You are on page 1of 11

ICT

Aralin 4 MGA NEGOSYO NA MAARING PAGKAKITAAN SA TAHANAN AT SA


PAMAYANAN

LAYUNIN:

 Nasasabi at natutukoy ang salitang may personal touch


 Natutukoy ang mga negosyong maaaring pagkakitaan sa tahanan at pamayanan.
 Naibabahagi ang sariling karanasan sa pagbili

ALAMIN NATIN
May dlawang paraan para magaroon ng sariling negosyo:
1.pag prodyus ng isang produkto galing sa pinagkukunang –yaman,
2. pagkakaloob ng serbisyo kapalit ng kabayaran
A. Basahin at pag-aralan ang usapan.
Kumusta?Magandang
umaga. Pasok po kayo.

1.
Salamat! Magaling ang iyong
ginawa.

2. Ako napo ang gagawa para


sa inyo, Sir.

3.
Para sa inyo po
ito.Salamat sa
pagpunta.

4.
Ma’am, naiwan po ninyo
ang bag ninyo.

5.

Tanong:

 Ano ang napansin sa usapan? Anong kaugalian ang ipinakikita ng

nagsasalita?

 Ang mga salitang ito ay ang mga nararapat na sagot ng isang batang
magalang,matulungin,totoo,marunong magpasalamat,magbigay halaga
sa nagawang serbisyo.
 Sa simpleng usapan, napansin mo ba na ang bawat negosyo ay laging
gumagamit ng mga salitang may personal touch?Dahil ang mamimili ay
kailangang masayahan sa produkto o serbisyo.

LINANGIN NATIN

Magmasid at alamin ang iba’t ibang sitwasyon:

 Gawain A.Bumuo ng tatlong pangkat


Unang Pangkat-I sulat sa manila paper ang naranasan sa isang
tindahan/fastfood na restaurant
Ikalawang Pangkat-Isadula kung paano maipakiita ang pagsisilbi sa mga
mamimili o kliyente sa isang tindahan/fastfood restaurant
Pangatlong Pangkat-Isulat sa manila paper ang magagandang katangian ng
isang negosyo at mga salita na nagging trademark o identity
Ipahayag sa klase. Talaayin ang tungkol sa isinadula isinadula.
 Gawain B-Tukuyin kung alin sa mga negosyo na nasa larawan ang
maaaring pagkakitaan sa pamayanan at sa tahanan?Anu-ano ang mga
serbisyong iniaalok/itinitinda?

Uri ng Negosyo Anu-anong negosyo ang iniaalok?
1.beauty parlor 1._________________________
2._________________________
3._________________________
4._________________________
5._________________________
2.pagawaan ng sapatos/payong 1._________________________
2._________________________
3._________________________
4._________________________
5._________________________

3. eatery/restaurant 1._________________________
2._________________________
3._________________________
4._________________________
5._________________________

4.tingiang tindahan 1._________________________


2._________________________
3._________________________
4._________________________
5._________________________

1.laundry shop 1._________________________


2._________________________
3._________________________
4._________________________
5._________________________

 Gawain C-Kapanayamin ang miyembro ng grupo kung anu-ano ang mga


negosyong mapagkakakitaan sa kanilang pamayanan o sa sariling
tahanan.
 Ipaulat kung anu-ano ang mga panindang mayroon dito.Ano sa palagay
ninyo ang mga mahahalagang Gawain sa pamamahala ng isang tindahan
ang marapat tandaan at isabuhay. Isulat sa manila paper ang bawat
kasagutan ng katulad ng nasa ibaba at iulat ng lider sa klase.

Uri ng negosyo Itinitinda/serbisyo Mahalagang Gawain


1. sa pamamahala

2.

3.

4.

5.
TANDAAN NATIN

Ang pangunahing Gawain ng negosyong nagbibigay serbisyong may


personal touch ay ang pagbibigay ng komportable at kasiya siyang
paglilingkod.
Mga halimbawa ngnegosyong maaaring pagkakitaan sa pamayanan at
tahanan: pagkain,pagawaan ng sirang gamit, parlor/barber shop, tingiang
tindahan, laundry shop, at iba pa.

GAWIN NATIN:

A,Isulat ang T kung tama at M kung mali ang isinasaad sa pangungusap.

