You are on page 1of 2

Paano kumalat ang mga produkto sa iba't ibang panig ng daigdig ?

-Ang bawat bansa ay may kani-kaniyang malawakang produksyon dahil sa mga produkto na laganap ang
pinagmulan sa bansa nila. Kaya dito nagkakaroon ng sistema ng import o pag-aangkat mula sa ibang
bansa o lugar at export o ang pag-susuplay ng mga produkto sa iba pang mga bansa. Dahil dito, mabilis na
lumaganap at kumalat ang mga produkto sa iba't-ibang panig ng mundo.

Sa iyong palagay nakatutulong ba ang mga produktong ito sa atin?pangatwiran


Sa aking palagay ay oo, dahil natutugunan nito ang mga pangangailangan ng bawat bansa kung baka nag
tutulungan ang bawat bansa upang umunlad sa pamamagitan ng pakikipag ugnayan ng produkto ng bawat
bansa.

Anu-ano ang mga anyo ng globalisasyon?


1. globalisasyong ekonomiko- uri ng globalisasyon kung saan makikita ang progreso ng kalakalan ng mga
produkto at serbisyo ng bawat bansa mula sa iba't ibang panig ng daigdig.
2. globalisasyong teknolohikal at sosyo-kultural- uri ng globalisasyon kung saan matutukoy pagunlad ng
mga lumang kagamitan at paraan ng pamumuhay mula noon hanggang ngayon.
3. globalisasyong politikal- uri ng globalisasyon kung saan makikita kung paano naiimpluwensyahan ng
mga politikong tao at grupo ang kabuuan ng bansa at relasyon ng bansa sa iba't ibang panig ng daigdig.

Ano ang globalisasyong ekonomiya?


Ang globalisasyon ay ang kaparaanan kung paano nagiging global o pangbuong mundo ang mga lokal o
pampook o kaya pambansang mga gawi o paraan. Sa madaling sabi, ginagawang magkakasama sa buong
daigdig. Tungkol ito sa ekonomiyaat kalakalan, teknolohiya, politika, at kalinangan o kultura.[1] Magkakaiba
ang pananaw at damdamin ng mga tao ukol sa globalisasyon: may mga nag-iisip na nakakatulong ito sa
lahat ng mga tao, habang may mga nag-iisip na nakapipinsala ito sa ilang mga tao.

Ano ang globalisasyong teknolohikal at sosyo kultural?


Ang globalisasyong teknolohikal at sosyo-kultural ay ang
mabilisang pagkalat at pagpapalaganap ng impormasyon, kultura, kaugalian, at
iba pang relasyong sosyo-kultural sa pamamagitan ng mabilisang impormasyon na
dala ng teknolohiya, gaya ng internet…
Upang malamang ang iba pang impormasyon ukol sa
globalisasyon, tingnan ang mga link sa ibaba.
Ano ang epekto ng globalisasyon sa Pulitika?
Ang globalisasyon ang tawag sa umiiral na pampulitika,
pang-ekonomiya, at sosyo-kultural na kaayusan. Ito ang katawagan sa
pagkakabuwag ng mga dibisyon at border at ang malayang pagpapalitan ng mga
impormasyon at produkto ng mga bansa…/…
Isang epekto ng globalisasyon sa lokal na pamumulitika ay ang
pagkakaroon ng posibilidad na makaimpluwensya sa mga lokal na desisyon ang mga
taong makapangyarihan ngunit nasa labas at hindi parte ng pagdedesisyon ng isang
pamahalaan. Halimbawa mga negosyanteng Amerikano at Intsik…
Ang mga Multinational Companies (MNCs) ay tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa ibang
bansa ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng
pamilihan.
Ilang halimbawa nito ay ang Unilever, Proctor & Gamble, Mc Donald’s, Coca-Cola, Google, UBER,
Starbucks, Seven-Eleven, Toyota Motor, Dutch Shell, at iba pa.

Ang Transnational Corporations (TNC) ay tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng


pasilidad sa ibang bansa.

Ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang lokal.


Binibigyang kalayaan na magdesisyon, magsaliksik, at magbenta ang mga yunit na ito ayon na rin sa
hinihingi ng kanilang pamilihang lokal. Marami sa kanila ay kompanyang petrolyo, I.T. consulting,
pharmaceutical, at mga kauri nito.

Halimbawa nito ang kompanyang Shell, Accenture, TELUS International Phils., at Glaxo-Smith Klein
(halimbawang produkto ay sensodyne at panadol).

Nakakatulong ba ang mga multinational,transnational corporation at outsourcing sa pag unlad ng bansa?

Oo, nakatutulong ang mga kumpanyang multinational, transnational at outsourcing ay makatutulong sa


pag-unlad ng bansa.

Nakadadagdag ito sa pagyabong ng ekonomiya ng bansa (GDP) at higit sa lahat, nagkakaroon ng mga
negosyo at trabaho ang mga mamamayan dahil sa mga ito.

Nakakabuti o nakakasama ba ang globalisasyon sa pamumuhay

Maaaring magdulot ng mabuting epekto kung balanse ang ginagawang

aksyon ng mga mamamayan sa kanilang sariling bansa na may koneksyon sa ekonomiya

ng ibang bansa. Kung mas tinatangkilik at mas lalong pinayayabong ang kultura,

produkto, kaugalian at kasanayan sa sariling bayan. Nagiging maganda rin ang

naidududlot nito upang mas makilala ng ibang bansa ang isa pang bansa.

At magdudulot

lamang ang globalisasyon ng masamang epekto kung unti-unting naiimpluwensyahan

ng ibang bansa ang isa pang bansa lalo na usaping kultura na nararapat lamang na

You might also like