You are on page 1of 38

HEKASI VI

Date: _________________

I. Layunin
 Napahahalagahan ang pagsisikap ng mamamayan'at ng pamahalaan upang umunlad ang bansang
Pilipinas

Pagpapahalaga: Pagbibigay-halaga sa kabuhayan/kaunlaran ng isang bansa

II. Paksang-aralin
Ang Pamahalaan at ang Pambansang Kaunlaran "Kahulugan ng Kaunlaran"

Sanggunian: BEC pah. 24 PELC V. A.1, pah. 34


Batayang Aidat, pah. 240-257
Ang Pilipino sa Pagtwo ng Bansa, pah. 264-265, 270-273
Kagamitan: mga larawan, dayagram

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:

2. Balik-aral::
Anu-ano ang mga kabutihang dulot sa Pilipinas ng pagsapi sa mga samahang panrehiyon
at pandaigdig (ASEAN, UN)?

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
a. Nais ba ninyong malaman an gating bagong yunit? May kinalaman kaya ito sa
kaunlaran?
b. Itala sa pisara ang mga sumusunod na mga bansa at pangkatin ang mga ito ayon sa
kanilang kalagayan
Estados Unidos Pilipinas Singapore
Hapon Indonesia Korea
Gran Brintanya India Tsina

A. Maunlad na Bansa B. Papaunlad na Bansa


___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________

2. Pagkilala sa bagong unit: Kabanata I


 Pagmamasid ng mga larawan sa paskilan
 Pagbibigay ng mga hinuha at pagbuo ng mga katanungang tatalakayin
Halimbawa:
Ano ang kaunlaran?
Anu-ano ang mga palatandaan ng kaunlaran sa kabuhayan, kultura at pulitika?

3. Paglalahad:
 Pagpapangkat-pangkat sa mga bata/pagbasa sa paksa o aralin.
 Pagpapalitan ng kuru-kuro (brainstorming)
 Pag-uulat ng mga nakuhang impormasyon at nabuong kaisipan

4. Pagtalakay:
Ano ang kahulugan ng kaunlaran?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Ipakita ang kahulugan ng kaunlaran sa pamamagitan ng paggamit ng DAYAGRAM.

Halimbawa:
1. malagong kabuhayan 1. maunlad na pulitika 1. mayamang kultura
2. mataas na GNP/ 2. may demokratikong 2. may pinagyamang
Per capita income uri ng pamahalaan elemento ng sining,
panitikan, sayaw,
musika, asal, paniniwala
at pagpapahalaga

2. Paglalapat:
Kalian mo masasabing may kaunlaran ang iyong bayan/bansa?

3. Pagpapahalaga (Filipino/EKAWP/HEKASI)
Mahalaga ba ang kaunlaran ng isang bansa?
Paano mo pahahalagahan ang kabuhayan/kaunlaran ng ating bansa?
Makabayan o makabansa ka ba?

IV. Pagtataya:
Sumulat ng isang maikling talata tungkol sa kahulugan ng kaunlaran.

V. Takdang Aralin:
Tukuyin ang mga palatandaan ng kaunlaran sa larangan ng kabuhayan, kultura at pulitika, Ang
Pilipino sa Pagbuo ng Bansa, pah. 264-268; Pilipinas: Bansang Papaunlad, pah. 241-252
HEKASI VI
Date: _________________

I. Layunin k
 Natutukoy ang mga palatandaan ng kaunlaran sa larangan ng kabuhayan, kultura at pulitika

Pagpapahalaga: Pakikiisa/pakikipatulungan para sa kaunlarang pangkabuhayan ng bansa

II. Paksang-aralin
Ang mga Palatandaan ng Kaunlaran
Pag-unlad na Pangkabuhayan

Sanggunian: BEC pah. 24 PELC V.A.1.1, 1.2, pah. 34-35


Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, pp. 241-242
Ang PIlipinas sa Pagbuo ng Bansa 6, pp. 263, 270-273
Kagamitan: Grap, pah. 270-271 at taiahanayan, pah. 273; mga balita tungkol sa GNP ng
Pilipinas at ng ibang bansa

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:

2. Balik-aral:
Ano ang kahulugan ng kaunlaran?

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Gusto mo bang maging maunlad ang kabuhayan ng ating bansa?

2. Paglalahad:
Pagpapangkat-pangkat ng mga bata.
Pagbasa sa aralin tungkol sa paksang itinakda/Pag-aaral sa mga grap at talahanayan

3. Pagtalakay:
Ano ang pangunahing Iayunin ng bawat bansa?
Sa pamamagitan ng iba't ibang patakaran nakikita ang pag-unlad ng kabuhayan. Anu-ano
Ito? (Mga inaasahang sagot: paglaki ng GNP, per capita income at bilang ng may
hanapbuhay, atbp.)
a. Ano ang tinatawag na GNP?
Batay sa grap ng GNP ng Pilipinas (1977-1983), magkano ang GNP ng bansa sa
taong 1977? 1978? 1979? 1980? 1981? 1982? 1983? Aling taon ang may pinakamaliit na
GNP? Ang may pinakamalaki?
b. Ano ang tinatawag na "per capita income"? Ano ang kinalaman ng populasyon sa per
capita income? Ano ang ipinahihiwatig ng grap?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga palatandaan ng kaunlaran sa larangan ng kabuhayan?
Magbigay ng halimbawa ng mga katangian ng Tsang maunlad na bansa sa larangan ng
kabuhayan.