1.Ang pagawaan ng sirang gamit ay negosyong maaring pagkakitaan sa


pamayanan o sa tahanan.
2.Lahat ng mamimili ay dapat komportable at nasisiyahan sa serbisyo.
3.Maari ring pagkakitaan sa tahanan ang isang negosyong patahian.
4.Ang isang negosyo ay dapat may personal touch.
5. Matulungin,matapat at mabilis sa serbisyo ang inaasahan sa mga
empleyadong nasa negosyong panserbisyo.
B.Paghambingin ang hanay A at B.Pagtapatin ang magkatugma .Isulat ang
titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B
1. Electrical shop a.pag-aayos ng bahay
2.School bus services b.pananahi ng damit
3.Home carpentry c.pagsundo at hatid sa eskwela
4.Tahian ni Tasya d.pag-aayos ng sirang gamit
5.Vulcanizing shop e.pag-ayos ng gulong

PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN

1. Magmasid sa inyong pamayanan at itala ang mga tindahan o negosyong


pagkakakitaan na makikita dito at ang uri ng mga paninda.

2. Pumili ng isa sa naitalang tindahan at apanayamin ang namamahala. Itanong


at iulat sa klase:

a. Sino ang may ari ng tindahan?


b. Ano ang pangunahing paninda?Bakit ito ang iyong napiling paninda?
c. Paano ipinagbibili ang paninda?
d. Ano ang nagagawa ng tindahan sa kanilang pamilya?
ICT Aralin 5 NAKAPAGBEBENTA NG NATATANGING PANINDA

NILALAMAN
Tatalakayin sa araling ito ang pamamaraan ng pagbebenta ng mga natatanging
paninda na ninanais pagkakitaan sa pag –eentrepreneur,Ito ay upang
maunawaan ng mga mag-aaral ang mga pamamaraan sa pagbebenta ng
natatanging produkto upang ang negosyong pinasok ay kumita at umunlad.

LAYUNIN
1. Naiisa-isa ang pamamaraan sa pagbebenta ng natatanging paninda.
2. Nakapagbebenta ng natatanging paninda
3. Napahahalagahan ang perang kinita.

ALAMIN NATIN

Tingnan ang isang surbey tungkol sa mga natatanging paninda


sa ibaba.Bigyang pansin ang nakatalang paninda at suriin ang mga sumusunod na
tala.

Paninda Paraan ng Halaga


pagbebenta
bibingka por bilao P 250.00
por piraso 15.00
puto porbilao 300.00
por piraso 6.00
suman Por piraso 6.00
Puto bumbong 3 piraso 15.00
kalamay por bilao 300.00
Por piraso 6.00

Basahin ang talaan ni Aling Aning sa paraan ng pagbebenta ng mga natatanging produkto:
 bibingka ipinagbibili ng por bilao o por piraso
-inilalagay sa malinis na bilao na may nilaib na dahon ng saging na may takip
-hinihilis ng hugis tatsulok
-maaaring ipagbili ng palako o sa pwesto

 puto ipinagbibili ng por bilao o por piraso


-inilalagay sa malinis at may takip na bilao o basket
-pwede ding ilagay sa malinis na plastic por dosena
- maaaring ipagbili ng palako o sa pwesto

 suman ipinagbibili ng por piraso


-inilalagay sa malinis at may takip na bilao o basket
-pwede ding ilagay sa malinis na plastic por dosena
- maaaring ipagbili ng palako o sa pwesto

 puto bumbong ipinagbibili ng por piraso


-inilalagay sa malinis at may takip na bilao o basket
-pwede ding ilagay sa malinis na plastic por piraso
- maaaring ipagbili sa pwesto habang kaluluto

 kalamay ipinagbibili ng por bilao o por piraso


-inilalagay sa malinis at may takip na bilao o basket
-pwede ding ilagay sa malinis na plastic por piraso
- maaaring ipagbili ng palako o sa pwesto

PAMAMAHALA NG PRODUKTO

 Pangasiwaan nang wasto at maayos ang paninda


 Panatilihing mahusay at mataas ang uri ng produkto
 Alamin ang pangkasalukuyang presyo upang di malugi

PAG-IINGAT SA IPINAGBIBILING PRODUKTO

 Malinis at maayos ang pagkakaluto


 Malinis at may takip ang pinaglalagyan
 Nasuri ng inspector ng kalusugan ang pinaglulutuan at ang paninda
 Nakasusunod sa pamantayang pangkalusugan ang tindero at tinder

LINANGIN NATIN

Gawain A.

suman puto bibingka puto bumbong


6.00/piras 6.00/piras 15.00/piras 15.00/piras
o o o o
 Anu-ano ang mga panindang nasa lamesa?
 Paano ipinresenta ang mga paninda?
 Paano ipinagbibili ang mga ito?
 Magkano mabibili ang bawat isa sa natatanging paninda?
 Kung ikaw ang tinder o tndera ng mga natatanging paninda paano
mo ibebenta ang bawat isa ?Anong pamamaraan ang iyong gagawin
upang maging mabili at maubos ito?

