You are on page 1of 11

MGA URI NG PANG-URI (Types of Adjectives)

Ano ang pang-uri?


Ang pang-uri (adjective) ay salita na naglalarawan o
nagbibigay-turing sa pangngalan
(noun) o panghalip (pronoun). Ang pang-uri ay nagbibigay ng
karagdagang impormasyon tungkol sa isang pangngalan (tao,
bagay, hayop, lugar, atbp.) o panghalip sa pangungusap.

May tatlong uri ng pang-uri: (1) pang-uring panlarawan


(descriptive adjective), (2) panguring pantangi (proper
adjective), at (3) pang-uring pamilang (numeral adjective or
number adjective).

1. Pang-uring Panlarawan (Descriptive Adjective)


Ang pang-uring panlarawan ay nagsasaad ng laki, kulay, at hugis
ng tao, bagay, hayop,
lugar, at iba pang pangngalan. Maaaring ilarawan din ang anyo,
amoy, tunog, yari, at lasa
ng bagay. Ang mga pang-uring panlarawan ay karaniwang
nagsasaad ng mga katangian
na napupuna gamit ang limang pandama (five senses).
Nailalarawan din ng mga panguring
panlarawan ang mga katangian ng ugali, asal, o pakiramdam ng
tao o hayop.
Mga halimbawa ng pang-uring panlarawan (may salungguhit ang
pangngalan na inilalarawan ng pang-uri):
Tanggapin mo sana ang aking munting regalo.
Minasdan ni Maria ang kanyang sarili sa salamin na biluhaba.
Si Delia ang babaeng nakasuot ng pulang bestida.
Kailangan nating palitan ito ng bakal na tubo.
Iwasan mong kumain ng mga pagkain na masyadong matamis.
Sa aking panaginip, hinahabol ako ng isang nakatatakot na
halimaw.
Ipinagmamalaki ng mag-asawa ang kanilang mabubuting
anak.
Malubha ang karamdaman ng matandang pulubi.

2. Pang-uring Pantangi (Proper Adjective)


Ang pang-uring pantangi ay binubuo ng isang pangngalang
pambalana (common noun)
at isang pangngalang pantangi (proper noun). Ang pangngalang
pantangi (na
nagsisimula sa malaking titik) ay naglalarawan o tumutukoy sa
uri ng pangngalang
pambalana.

Mga halimbawa ng pang-uring pantangi:


Ang pasalubong ni Tatay sa atin ay masarap na longganisang
Lucban.
Paborito ni Ate Trisha ang pansit Malabon.
Mahilig si Henry sa pizza at iba pang pagkaing Italyano.
Bigyang halaga ang kultura ng mga katutubong Filipino.
Si Dennis ay mahusay magsalita sa wikang Ingles.
Nagsaliksik kami tungkol sa mga katangian ng kulturang
Espanyol.
3. Pang-uring Pamilang (Numeral Adjective)
Ang pang-uring pamilang ay nagsasabi ng bilang, dami, o
posisyon sa pagkakasunodsunod ng pangngalan. May ilang uri ng
mga pang-uring pamilang.

Mga Uri ng Pang-uring Pamilang

a. Patakaran o Patakarang Pamilang Ito ay nagsasaad ng aktuwal


na bilang ng tao o bagay. Ito ay mga basal na bilang o numeral.

Mga halimbawa ng patakarang pamilang (may salungguhit ang


pangngalan na
inilalarawan ng pang-uri):
Mayroong isang lalaki na kumakatok sa pinto.
Sina Mike at Grace ay may apat na anak.
Bumili ako ng limang itlog sa tindahan.
Higit sa apat na libong tao ang nasa mga evacuation center.

b. Panunuran o Panunurang pamilang Ito ay nagsasaad ng


posisyon ng pangngalansa pagkasunod-sunod ng mga tao o
bagay. Isinasabi ng mga ito kung pang-ilan ang tao o bagay.
Mga halimbawa ng panunurang pamilang (may salungguhit ang
pangngalan na
inilalarawan ng pang-uri):
Ako ang ikatlong mag-aaral na napiling lumahok sa paligsahan.
Nakamit ni Jason ay unang gantimpala sa paligsahan sa
pagguhit.
Ito ang pangalawang pagkakataon na ibibigay sa iyo ng
hukom.
Si Rodrigo Duterte ang ika-labing anim na pangulo ng Pilipinas.
Gawin mo ang pagsasanay sa ika-limampung pahina ng aklat.

c. Pamahagi o Pamahaging Pamilang Ito ay nagsasaad ng bahagi


ng kabuuan ng
pangngalan. Ang unlaping tig- ay nagsasaad ng pantay na
pamamahagi (equal
distribution). Ginagamit ito kapag ang bilang ng bagay na
ibinigay o natanggap ay parepareho.