2. Paglalapat:
Anu-ano ang mga kabutihang natatamo ng mga bata sa isang bansang maunlad ang
kabuhayan?
Para sa iyo, anu-ano ang mga katangian ng isang maunlad na bansa sa larangan ng
kabuhayan?

3. Pagpapahalaga:
Mahalaga bang magkaroon ng kaunlaran sa larangan ng kabuhayan ang bawat bansa?
Paano?

IV. Pagtataya
Piliinn ang titik ng wastong sagot.
1. Ang isang palatandaan ng pag-unlad sa kabuhayan ay ang paglaki ng _________________.
a. GNP o Kabuuang Pambansang Produkto
b. Teritoryo ng bansa
c. Mga likas na yaman
2. Ang bahagi ng populasyon na maaaring maghanapbuhay ay tinatawag na _________________.
a. hang-bisig
b. Yaman-tao
c. Kapit-bisig
3. Isarg palatandaan ng pag-unlad ng bansa ang _________________________.
a. paglaho ng kultura
b. pag-unlad ng kabuhayan
c. paglaki ng populasyon

V. Kasunduan
Pag-aralang matukoy ang mga palatandaan ng kaunlaran sa larangan ng kultura at makapagbigay
ng halimbawa ng mga katangian ng isang maunlad na bansa sa larangan ng kultura.
HEKASI VI
Date: _________________

I. Layunin
 Nailalarawan ang isang maunlad na bansa sa larangan ng kabuhayan, kultura at pulitika

Pagpapahalaga: Pagtangkilik/Pagtataguyod/Pagmamahal sa mga Kulturang Pilipino

II. Paksang-aralin
Ang mga Palatandaan ng Kaunlaran
Pag-unlad na Pangkultura

Sanggunian: BEC pah. 24


Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa 6, pp. 265-269 Pilipinas:
Bansang Papaunlad 6, pp. 243-245
Kagamitan: Mga larawan ng iba't ibang pagdiriwang, museo, galeriya, bai-baitang na
palayan, mga gusali, tulay, atbp.

A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Balik-aral:
Tukuyin ang mga palatandaan ng kaunlaran sa larangan ng kabuhayan. Ano ang
tinatawag na GNP? Per capita income? Laang-bisig?

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Alam na ba ninyo na ang ating bansa ay maunlad dahil sa ating maunlad na kultura?

2. Paglalahad:
 Pagpapangkat-pangkat ng mga bata
 Pagbasa sa aralin, pah. 265-269, Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa
 Pagpapalitan ng kuru-kuro (brainstorming)
 Pag-uulat ng mga nakuhang impormasyon at nabuong kaisipan

3. Pagtalakay:
Ang mga mamamayan ba sa Pilipinas ay may kulturang Pilipino? Nagpapakita ba ito ng
pagkakakilanlan ng isang bansa? Kultura rin ba ang nagbibigkis sa mga mamamayan at
pinagmulan ng diwa ng pagkakaisa? Patunayan ito.
Masasabi ba nating maunlad ang bansang may maunlad na kuitura? Patunayan ito.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga palatandaan ng kauniaran sa larangan ng kultura? Mga Inaasahang

2. Paglalapat:
Paano ka makatutulong sa pagpapayaman sa kultura ng Pilipinas?

3. Pagpapahalaga:
Paano natin pahahalagahan ang mga kulturang Pi!ipino?
IV. Pagtataya
1. Tinitipon ng mga Pilipino ang mga reliko o mahahalagang bagay tuiad ng mga ginamit ng mga
ninuno at inilalagak sa _________.
a. Pambansang Sentro ng Kultura
b. Pambansang Museo
c. Batasang Pambansa
2. Ang pagdami ng galeriya sa buong bansa ay nagpapakita ng patuloy na pagtangkilik sa _______.
a. likha
b. kalinangan
c. sining

V. Kasunduan
1. Gumupit ng mga larawan ng mga halimbawa ng mga sumusunod:
mga pagdiriwang musika
museo wika
sining inhinyerya at arkitektura
2. Humanda sa pagtukoy sa mga palatandaan ng kaunlaran sa larangan ng pulitika, pah. 274-275,
Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa.
HEKASI VI
Date: _________________

I. Layunin
 Natutukoy ang mga palatandaan ng kaunlaran sa larangan ng pulitika

Pagpapahalaga: Kahalagahan ng pamahalaan

II. Paksang-aralin
Ang mga Palatandaan ng Kaularan
Pag-unlad na Pampubliko

Sanggunian: BEC pah. 24 PELC V 1.2 at 1.2, pah. 36


Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa 6, pah. 274-275
Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, pp. 245-246
Kagamitan: Larawang may kaugnayan sa pamahalaan at mamamayan

A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Balik-aral:
Anu-ano ang palatandaan ng kaunlaran sa larangan ng kultura?
Gamitin ang “flower webbing” sa pagbibigay ng mga katangian ng isang bansang
maunlad sa larangan ng kultura.

Halimbawa:
a. mga pagdiriwang
b. museo
c. sining
d. musika
e. awit
f. wika
g. enerhiya

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Nais ba ninyong malaman na ang isang bansa ay kinakailangang maging maunlad sa
larangan no pulitika?