 Isulat sa talaan na nasa ibaba ang mga sagot sa mga


katanungan. Iulat ng lider ng bawat grupo saklase.

Paninda Presentasyon Paraan ng Halaga/Presyo


Pagbebenta

Gawain B.

Pangkatang Gawain

 Ang bawat grupo ay mag hahanda ng isang skit/dula-dulaan .Pag-usapan at mag


sadula ng tamang pamamaraan upang mabenta at maubos ang kanya-kanyang
panindang natatanging produkto. Gamiting gabay ang mga natutunang pamamaraan sa
pag benta ng produkto.

TANDAAN NATIN

Mahalagang maunawaan at tandaan ng bawat isang nais pumasok sa isang negosyo


ang mga pamamaraan sa pagbebenta ng natatanging produkto upang ang negosyong pinasok
ay kumita at umunlad.

GAWIN NATIN

Gumawa ng talaan sa pagbebenta ng produto sa inyong kwaderno o sa isang malinis na


papel.Punuan ang mga datos na kailangan.

PANINDA PARAAN NG HALAGA


PAGBEBENTA
Sagutin ang mga tanong.Isulat ang sagot sa papel.

Anu-anong mga hakbang sa pagbebenta ang dapat sundin?

Dapat bang ipatupad ang mga umiiral na batas sa pagbebenta ng paninda?Bakit?

GAWIN NATIN
Lagyan ng tsek ang thumbs up icon kung sumasang-ayon at thumbs down icon
kung hindi sa ipinahahayaag ng bawat sitwasyon.

Lagyan ng tsek ang thumbs up icon kung sumasang-ayon at


thumbs down icon kung hindi sa ipinahahayaag ng bawat sitwasyon.

1. Si Anita ay tinder ng bibingka sinisigurado niya na maayos at malusog


ang kanyang pangangatawan bago magtinda sa araw-araw.
2. Ang nanay ni Angel ay nagluluto at nagtitinda sa harap ng kanilang
tahanan ng mga natatanging paninda sinisigurado niya na malinis,
maytakip at dumaan sa inspeksyon ang mga ito.
3.Inilalako ni Imang ang panindang puto kahit ito ay ilang araw ng nailuto.
4.Ginagastos ni Sabeng ang kinita sa pagtitinda sa walang kabuluhang
bagay lamang.
5. Walang taipat dinadapuan ng langaw ang paninda ni Becca.

PAGYAMANIN NATIN

 Magmasid sa inyong pamilihan. Kapanayamin ang isang entrepreneur kung


paano niya isinasagawa ang pagbebenta ng kanyang mga natatanging
paninda.
ICT Aralin 6 LIGTAS AT RESPONSABLENG PAGGAMIT NG ICT

( IKALAWANG LINGGO )

NILALAMAN
Dapat maging ligtas at kapakipakinabang sa lahat ang pamamahagi ng
dokumento at media file Kailangang maliwanagan ang wasto at responsableng
pamamahagi nito.

LAYUNIN

4. Nabibigyang kahulugan ang ICT at ang kahalagahan nito


5. Naipaliliwanag ang mga panuntunan sa pamamahagi ng mga dokumento at
media file.

ALAMIN NATIN
1. Anu-ano ang mga kagamitang nakikita mo sa bahay,paaralan, at mga

lugar pasyalan na mga produkto ng makabagong teknolohiya?