Maaari rin na may anyong bahagimbilang o hating-bilang


(fraction sa Ingles) ang
pamahaging pamilang. Ginagamit din ang salitang bahagdan,
persentahe, o
porsiyento pagkatapos ng bilang para sa bahagi ng isang daan.
Ang mga sumusunod ay mga salita para sa mga bahagimbilang o
hating-bilang:
kalahati (half, 1⁄2)
katlo (one-third, 1⁄3)
kapat (one-fourth, 1⁄4)
kalima (one-fifth, 1⁄5)
kanim (one-sixth, 1⁄6)
kapito (one-seventh, 1⁄7)
kawalo (one-eighth, 1⁄8)
kasiyam (one-ninth, 1⁄9)
kasampu (one-tenth, 1⁄10)
sangkapat (1⁄4 )
sangkalima (1⁄5 )
dalawang-katlo (2⁄3 )
apat na kalima (4⁄5 )
limang-kawalo (5⁄8 )
pitong-kasiyam (7⁄9 )
tatlo at kalahati (3 1⁄2 )
lima at sangkapat (5 1⁄4 )

Mga halimbawa ng pamahaging pamilang (may salungguhit ang


pangngalan na inilalarawan ng pang-uri):

Tiglilimang kendi ang ibibigay sa mga bata.