2. Paglalahad:
 Pagpapangkat-pangkat ng mga Bata
 Pagbasa sa aralin tungkol sa paksang itinakda
 Pangkatang Pagpapakita/dramatisasyon ng mga pangyayaring nagpapakita ng mga
palatandaan ng kaunlaran sa larangan ng pulitika sa bansa
3. Pagtalakay:
Ano ang pamahalaan? Anong pamahalaan mayroon ang Pilipinas? Mahalaga ba ang
pamahalaan sa pag-unlad ng bansa? Bakit?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga palatandaan ng kaunlaran sa larangan ng pulitika?
Anu-ano ang mga halimbawa ng mga katangian ng isang bansa sa larangan ng pulitika?

2. Paglalapat:
Para sa iyo, totoo bang maunlad ang pulitika ng Pihpinas? Bakit?

3. Pagpapahalaga:
Mahalaga ba sa atin ang pamahalaan, mga karapatan at mga kalayaan ng mga
mamamayang Pilipino?

IV. Pagtataya:
Anu-ano ang mga paiatandaan ng kaunlaran sa larangan ng pulitika?
Anu-ano ang mga halimbawa ng mga katangian ng isang bansa sa larangan ng pulitika.

V. Takdang Aralin:
Ipaliwanag ang mga hakbang na isinasagawa ng pamahalaan sa pagtataguyod ng kaunlaran ng
bansa, pah. 241-252, Pilipinas: Bansang Papaulad.
Humanda sa pagtalakay sa bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa pagpapaunlad at
pagpapatatag ng kabuhayan ng Pilipinas, pah. 246-252, Pilipinas: Bansang Papaunlad.
HEKASI VI
Date: _________________

I. Layunin
 Naipaiiliwanag kung paano itinataguyod ng pamahalaan ang pambansang adhikaing umunlad ang
bansa

Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa mga patakaran at programang pangkabuhayan ng bansa.

II. Paksang-aralin
Mga Patakaran at Programang Pangkabuhayan
a. Panahon ng Espanyol
b. Panahon ng Amerikano
c. Panahon ng Hapones

Sanggunian: BEC pah. 24 PELC V.B.1 at B.1.1, pah. 36


Piipinas: Bansang Papaunlad 6, pp. 246-252
Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa 6, pp. 276-279
Kagamitan: mga larawan

A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Balik-aral:
Anu-ano ang mga palatandaan ng kaunlaran sa larangan ng kabuhayan, kultura at
pulitikra?

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Mayroon na bang mga patakaran at programang pangkabuhayan noong panahon ng
Espanyol, Amerikano at Hapones?

2. Pagkilala sa bagong yunit (Kabanata 2)


Pagmamasid ng mga larawan sa paskilan

3. Paglalahad:
Pagpapangkat-pangkat ng mga bata
Pangkat I - Panahon ng Espanyol
Pangkat II - Panahon ng Amerikano
Pangkat III - Panahon ng Hapones
Pagbasa sa aralin tungkol sa paksang itinakda.
Pagpapalitan ng kuru-kuro
Pag-uulat ng mga nakuhang impormasyon at nabuong kaisipan

4. Pagtalakay:
Kailan nagsimulang magkaroon ang Pilipinas ng mga patakarang pangkabuhayan para sa
pag-unlad ng bansa?
Ano ang tinatawag na merkantilismo? Monopolyo ng tabako? Encomienda?
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga patakaran at programang pangkabuhayang inilunsad sa pagunlad ng
bansa sa panahon ng Espanyol? Amerikano? Hapones? Ipaliwanag ang mga ito.

2. Paglalapat:
Makikinabang ba ang mga batang tutad mo kung magiging matagumpay ang mga
patakaran at mga programang pangkabuhayang ito?

3. Pagpapahalaga:
Mahalaga ba ang mga programang pangkabuhayang ito Para sa ating bansa? Ipaliwanag
ito. Gamitin ang "Graphic Organizer".

IV. Pagtataya:
Piliin ang titik ng wastong sagot.
____ 1. Nasimulang magkaroon ang pamahalaan ng mga patakarang pangkabuhayan noong ______.
a. bago dumating ang mga Espanyol
b. panahon ng espanyol
c. panahon ng amerikano
____ 2. Sa __________, lahat ng kagamitang panangkap ng Pilipinas ay sa Espanyol lamang
iluluwas.
a. merkantilismo
b. monopolyo sa babako
c. enconmienda

V. Takdang Aralin:
Anu-ano ang mga patakaran at programang pangkabuhayang inilunsad sa pag-unlad ng basa sa
Panahon ng Ikatlong Republika. (Pang. Manuel Roxas, Pang.Elpidio Quirino, Pang. Ramon
Magsaysay at Pang. Carlos P. Romulo)
HEKASI VI
Date: _________________

I. Layunin
 Naiisa-isa ang mga patakaran at programang pangkabuhayang inilunsad ng aamanalaan sa pag-
unlad ng bansa

Pagpapahalaga: Pagbibigay-halaga/Pagmamahal sa mga patakaran at mga programang


pangkabuhayan ng bansa na nakatulong sa kaunlaran ng ating bansa.

