You are on page 1of 1

Lucas 5:17-26Magandang Balita Biblia (MBBTAG)

Pinagaling ang Isang Paralitiko


17
Minsan, habang si Jesus ay nagtuturo, may mga Pariseo at mga tagapagturo ng
Kautusan na nakaupo doon. Sila'y galing sa bawat bayan ng Galilea at Judea, at sa
Jerusalem. Taglay ni Jesus ang kapangyarihan ng Panginoon upang siya'y
magpagaling ng mga maysakit. 18 Dumating ang ilang lalaking may dalang isang
paralitiko na nakaratay sa higaan. Sinikap nilang makapasok sa bahay upang
mailagay ang maysakit sa harapan ni Jesus. 19 Ngunit wala silang madaanan dahil sa
dami ng tao, kaya't umakyat sila sa bubungan, binakbak ito at ibinabâ sa harapan
ni Jesus ang paralitikong nasa higaan. 20
Nang makita ni Jesus ang kanilang
pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, “Kaibigan, pinapatawad na ang iyong
mga kasalanan.”
21
Pagkarinig nito'y nag-usap-usap ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga
Pariseo, “Sino itong nagsasalita ng kalapastanganan sa Diyos? Hindi ba't Diyos
lamang ang makakapagpatawad ng mga kasalanan?”
22
Palibhasa'y alam ni Jesus ang kanilang pag-uusap, sinabi niya sa kanila, “Bakit
kayo nag-iisip nang ganyan? 23 Alin ba ang mas madaling sabihin, ‘Pinapatawad na
ang iyong mga kasalanan,’ o ‘Tumayo ka at lumakad’? 24 Ngunit upang malaman
ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan
dito sa lupa…” sinabi niya sa paralitiko, “Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan,
at umuwi ka na!” 25 Agad namang tumayo ang lalaki, at sa harap ng lahat ay binuhat
niya ang kanyang higaan at umuwing nagpupuri sa Diyos.26 Nanggilalas ang mga
naroroon at nagpuri sila sa Diyos. Sa pagkamangha ay sinabi nila, “Nakakita tayo
ngayon ng mga kahanga-hangang bagay!”

You might also like