You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IX, Tangway ng Zamboanga
SANGAY NG LUNGSOD NG ZAMBOANGA
Baliwasan Chico ,Lungsod ng Zamboanga

Ika- 22 ng Agosto, 2018

MILABEL ENRIQUEZ- HO
Pangulo
Western Mindanao State University
Lungsod ng Zamboanga

Kgg. Dr. Ho:

Isang mainit na pagbati mula sa pamunuan ng Kagawaran ng Edukasyon- Sangay ng


Lungsod ng Zamboanga.

Taon- taon, nagtataguyod ng pandibisyong patimpalakang Sangay ng Lungsod ng Zamboanga


sa pamumuno ni Dr. Allan T. Garcia, ang Pansangay na Tagamasid sa Filipino para sa
pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.Ngayon taon, ipagdiriwang ang Buwan ng
Wikang Pambansa 2018 na may temang “Filipino: Wika ng Saliksik” sa Human Resource
Development Center, Kalye Calixto, Lungsod ng Zamboanga sa Agosto 31, 2018. Ang mga
patimpalak ay ang Interpretatibong Pagbasa at Dagliang Talumpati.

Kaugnay nito, malugod naming inaanyayahan sina Dr. Analyn Saavedra, Prof. Nena
Abdurajak at Dr. Cherry Barredo na maging kasapi ng lupon ng inampalan para sa
patimpalak ng Interpretatibong Pagbasa sa Agosto 31, 2018 alas- 8 n. u. Ang kanilang
karanasan at kakayahan sa nasabing aspeto ay malaking ambag para sa pagdiriwang ito.
Isang malaking kagalakan na sila po ay aming makadaupang- palad sa naturang patimplak.

Inaasahan po namin ang inyong maagap na pagtugon sa aming paanyaya. Maraming salamat
po.

Lubos na gumagalang,

ALLAN T. GARCIA, Ed.D.


Pansangay na Tagamasid sa Filipino

Sinang-ayunan ni:

FELIX ROMY A. TRIAMBULO, CESO VI


Tagapamanihala ng Paaralang Lungsod
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IX, Tangway ng Zamboanga
SANGAY NG LUNGSOD NG ZAMBOANGA
Baliwasan Chico ,Lungsod ng Zamboanga

Ika- 22 ng Agosto, 2018

ATTY. LINDA EUSTAQUIO- LIM


Pangulo
Unibersidad de Zamboanga
Lungsod ng Zamboanga

Kgg. Atty. Lim:

Isang mainit na pagbati mula sa pamunuan ng Kagawaran ng Edukasyon- Sangay ng


Lungsod ng Zamboanga.

Taon- taon, nagtataguyod ng pandibisyong patimpalakang Sangay ng Lungsod ng Zamboanga


sa pamumuno ni Dr. Allan T. Garcia, ang Pansangay na Tagamasid sa Filipino para sa
pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.Ngayon taon, ipagdiriwang ang Buwan ng
Wikang Pambansa 2018 na may temang “Filipino: Wika ng Saliksik” sa Human Resource
Development Center, Kalye Calixto, Lungsod ng Zamboanga sa Agosto 31, 2018. Ang mga
patimpalak ay ang Interpretatibong Pagbasa at Dagliang Talumpati.

Kaugnay nito, malugod naming inaanyayahan sina Dr. Cecille T. Vidas ,Dr. Charina F.
Paragas at Dr. Melchor B. Brillantes na maging kasapi ng lupon ng inampalan para sa
patimpalak ng Dagliang Talumpati sa Agosto 31, 2018 alas- 8 n. u. Ang kanilang
karanasan at kakayahan sa nasabing aspeto ay malaking ambag para sa pagdiriwang ito.
Isang malaking kagalakan na sila po ay aming makadaupang- palad sa naturang patimplak.

Inaasahan po namin ang inyong maagap na pagtugon sa aming paanyaya. Maraming salamat
po.

Lubos na gumagalang,

ALLAN T. GARCIA, Ed.D.


Pansangay na Tagamasid sa Filipino

Sinang-ayunan ni:

FELIX ROMY A. TRIAMBULO, CESO VI


Tagapamanihala ng Paaralang Lungsod

You might also like