II. Paksang-aralin
Mga Patakaran at Programang Pangkabuhayan Panahon ng Ikationg Republika
1. Pang. Manuel Roxas
2. Pang. Elpidio Quirino
3. Pang. Ramon Magsaysay
4. Pang. Carlos P. Garcia

Sanggunian: BEC pah. 24 PELC V B.1.1, pah. 36-37


Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa 6, pah. 280-284
Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, pp. 246-252
Kagamitan: Mga larawan

A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Balik-aral:
Anu-ano ang mga patakaran at programang pangkabuhayang inilunsad sa:
a. Panahon ng Espanyoi
b. Panahon ng Amerikano
c. Panahon ng Hapones

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Kilala ba ninyo ang mga naging pangulo ng ating bansa na sina Pang. Manuel Roxas,
Pang. Elpidio Quirino, Pang. Ramon Magsaysay at Pang. Carlos P. Garcia? Ano kaya ang
nagawa nila sa ating bansa upang umunlad?

2. Paglalahad:
Pag-uulat ng mga nakuhang impormasyon at nabuong kaisipan ng mga pangkat.

3. Pagtalakay:
 Ano ang naging patakaran ng Pilipinas upang malutas ang suliraning pangkasalukuyan
noong panahon ng Ikatlong Republika?
 Anu-ano ang mga patakarang inilunsad sa ilalim ni Pang. Roxas? Ano ang RFC? Anu-ano
ang mga Iayunin nito? Napabuti ba nito ang kabuhayan ng mga Pilipino?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga patakaran at mga programang pangkabuhayan sa Panahon ng Ikationg
Republika (sa ilalim nina Pang. Manuel Roxas, Pang. Elpidio Quirino, Pang. Ramon
Magsaysay at Pang. Carlos P. Garcia)?
2. Paglalapat:
Para sa iyo, nakabuti ba ang RFC, ACCFA, atbp. para maging maunlad ang ating bansa?

3. Pagpapahalaga:
Dapat ba nating pahalagahan/mahalin ang mga patakaran at mga programang
pangkabuhayang inilunsad sa ilalim nina Pang. Manuel Roxas, Pang. Elpidio Quirino, Pang.
Ramon Magsaysay at Pang. Cartos P. Garcia? Bakit?

IV. Pagtataya:
Ipaliwanag arig mga patakaran at mga programang pangkabuhayan na inilunsad sa Panahon ng
Ikatlong Republika sa ilalim nina:
a. Pang. Manuel Roxas
b. Pang. Elpidio Quirino
c. Pang. Ramon Magsaysay
d. Pang. Carlos P. Garcia

V. Takdang Aralin:
Gumawa ng talahanayan ng mga patakaran at mga programang pangkabuhayan na inilunsad sa
ilafim ng mga naging pangulo sa Panahon ng Ikationg Republika.
HEKASI VI
Date: _________________

I. Layunin:
 Natatalakay ang mga patakaran at programang pangkabuhayang inilunsad sa pagunlad ng bansa

Pagpapahalaga: Pagtataguyod at pagsuporta sa mga patakaran at mga pragramang


pangkabuhayan ng bansa

II. Paksang-aralin
Panahon ng Ikatlong Republika
1. Pang. Diosdado Macapagal
2. Pang. Ferdinand Marcos
Panahon ng Bagong Republika

Sanggunian: BEG pah. 24 PELC V B.1.1, pah. 36-37


Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa 6, pah. 280-285
Kagamitan: Mga iarawan ng mga naging pangulo ng bansa sa Panahon ng Ikationg Republika

A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Balik-aral:
Anu-ano ang mga patakaran at mga programang pangkabuhayan na inilunsad sa
Panahon ng Ikatlong Republika sa ilalim nina Pang. Manuel Roxas, Pang. Quirino,
Pang. Magsaysay at Pang. Carlos P. Garcia? Nakabuti ba ang mga ito sa pag-papaunlad
n gating bansa?

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Kilala ba ninyo ang mga naging pangulo ng ating bansa na sina Pang. Diosdado
Macapagal, Pang. Ferdinand Marcos at ang mga naging Pangulo sa Panahon ng Bagong
Republika?

2. Paglalahad:
Pag-uulat sa bawat pangkat.
Pagsagot sa mga tanong batay sa mga paksang iniulat

3. Pagtalakay:
Anu-ano ang mga patakaran at mga programang pangkabuhayan ang inilunsad sa ilalim
ni Pang. Diosdado Macapagal? Ano ang patakarang “Lupa Para sa Walang Lupa”? ang
“Limang Taong Programa sa Kaunlarang Panlipunan at Pangkabuhayan”?Napabuti ba ang
kabuhayan ng mga Pilipino?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga patakaran at programang pangkabuhayan inilunsad sa pag-unlad ng
bansa sa ilalim nina:
Pang. Diosdado Macapagal Pang. Ferdinand Marcos
2. Paglalapat:
Mahalaga ba ang mga patakaran at mga programang pangkabuhayang ito sa ilalim nina
Pang. Ferdinand Marcos at Pang. Diosdado Macapagal sa Panahon ng Ikatlong Republika at
Panahon ng Bagong Republika?

3. Pagpapahalaga:
Dapat ba nating itaguyod at suportahan ang mga patakaran at mga programang
pangkabuhayan ito sa ilalim nina Pang. Diosdado Macapagal, Pang. Ferdinand Marcos at
mga patakaran sa Panahon ng Bagong Republika? Bakit?

