You are on page 1of 10

ALAMAT – Ito ay isang uri ng

kuwentong-bayan na
nagsasalaysay o nagsasaad ng
pinagmulan ng isang bagay o
lugar. Maaaring magpaliwanag
ito kung paano pinangalanan o
kung bakit nagkaroon ng
ganoong pook o bagay. Ito ay
karaniwang kathang-isip at ito
ay pasalin-dila mula pa sa
panahon n gating mga ninuno.
BANGHAY NG ALAMAT

Ang banghay ng alamat ay


maaaring maging payak o
komplikado. Ang mga
pangyayaring nakapaloob dito
ay hindi makatotohanan
bagama’t may mga pangyayari
ritong kakikitaan ng mga
kultura ng mga Pilipino,
gayundin ang mga gintong-aral
na laging nakapaloob sa mga
panitikan kagaya nito.
Simula

Dito pinapakita ang mga


tauhang gagalaw o gaganap sa
alamat at ang papel na
kanilang gagampanan sa
alamat, kung sila ba ay bida o
kontrabida. Makikita rin dito
ang tagpuan o ang
pangyayarihan ng aksiyon o ng
mga eksena na naghahayag ng
panahon, oras at lugar.
Gitna

Dito makikita ang maayos na


pagkakasunod-sunod ng mga
tagpo o eksena. Dito
nakapaloob ang mga dayalogo,
o ang usapan ng mga tauhan.
Dito rin makikita ang
tunggalian ng mga tauhan, at
ang kasukdulan, kung saan dito
iikot ang kahihinatnan ng
tanging tauhan, kung ito ba ay
kasawian o tagumpay.
Wakas

Dito makikita ang kakalasan,


o ang pagbaba ng takbo ng
istorya. Dito rin mababatid ang
kamalian o kawastuhan ng
mga di-inaasahang naganap.
Makikita naman sa katapusan
o wakas, ang kahihinatnan ng
kuwento, kung ito ba ay
magtatapos ng masaya,
malungkot, pagkapanalo o
pagkatalo.

You might also like