You are on page 1of 1

Sa Aking Guro

(Composed by: Leony G. Labisa)


Bagamat ako ay isang munting bata
Isang musmos lamang, sa paghabi ng tula.
Sa abot ng isipan, ito’y aking kinaya,
Dahil sa pagmamahal, sa guro kong dakila.

Kay Gng./Ginoong __________, pangalang di malilimutan,


Nagsilbing Tagaagapay, sa aming kabataan.
Hindi nagsasawang, kami’y pagsabihan,
Tunay ngang ikaw na, pangalawa naming magulang.

Salamat aming guro, kami’y inyong tinuruan,


Bumasa’t, sumulat, at maging palakaibigan.
Babaunin namin ito, kalianma’y di malilimutan,
Mga sakripisyo aming guro, aya aming pahahalagahan.

Ikaw aming guro, tanglaw sa kinabukasan,


Nagbibigay sagot, sa lahat ng katanungan.
Ikaw ang gaming gabay, at aming sandigan,
Tunay kang bayani, sa aming puso’t isipan.

You might also like