IV. Pagtataya:
Piliin ang titik ng wastong sagot.
______ 1. Ang __________ na ngayon ay DBP ay itinatag sa rekomendasyon ni Pang. Roxas upang
mamahala sa pagpapautang para sa pagsasaayos ng industriya, atbp.
a. RFC o Rehabilitation Corporation
b. ACCFA
c. HUKBALAHAP
______ 2. Ang patakarang __________ ay itinatag ni Pang.Garcia upang linangin ang nasyonalismo
ng mga Pilipino at ang kanilang pagmamahal sa sariling produkto.
a. “Pilipino Lang”
b. “Gawang Pilipino”
c. “Pilipino Muna”

V. Takdang Aralin:
Isa-isahin ang paraang ginagawa ng pamahalaan para sa pagpapabuti ng uri ng
edukasyon, pah. 251, Pilipinas: Bansang Papaunlad.
HEKASI VI
Date: _________________

I. Layunin:
 Naiisa-isa ang paraang ginagawa ng pamahalaan para sa pagpapabuti ng uri ng
edukasyon.

Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa edukasyon

II. Paksang-aralin:
Pagpapabuti ng uri ng Edukasyon

Sanggunian: BEC pah. 24 PELC V.B.1.2, pah.37


Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa 6, pah. 286-287
Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, pp.251
Kagamitan: Saligang Batas, larawan

A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Balik-aral:
Anu-ano ang mga patakaran at mga programang pangkabuhayang inilunsad sa pag-unlad
ng bansa sa iba't ibang panahon?

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Mahalaga ba sa mga Pipipino ang edukasyon? Bakit?

2. Paglalahad:
Pagbasa sa aralin, pah. 286-288 Pagpapalitan ng kuru-kuro (brainstorming)

3. Pagtalakay:
Ano ang kahalagahan ng edukasyon sa pagpapaunlad ng bansa? Anu-ano ang ginagawa
ng pamahalaan upang maipakita nito ang pamumuhunan sa edukasyon ng mga kabataang
nag-aaral? Sa mga hindi nag-aaral?
Binibigyang-pansin ba ng pamahalaan ang mga kabataang hindi na nag-aaral? Ipaliwanag
ito.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga paraang ginagawa ng pamahalaan para sa pagpapabuti ng uri ng
edukasyon? Gumamit ng "Graphic Organizer" para dito.

2. Paglalapat:
Para sa iyo, mabuti ba ang uri ng edukasyon sa Pilipinas?

3. Pagpapahalaga:
Mahalaga ba sa atin ang edukasyon?
Isinasaad ba sa Saligang Batas na tungkulin ng Estado na malinang ang mga kakayahan
ng bawat bats at mabuhay sa isang payapa at matiwasay na tirahan? Paano Ito matutupad?
IV. Pagtataya:
Sagutin nang wasto ang mga tanong.
Anu-ano ang mga paraang ginagawa ng pamahalaan upang mapabuti ang uri ng edukasyon sa
ating bansa?

V. Takdang Aralin:
Anu-ano ang mga paraang ginagawa ng pamahaiaan para sa pagpapabuti ng uri no kaiusugan?
HEKASI VI
Date: _________________

I. Layunin:
 Naiuuanay ang kahalagahan ng edukasyon at kalusugan ng mamamayan sa Pagpapaunlad ng
kabuhayan ng bansa

Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa kalusugan ng mga mamamayan

II. Paksang-aralin:
Pagpapabuti ng Uri ng Kalusugan

Sanggunian: BEC — 2 pah. 24 PELC V B.1.3, pah. 37


Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa 6, pah. 287
Kagamitan: Mga larawan

A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Balik-aral:
Anu-ano ang mga praang ginagawa ng pamahalaan para sa pagpapabuti ng edukasyon?

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Malusog ka ba? Pinagbubuti kaya ng pamahalaan ang ating kalusugan?

2. Paglalahad:
Pagbasa sa aralin
Pagpapalitan ng kuru-kuro (brainstorming)

3. Pagtalakay:

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Anong kahalagahan ng kalusugan sa pagpapaunlad ng bansa?
Anu-ano ang ginagawa ng pamahalaan upang mapabuti ang uri ng kalusugan ng rnga
mamamayan?
Paano ipinatutupad ng pamahalaan ang programa sa kalusugan? Ano ang DOH? Ano ang
bagong pamamalakad nito?

2. Paglalapat:
Anu-ano ang mga paraang ginagawa ng pamahalaan para sa pagpapabuti ng uri ng
kalusugan?

3. Pagpapahalaga:
Ano ang maaaring mangyari sa ekonomiya ng bansa kapag hindi gumawa ng paraan ang
pamahalaan para sa pagpapabuti ng uri ng kalusugan?
Mahalaga ba ang "pagiging malusog" ng bawat mamamayan? Paano Ito nakatutulong sa
pagkakaroon ng pag-unlad ng isang bansa?
IV. Pagtataya:
Anu-ano ang mga paraang ginagawa ng pamahalaan upang mapabuti ang uri ng kalusugan sa
ating bansa?

V. Takdang Aralin:
Isa-isahin ang paraang ginagawa ng pamahalaan para mapaunlad ang uri ng agham at
teknolohiya, pah. 293-296, Ang Piiipino sa Pagbuo ng Bansa 6; Pilipinas: Bansang Papaunlad, pah.
251.
HEKASI VI
Date: _________________

I. Layunin:
 Nabibigyang-katuwiran ang mga paraang ginagawa ng pamahalaan para mapaunlad ang agham at
teknolohiya

Pagpapahalaga: Pagiging maunlad ng agham at Teknolohiya/Pakikiisa/Pakikipagtulungan

II. Paksang-aralin:
Pagpapaunlad ng Agham at Teknolohiya

Sanggunian: BEC - 3 pah. 24 PELC V B.1.4, pah. 37


Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa 6, pah. 293-296
Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, pp. 251
Kagamitan: Mga larawan

A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Balik-aral:
Anu-ano ang mga paraang ginagawa ng pamahalaan para mapaunlad o mapabuti ang uri
ng kalusugan sa bansa?