Ang mga mag-aaral ay kumuha ng tigalawang lapis.
Kalahating mangkok ng kanin lang ang kinain ni Carlo.
Gumamit ako ng sangkapat na tasa ng mantika sa pagluto.
Lima at dalawang-katlong sako ng bigas ang natira sa bodega.
Upang maipasa ang panukala, kailangan ang boto ng
dalawang-katlong mayorya.
Inaasahan na magkakaroon ng dalawampung bahagdang
bawas sa mga presyo sa
Linggo.
Maliit para kay Ginoong Luna ang limang persentaheng tubo
kada taon.
May siyamnapung porsiyentong posibilidad na pag-ulan sa
rehiyon ng Bicol
ngayon.
© 2016 samutsamot.com 4
d. Pahalaga o Pahalagang Pamilang Ito ay nagsasaad ng halaga
(katumbas na pera)
ng bagay o anumang binili o bibilhin.
Mga halimbawa ng pahalagang pamilang (may salungguhit ang
pangngalan na
inilalarawan ng pang-uri):
Ibinigay ng batang pulubi ang pisong kendi sa kanyang
kapatid.
Nabenta na ang tatlong milyong pisong bahay at lupa sa
Mandaluyong.
Nakatanggap ako ng sandaang pisong load kahapon.
Bibilhin mo ba ang limampung libong pisong alahas?
e. Palansak o Palansak na Pamilang Ito ay nagsasaad ng
pagpapang-pangkat ng mga
tao o bagay. Itinutukoy nito ang bilang na bumubuo ng isang
pangkat ng tao o bagay na
pinagsama-sama. Halimbawa, ang palansak na pamilang na dala-
dalawa ay may
kahulugan sa Ingles na “by twos”, “in pairs” o “in groups of two.”
Mga halimbawa ng palansak na pamilang (may salungguhit ang
pangngalan na
inilalarawan ng pang-uri):
Sampu-sampu ang tao na nagsisidagsaan sa mga evacuation
center.
Dala-dalawang pakete ng kape ang ibinebenta sa tindahan.
Dalawahan ang mga upuan sa bus na ito.
Animan ang mga estudyante sa bawat kuwarto ng dormitory.
f. Patakda o Patakdang Pamilang Ito ay nagsasaad ng tiyak na
bilang ng pangngalan.
Ang bilang na ito ay hindi na madadagdagan o mababawasan pa.
Mga halimbawa ng patakdang pamilang (may salungguhit ang
pangngalan na
inilalarawan ng pang-uri):
Iisa ang pangarap ni Jessie at ito ay maging isang tanyag na
mang-aawit.
Dadalawang isda lamang ang nahuli ni Kuya Pedro.
Sasampung miyembro pa lamang ang nagbabayad ng kanilang
kontribusyon.
Lilimang mag-aaral lamang ang pinayagan na pumunta sa
lakbay-aral.
Pagkilala sa Pang-uri
Bilugan ang pang-uri sa bawat pangungusap.
1. Ang sapatos ni Amir ay bago.
2. Mainit ang kape sa tasa.
3. Ang mga damit natin ay basa pa.
4. Pumasok kami sa malinis na silid.
5. Ang laruan na ito ay sira.
6. Kay Pedro ang itim na bag.
7. Malayo ang bahay namin dito.
8. Bukas na ang tindahan ni Aling Mercy.
9. Ang mga sagot ni Luisa ay tama.
10. Mahina ang boses ng guro nila.
11. Ang kendi na ito ay matamis.
12. Hinog na ba ang mga mangga?
13. Kanina pa gising ang sanggol.
14. Itipon mo ang mga diyaryo na luma.
15. Nakita ko ang makulay na dyip.
Pagsasanay sa Filipino
Pangalan Petsa Marka
Mga sagot sa Pagtukoy ng uri ng pang-uri
Panuto: Isulat ang mga titik PL kung ang pang-uri na may
salungguhit ay pang-uring panlarawan
(descriptive adjective), PM kung ito ay pang-uring pamilang
(cardinal adjective),
at PN kung ito ay pang-uring panunuran (ordinal adjective).
1. PM Ang pamilya Reyes ay may anim na anak.
2. PL Ang kanilang mga anak ay mababait.
3. PM Ang kanilang panganay na si Joanna ay labing-walong
taong gulang na.
4. PL Si Joey ang pinakamatangkad sa mga magkakapatid.
5. PL Ang babaeng nakasalamin ay si Jennifer.
6. PN Si Joshua ang ika-apat na anak ni Ginoong Reyes.
7. PN Si Justin naman ay nasa ika-limang baitang na.
8. PL Mahiyain naman ang bunso nila na si Jean.
9. PM Mayroon din silang isang alagang Labrador na si Max.
10. PN Si Max ang unang asong nakita nila sa pet store.
11. PN Si Max ay ang pangalawang aso ng pamilya.
12. PL Masaya ang mga bata kapag kalaro nila si Max.
13. PL Masustansiyang pagkain ang laging inihahanda ni Ginang
Reyes.
14. PN Pangatlong bahay na nila ito.
15. PM Ang bahay nila ay may apat na kuwarto.
16. PM Sampung tao ang makakaupo sa hapag-kainan nila.
17. PL May malawak na bakuran sa likod ng bahay.
18. PL Dahil malaki ang kanilang mag-anak, malaki ang gastusin
nila buwan-buwan.
19. PM Ang pamilya Reyes ay may tatlong kompyuter sa bahay.
20. PM Mayroong silang dalawang sasakyan sa garahe.
Pagsasanay sa Filipino c 2012 Pia Noche, www.samutsamot.wordpress.com Pangalan Petsa Marka 20
Pagtukoy ng kaantasan ng pang-uri Panuto: Isulat sa patlang ang titik L kung ang pang-uri na may
salungguhit ay nasa lantay na antas, PH kung ito ay nasa pahambing na antas, at PS kung ito ay nasa
pasukdol na antas. 1. Ang pangkat ni Ramon ay mas mabilis magtrabaho kaysa sa pangkat ni Gary. 2. Ang
larawan na gawa nina Paul at Sheena ay makulay. 3. Sino ang nakakuha ng pinakamaraming tamang
sagot? 4. Ubod ng linis ang bahay ni Ate Dina! 5. Ang mga gulay at prutas sa tindahan ko ay mas sariwa
kaysa sa palengke. 6. Ang kalahok na mananalo sa paligsahan na ito ay napakasuwerte! 7. May kilala ka
bang mananahi na mahusay? 8. Higit na malayo ang bayan ng San Andres kaysa Santo Tomas. 9. Ang
Bulkang Mayon ang pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas. 10. Mapayapa ang buhay ng mag-anak sa bago
nilang tirahan. 11. Alin sa dalawang sasakyan na ito ang mas matulin? 12. Mahigpit na ipinasusunod ang
mga tuntunin ng paaralan. 13. Lumipas ang napakatagal na panahon bago sumang-ayon sa plano ang
pinuno. 14. Ang bunsong anak ko ay kasimbata ng panganay mo. 15. Si Kuya Nilo ang pinakaabala sa
amin tuwing malapit na ang Pasko. 16. Nakahiga ang sanggol sa malaking kuna. 17. Labis na matamis ang
leche flan kaysa keyk. 18. Malinaw na malinaw ang leksiyon ni Ginang Soriano kahapon. 19. Ang pagkain
dito ay di-gaanong masarap tulad ng pagkain sa bahay. 20. Si Marco ang piliin mo dahil malakas ang
boses niya.

You might also like