You are on page 1of 4

Ipinasa ni

Dominic R. Narcelles - STEM 2


Ipinasa kay:
Ms. Lualhati P. Domingo
I. Pamagat ng Pelikula

Babaylan: Silip sa nakaraan


II. Tauhan:
Prof. Garcia

Caloy
Niel Coleta …
Junar
Labrador …
Agnes
Matencia
Chanel … Laon Sing
Latorre
Patrice
Alissandra …
Matan-
Patani Daño … Also Starring:
Ayon
Junar Labrador
Banjo Romero
Ruby Varona
Prof. Leo De Manu Respall
Ping Medina …
Vera Roseann Ko
Camille Lopido
Edrick Chico
Derrick
... Lawrence
Monasterio

Nikki Valdez ... Joyce


III. Buod
- Sa Kuwentong ito, sinasamahan natin ang ating mga karakter na sina Lawrence, Joyce, Agnes at
Caloy sa isang paglalakbay sa bayang pinagmulan ng Babaylan upang makahanap ng mga tiyak na
sagot para sa kanilang paghahanap ng kaalaman at isang posibleng solusyon sa mga pangitain na
ito. Sa kanilang pakikipagsapalaran at paglalakbay, natutunan at napagtanto nila ang kulturang may
katagalan na, na sumasaklaw sa kanilang sarili, nagbubukas ng mga bagong daan ng pag-unawa
tungkol sa mga babaylan, ang kanilang sarili, ang kanilang mga tungkulin sa lipunan, ang mundo sa
kanilang paligid, at higit pa.

IV. Pagsusuring Pinaglalaman


a.) Makakatotohanan ba ang pagganap ng mga artista?
- Para sa akin, di gaano ka tunay pero pwede na, naging problema lang ay una, yung
pag dub ng boses nila kung kaya’t nahuhuli ang pag sasalita ng mga actor, pilit ang
ibang actor sa pag arte gaya ng mga may labanan di siya gaano pinractice, si Agnes
medyo maarte at pilit gumanap, at ang huli, medyo ka makatotoohanan ang mga
emosyon ng mga artista.

b.) Naging epektibo/ makatotohanan ba ang paglalahad ng mga pangyayari?


- Magiging maayos na sana, magandang lugar na pinag shoshoot at realistic, pero
pag dating sa mga special effects at emosyon ng bawat karakter, di gaano
nagkaroon ng impact sa mga tao, pero kung ano man ang eksena na naglalahad ng
damdamin sa isa’t isa, di nakakakilig pero nakakatawa at ang flow ng istoria
magulo ng konti. Sa kabuuan di masyado epektibo ang paglalahad ng mga
pangyayari.

c.) Iba pang reaksyon o komento sa pelikulang pinanood


- Maganda yung mensahe sa huli ng kwento, nabigay naman ang galing nila para
ipalaganap ang gustong nilang iparating sa mga tao ang naging problema lang
talaga ay yung pagganap ng mga artista sa pelikula pati rin yung special effects na
ginamit at props lalo na sa isang eksena na may pagong, halatang hindi
makatotohanan ang pag gawa. Kahit ganun A for effort kahit papano.

V. Sinematograpiya
a. Anong genre ang pelikulang pinanood?
- Ito’y uri ng isang Historical, Fantasy, at Adventure na pelikula

b. Ano ang masasabi mo sa estilo ng paglalahad ng mga pangyayari sa pelikula?


- Ang estilo nila ay medyo tipcal dahil pag dating sa mga pelikulang ganito ang usual
na flow ng istoria lalo na pag ito’y Historical, pero kahit papano na subukan naman
nila gawin ng maayos at practikal.

c. Ano ang masasabi mo sa mga ginamit na musika/ tunog?


- May mga ilang tugtugin na hindi masyado nababagay sa eksena, may isang eksna
na nagrirtual ang isang asawa ng datu gamit ay rock music, hindi siya ganun
kaastig, may iba hinalo ang rock at makalumang panahon na tugtog pero pwede na,
Mabuti sana kung hinanapan nila ng magandang lugar ang mga Background Music
nila para mapaganda nila yung pelikula ng kahit konti.
VI. Paksa/ Tema
- Ang temang pinapakita sa pelikula na ito ay tayo’y bumalik sa nakaraan para
malaman rin natin kung san tayo nagmula at kung paano tayo nagsimula na may
halong pantasya at kababalaghan, maibalik kung ano ang nakalimutan at matuto
muli.
- Maiuugnay ko tong pelikula na ito sa kasalukuyang panahon gamit ang isang
kasabihan na galing sa video game na nilalaro ko. “Life isn't just about passing on
your genes. We can leave behind much more than just DNA. Through speech, music,
literature and movies... what we've seen, heard, felt... anger, joy and sorrow... these
are the things I will pass on. That's what I live for. We need to pass the torch, and let
our children read our messy and sad history by its light. We have all the magic of the
digital age to do that with. The human race will probably come to an end some time,
and new species may rule over this planet. Earth may not be forever, but we still have
the responsibility to leave what traces of life we can. Building the future and keeping
the past alive are one and the same thing.”- Solid Snake (Metal Gear Solid 2: Sons of
Liberty).

VII. Mensahe ng pelikula


- Bakas ng ating mga nakaraan at pinagmulan ay hinahanap pa rin, kung kaya’t ang
gustong iparating ng pelikulang ito, ay dapat malaman natin kung ano at sino tayo,
wag natin kalimutan at ikahiya kung saan tayo nanggaling, dala dala natin ang
pamanang iniwan ng ating mga ninuno, nasa dugo natin ang pagka-Pilipino isa tong
bagay na dapat malaman at matutunan natin muli, kung anong naging parte ng
Sistema na nakalimutan, ito’y dapat balikan.

 Sa pelikulang ito, ang kaugnayan nito sa kulturang Pilipino ay pinapakita kung


ano ba ang mga Babaylan, ano ba ang mga bakas na iniwan nila, nang sila’y
maalala muli, ano ang naging importansya nila sa noong panahon na iyon.
Kung kaya’t, pinapaalala ito satin muli na malaking tulong ang babaylan na ito,
kung wala sila, sino ang magpapagaling sa atin? Kung wala sila paano na ang
pagpapatibay kulturang sumisimbulo sa ating pagkatao? Wag tayo maging
ignoranteng bumalik sa nakaraan at maging masaya kung ano ang
pinanggalingan nating mga Pinoy.

You might also like