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Alam na ba ninyo na pinagbubuti tin ng ating pamahalaan ang agham at teknolohiya sa
ating bansa?

2. Paglalahad:
Pagbasa sa aralin
Pagpapalitan ng kuru-kuro (brainstorming)

3. Pagtalakay:
Mahalaga ba ang bahaging ginagampanan ng agham at teknolohiya sa pagkakamit ng
layuning pambansang kaunlaran?
Magbigay ng ilang layunin ng agham at teknolohiya sa pamamagitan ng "Concept Map".
Ano ang NSTA? NISI? PCRD? Anu-ano ang mga Iayunin nito? Anu-ano ang mga
pananaliksik na ginagawa nila?
Anu-ano pa ang ginagawang pananaliksik sa pagpapaunlad ng agham at teknolohiya?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga paraang ginagawa ng pamahalaan para mapaunlad ang agham at
teknolohiya ng ating bansa?

2. Paglalapat:
Para sa iyo, mabuti ba ang maging maunlad ang agham at teknolohiya ng ating bansa?
3. Pagpapahalaga:
Mahalaga ba ang makiisa at makipagtulungan sa pagpapabuti ng agham at teknoiohiya?

IV. Pagtataya:
Anu-ano ang mga paraang ginagawa ng ating pamahalaan upang m~apagbuti ang agham at
teknolohiya sa ating bansa?

V. Takdang Aralin:
Ipaliwanag ang kahalagahan ng pangangalaga sa sarili upang makatulong sa pagpapaunlad ng
bansa, pah. 265-266, Pilipinas: Bansang Papaunlad 6.
HEKASI VI
Date: _________________

I. Layunin:
 Naipaliliwanag kung paano makatutulong sa pag-unald at pagsutong ng bansa ang pagtitiwala sa
sariling kakayahan

Pagpapahalaga: Pagtitiwala sa sariling kakayahan

II. Paksang-aralin:
Pagtitiwala sa Sariling Kakayahan

Sanggunian: BEC 12 PELC V C.4, pah. 39


Ang Filipino sa Pagbuo ng Bansa 6, pah. 307
Pdipinas: Bansang Papaunlad 6, pah. 264
Kagamitan: Maze sa manila paper, strips ng papel para sa laro, tsart, graphic organizer

A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Pagganyak:
Ang mga bata ay magpapangkat-pangkat sa 4 upang maglaro ng "Freeze and Defroze".
Ang guro ay magbibigay ng mga sitwasyon o kaganapan at sa loob ng isang minuto ang mga
bata ay mag-iisip ng "action" para dito. Sa hudyat ng guro, ang mga bata ay magpi-freeze
upang ipakita ang kanilang ideya sa pamamagitan ng piping palabas.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Sundan ang maze sa pamamagitan ng lapis o krayon upang malaman ang nakatagong
salita. (nasa tsart)
Ano ang nakatagong saiita?
Nasundan mo ba ang maze? Nahirapan ka bang matagpuan ang nakatagong salita?

2. Pagbibigay ng Hinuha:
Paano makatutulong sa pag-unlad at pagsulong ng bansa sa pagtitiwala sa sariling
kakayahan?

3. Talakayan/Pagpapangkat/Pag-uulat:
Basahin ang sumusunod na paglalahad. Pagtitiwala sa Sariling Kakayahan TM. pah. 202
Bakit mahalaga Para sa kaunlaran ng bansa ang pagtitiwala sa sariling kakayahan?
(Magpapangkat ang mga bata at pag-usapan Ito.)

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
2. Pagpapahalaga:
Paano mo maipakikita ang iyong pagtitiwala sa sariling kakayahan?

IV. Pagtataya:
Buuin ang pahayag.
Maipakikita ko ang pagtitiwala sa aking sarili sa pamamagitan ng _________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
___________________________________.

V. Takdang Aralin:
Gumawa ng poster na nagpapakita ng pagtitiwala ng mga Pilipino sa sariling kakayahan. Ilagay
sa 1/4 na kartolina.
HEKASI VI
Date: _________________

I. Layunin:
 Naipaliliwanag kung paano nagiging produktibo ang isang tao

Pagpapahalaga: Maging aktibe sa paglahok sa mga gawain ng klase

II. Paksang-aralin:
Pagiging Produktibo

Sanggunian: BEC 1.4 PELC V C.6, pah. 39


Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, pp. 264-265
Kagamitan: Strips ng kartolina o manila paper, mga titik na may katanungan, tsart, graphic
organizer, magic basket

A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Balik-aral:
Habang umaawit, ipapalakad ang magic basket na naglalaman ng mga pangalan o
larawan ng mga taong may malaking kontribusyon sa pagpapaunlad ng kuitura.

Idikit sa pisara.