2. Makatutulong ba ang pagkakaroon ng mga kagamitang ito?Bakit?

Tumutukoy ang Information Technology sa mga pamamaraan,kasangkapan,


at teknolohiya na tumutulong sa mga tao upang makakuha
ng impormasyon,maproseso ito,maitago at maibahagi.Itinuturing din itong sining
at agham ng pagtatala,pag-iingat ,pagsasaayos at pagpapalaganap
ng impormasyon.
Kasiya siyang Gawain ang paggamit ng computer internet at email.
Ngunit kalakip nito ang malaman at maliwanagan ang wastong pamamahagi ng
mga dokumento at media file na nabuo mula ditto

LINANGIN NATIN

Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo. Pumili ng taga pag-ulat at ipasagawa


ang sumusunod:

Unang grupo:
Gawain A:Tseklis ng mga panuntunan sa pamamahagi ng dokumento at
media file
Piliin ang mga panuntunan sa wastong pamamahagi ng dokumento at media
file na nakasulat sa mga strip ng kartolina. Idikit sa manila paper at ipaskil sa
pisara. Ipaliwanag sa klase ng napiling tagapag-ulat sa grupo.

TSEKLIS NG MGA PANUNTUNAN SA PAMAMAHAGI NG DOKUMENTO AT


MEDIA FILE

1.Humingi ng pahintulot sa kinauukulan bago mamahagi ng mga dokumento at


media file.
2.Siguraduhin na ang ipamamahaging dokumento at media file ay
pinahintulutan ng tunay na nag mamay-ari nito.
3.Upang maiwasan ang pagkakaroon ng virus ng iyong computer device i-scan
muna ang removable device na gagamitin gamit ang anti-virus software.
4.Gumamit ng ibat ibang aplikasyon sa internet sa pamamahagi ng dokumento
at media file.
5.Tiyakin na ang gagamiting device ay ligtas sa anumang virus na nakapaloob
dito.
6.Kung sakaling may matagpuang virus sa loob ng device, tiyaking alisin muna
ang virus sa loob nito bago gamitin.
7.Maging responsable dahil anumang virus na nasa loob ng removable device
ay maaaring mailipat din kasama ng dokumento at media file na nais
ipamahagi.
8.Siguraduhin ding mailagay kung sino o kanino nagmula ang ipamamahaging
dokumento o media file.
9.Tiyakin na ang dokumento at media file naipamamahagi ay hindi naglalaman
ng anumang uri ng detalye na maaring makapanira o makapagpapagalit sa
mga taong makakatanggap nito.
10.Gumamit ng mga aplikasyon tulad ng 7-zip at win zip kung ang media file o
doumento ay naglalaman ng sensitibong impormasyon upang i-encrypt ang
file.

Ikalawang grupo:
Gawain B: Artista ka na!
Maghanda ng SKIT o maikling dula na magpapaliwanag sa mga
wastong panuntunan sa pamamahagi ng dokumento at media file.

Ikatlong grupo:
Gawain C:Talakayan
Magkaroon ng maikling talakayan ang mga mag-aaral sa
mga sumusunod na tanong:
 Anu-anong panuntunan sa pamamahagi ng dokumento at media file
ang ipinaliwanag sa maikling dula-dulaan?Bakit ito ang napili ninyo?
 Bakit kailangang maliwanagan ang mga wastong panuntunan sa
pamamahagi ng dokumentoat media file?

PAGLALAHAT
 Ano-ano ang wastong panuntunan sa pamamahagi ng dokumento at media
file?
 Magbigay ng isa sa mga panuntunan at ipaliwanag ito sa ibat ibang
pamamaraan ( paawit, patula, tumatawa, umiiyak, nag rarap at iba pa)

PAGTATAYA:

Isulat sa sagutang papel ang T kung tama ang ipinahahayag na panuntunan sa


pamamahagi ng dokumento o media file at M kung mali.Ipaliwanag kung bakit mali
ang kasagutan.

___1.Ilagay kung sino o kanino nagmula ang ipamamahaging dokumento o


media file.
___2.Gumamit ng removable device ng hindi nag i-scan.
___3. Tiyakin na ang dokumento at media file naipamamahagi ay hindi naglalaman
ng anumang uri ng detalye na maaring makapanira o makapagpapagalit sa mga
taong makakatanggap nito.
___4.Huwag humingi ng pahintulot sa kinauukulan bago mamahagi ng
mga dokumento at media file.
___5. Anumang virus na nasa loob ng removable device ay hindi mailipat
na kasama ng dokumento at media file na nais ipamahagi kaya ayos lang
na balewalain ito.

PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN

 Magsulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa kahalagahan na


maliwanagan ang mga panuntunan sa pamamahagi ng dokumento at media
file.

You might also like