanggal ng mga nabuo sa buhok dahil sa paggamit ng
produkto. Hangga’t maaari, hindi magagamit ng sobra pa sa isang o
dalawang araw kada lingo.

14. Clippers – makinarya na ginagamit sa paggupit ng buhok.


15. Conditioner – produkto para sa buhok na ginagamit pagkatapos
magsiyampu upang magkaroon ng mas malambot na buhok.

16. Consultation – ang kliyente ay may pagkakataon na sabihin ang gusto at di


nila gusto sa serbisyo at pagsabi ng mga opinion.

17. Cornrow – mahihigpit na tirintas na nakadikit sa anit.

18. Dandruff – ang tawag sa isang kondisyon kung saan ang balat sa anit (o
scalp) ay nagtutuklap at nagbabalat sapagkat napapabilis ang proseso ng
pagkamatay ng balat.

19. Elasticity – kakayahan ng buhok na mabanat at bumalik sa natural na hugis


at walang pagkaputol ng buhok.

20. Finger styling - ito ay ginagamitan ng daliri lamang at walang kagamitan.

21.Gloss– pagkakintab o kintab ng buhok.

22. Guide – inisyal na guhit sa paggupit ng buhok.

23. Haircutting (also hair shaping) – paggupit ng buhok na gumagamit ng


ilang mga kagamitan: pang-ahit, paggawa ng malabnaw gunting at clippers.
Gumagawa ang bawat kagamitan ng isang iba't ibang mga texture sa buhok,
na nakakaapekto sa kung paano ang itsura ng buhok.

24. Hair Extension - maaaring totoo o artipisyal na buhok na ikinakabit sa


buhok upang mas lalong humaba ito o magkaroon ng disenyo.

25. Hair Painting – pagpinta ng direkta sa buhok gamit ang brush.

26. Pigment– kulay.


27. Layer cutting - kabaligtaran ng blunt cut. Ito ay may anggulo at gupit na
hindi pagpantay ng mga buhok.

28. Perm – kemikal na ginagamit sa pagkulot ng buhok ng permanente.

29. Pixie cut – ito ay tawag sa pinaka maikli na gupit sa babae.

30. Ponytail – paraan na iniipit ang buhok.

31.Razor Cutting – ang buhok ay ginupit gamit ang kagamitan na razor.

32.Shears– gunting na ginagamit sa paggupit ng buhok.

33.Slithering (also effilating) – proseso ng pagtanggal ng buhok gamit ang


razor o opened scissors at ginagamit sa hair texturing.

34.Split Ends– karaniwan ay sanhi ng dry at frizzy hair. Nakukuha ito sa


sobrang pagbibilad sa araw at mga harsh chemicals na nilalagay natin sa
ating buhok.

35.Styling – pag-ayos ng buhok na naaangkop sa hugis ng mukha ng kliyente


gaya ng blow drying, roller setting, teasing, brushing

36.Teasing - pagsusuklay ng pabalik patungo sa anit.

37.Temporary Color – nagbibigay ng pansamantala ng kulay at nawawalan ng


bisa kapag babasain ang buhok.

38.Thinning - binabawasan ang pagkakapal ng mabigat na buhok.

39.Trimming – tinatanggal lamang ang may parte na may split ends gamit ang
gunting o razor.

40.Wig – ito ay artipisyal, peke o maaaring tunay na buhok.

You might also like