B. Panlinang na Gawain:
1. Talakayan:
Talakayin ang kahulugan ng produktibo
Paano kaya magiging
Produktibo ang isang tao?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Pagbuo ng kaisipan

2. Pagpapahalaga:
Makatutulong lamang ang mga mamamayan sa kaunlaran ng bansa kung siya ay
produktibo. Paano nakikilala ang taong produktibo?
IV. Pagtataya:
Sagutin ng Tama o Mali
_____ 1. Dumadalo sa mga seminar upang mapabuti ang gawain.
_____ 2. Ang yarnang tao ay ipinagwawalang bahala sa mga planong pangkaunlaran.
_____ 3. Ang isang huwarang empleyado ay pumasok sa takdang oras at hindi nagpapasobra kahit
kailangang manatili sa tlabaho.

V. Takdang Aralin:
Anu-ano ang mga katangian ng isang produktibo o huwarang empleyado? Isa-isahin.
HEKASI VI
Date: _________________

I. Layunin:
 Nasasabi ang mga katangian ng isang taong may tamang saloobin sa paggawa

Pagpapahalaga: Positibong pananaw sa buhay: tamang saloobin sa paggawa

II. Paksang-aralin:
Pagkakaroon ng Tamang Saloobin sa Paggawa

Sanggunian: BEC — 2 pah. 25 PELC V C.6.3, pah. 39


Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa 6, pah. 312-313
Kagamitan: Mga larawan, association o word map

A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Pagganyak:
Pag-aralan ang mga sitwasyon.
1. Bago pa lamang nagsisimul si Allan sa kanyang trabaho Binigyan siya ng pinuno ng
tanggapan ng trabahong gagawin. Hindi niya malaman kung paano Ito sisimulan.
Humanap siya ng aklt na magbibigay sa kanyang impormasyon tungkol dito. Nagtanong
din siya sa kanyang mga kasama sa tanggapan.
2. May bagong tanggap na gawain sa konstruksyon Si Mang Dado. Tinawag niya ang
kanyang mga tauhan upang ipaliwanag ang mga gagawin sa tulong ng isang plano.
Nakinig na mabuti ang lahat ng mga manggagawa maliban kay Nonoy. Umupo siya sa
hulihan at nagbasa ng peryodiko.

* Sino sa dalawa ang higit na mainam? Bakit?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Paghambingin ang dalawang kawani sa larawan. Sino sa dalawa ang masasabing may
tamang saloobin sa paggawa? Bakit?

2. Paghihinuha:
Anu-ano ang mga katangian ng isang taong may mabuting saloobin sa paggawa?
3. Pagtalakay:
1. Talakayin ang mga katangian ng taong may tamang saloobin sa paggawa. Gamitin ang
association o word map.

2. Pangkatang Gawain:
Bumuo ng isang dula-dulaan ang bawat pangkat na nagpapakita ng tamang saloobin
sa paggawa.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Gamitin ang association o word map sa pagbuo ng kaisipan.

2. Pagpapahalaga:
May kinalaman sa pagiging produktibo ng tao ang kanyang pagpapahalaga sa oras.
Ipaliwanag: "Ang panahong lumipas ay hindi na maibabalik pa".

IV. Pagtataya:
Ipahayag ang wastong saloobin sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek () sa angkop na
hanay.
Saloobin Lagi Paminsan- Hindi
minsan
1. Pumapasok ako ng maaga sa paaralan
2. Masaya ako sa unang Gawain
3. May tiwala ako sa sarili
4. Inaasa ko sa iba ang aking Gawain
5. Matipid ako sa paggamit ng kagamitan sa klase

V. Takdang Aralin:
Maghanda para sa isang pagsusulit
HEKASI VI
Date: _________________

I. Layunin:
 Naiuugnay ang kahalagahan ng mabuting pakikitungo sa kapwa sa pagiging produktibo

Pagpapahalaga: Mabuting pakikitungo sa kapwa

II. Paksang-aralin:
Mabuting Pakikitungo sa Kapwa

Sanggunian: BEC — 4 pah. 25 PELC V C.6.4, pah. 39-40


Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa 6, pah. 316-317
Kagamitan: Semantic web, tsart, dayalogo/larawan

A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Balik-aral:
Ipasagot ang tanong sa “semantic web” na ito.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:

Pag-aralan ang dayalogo. Ano ang ipinakita sa larawan? Nakatutulong ba ito sa pagiging
produktibo ng mga manggagawa?

2. Talakayan:
Paghambingin ang ipinakikita sa mga iarawan. Alin ang makatutulong sa pagiging
produktibo ng mga manggagawa?

Alin ang nagpapakita ng mabuting pakikitungo sa kapwa?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Gamitin ang “code” upang makabuo ng paglalahat.

IV. Pagtataya:
Ilarawan ang tamang mahusay makitungo sa kapwa.

V. Takdang Aralin:
Magdala ng mga patapong bagay gaya ng mga sumusunod:
1. bote
2. dyaryo
3. coke in can (tin can)
HEKASI VI
Date: _________________

I. Layunin:
 Natatalakay ang kahalagahan ng muling paggamit ng mga bagay na patapon

Pagpapahalaga: Pagkamalikhain, Pagkamasinop

II. Paksang-aralin:
Muling Paggamit ng mga Bagay na Patapon

Sanggunian: BEG 6 pah. 25 PELC V. C.6.5, pah. 40


Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa 6, pah. 319
Kagamitan: Tsamba, tapang, talino strips, jumbled letters (RECYCLE), bote, dyaryo, lata ng
gatas at iba, tatlong kahon na may larawan sa loob

A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Balik-aral:
Maglalaro ang mga bata: Game Ka na Ba?”

3. Pagganayak:
Magpakita ng ilang patapong bagay na nagamit muli bilang hal. coke in can na ginawang
basket lumang dyaryo bilang wall decor atbp.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ayusin ang jumbled letter.

 Paggamit ng mga patapong bagay


 Nakatutulong upang maging produktibo
 Napagkakakitaan
Ano ang nabuong salita mula sa jumbled letter?

2. Talakayan:
Ano ang nabuong salita mula sa jumbled letter?
3. Pangkatang Gawain:
Mag-isip ng mga proyekto mula sa mga patapong bagay.
Hal. Pangkat 1. bote
2. dyaryo
3. latang gatas
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Kahalagahan ng paggamit ng mga
patapong bagay

Napagkakakitaan

Napapaunlad ang pagiging malikhain


IV. Pagtataya:
Pagsasagawa ng gawain tungkol sa paggamit ng mga patapong bagay. (Bumalik sa kanilang
pangkat upang isagawa ang gawain)

V. Takdang Aralin:
Magbigay ng ilang patapong bagay at sabihin kung paano magagawang kapakipakinabang pa.
HEKASI VI
Date: _________________k

I. Layunin:
 Nakikilala ang mga paraan ng wastong paggamit ng mga kalakal at paglilingkod

Pagpapahalaga: pagtutulungan

II. Paksang-aralin:
Pagtutulungan at Pagbabaha-bahagi ng mga Gawain

Sanggunian: BEC 5 pah. 25 PELC V. C.6.6, pah. 40


Pilipinas: Bansang Papaunlad 6 p. 268
Kagamitan: Memorace chart, larawan, butterfly web, flower web, strips para sa hunt

A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Balik-aral:
Maglaro ng "memorace". Mula sa mga larawang ipakikita, anu-ano ang mga patapong
bagay na maaring irecycle o gamiting muli?
Pangkatin ang mga bata sa dalawa para dito. Ang pangkat na may pinakamaraming
naibigay na may tamang kasagutan ang siyang panalo.
Magpakita ng mga larawan.
Bibigyan lamang ang mga bata ng 15 Segundo upang tandaan ang mga aytem at
pagkatapos ay itatalikod ang mga ito.

3. Pagganyak:
Magpakita ng walis tingting, isang piraso lamang at ipangwalis ito sa loob ng klase.
Nagagamit ba ng maayos ang isang pirasong tingting upang ito'y makalinis? Ano ang
kailangan upang magamit ito ng maayos?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
2. Pagbibigay ng Hinuha:
Paano nakatutulong sa kabuhayan ang pagtutulungan ng mga tao?

3. Pangkatang Gawain:
Pangkatin ang mga bata sa apat para sa isang "treasure hunt".
Ang bawat isang pangkat ay maghahanap batay sa clue na ibibigay ng guro at kanilang
hahanapin ang mga dahilan/kahalagahan ng pagtutulungan sa pag-unlad ng pamumuhay.
Hal. Pangkat A 1. Ako'y kunin sa may pintuan pagkat doon ako matatagpuan.
(strips of paper)
B 2. Sa bintana ika'y tumatanaw upang makita ang hanap na kasagutan.
C 3. Sa halaman sa paso loon ako'y nakatago.
D 4. Sa sanga ng puno'y Boon ako nakapisan.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Ibigay ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagbabaha-bahagi ng gawain.
IV. Pagtataya:
Sagutin ng Tama o Mali.
______ 1. Ang bayanihan ay nagpapakita ng pagtutulungan.
______ 2. Ang crab mentality ay nagpapatunay ng pagbabaha-bahagi ng mga gawain at kaisipan.
______ 3. Sa pamamagitan ng pagtutulungan maraming natatapos na produkto sa isang araw,
______ 4. Mabilis ang produksyon ng kalakal kung ang mga mangga-gawa ay may kani-kaniyang
gawain.
______ 5. Ang pagbabaha-bahagi ng gawain ay nangangahulugang kanya-kanya.

V. Takdang Aralin:
Gumuhit ng larawan na nagpaoakita ng aagtutulungan tungo sa pag-unlad sa bond paper.
HEKASI VI
Date: _________________k

I. Layunin:
 Naipakikita ang kaugnayan rig pagtitipid sa enerhiya sa pag-unlad ng bansa

Pagpapahalaga: Pagtitipid sa enerhiya

II. Paksang-aralin:
Pagtitipid sa Enerhiya

Sanggunian: SEC 7 pah. 26 PELC V. C.6.7, pah. 40


Pilipinas: Bansang Papaunlad 6 d. 268-269
Ang Pilipino sa Paobuo ng Bansa 6 d. 320-322
Kagamitan: Puno na may mga prutas, larawan, concept map

A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Balik-aral:
Pitasin ang rnga prutas na nagpapahayag ng pagtutulungan at pagbabahabahagi ng
gawain. (concept map)

3. Pagganyak:
Buhayin ang ilaw, radyo, gripo ng tubig nang sabay-sabay, magsalita kasabay ng mga
bata. Ano ang maaring mangyari kung ginagawa natin ito araw-araw. (Pasagutin sila sa
prediction tsart)

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
2. Pangkatang Gawain/Pag-uulat:
Pangkat A - Ano ang kahalagahan ng kuryente sa mga tao? Isa-isahin.
Pangkat B - Ano ang kahalagahan ng tubig sa mga tao? Isa-isahin.
Pangkat C - Paano maisasagawa ang pagtitipid sa kuryente?
Pangkat D - Paano maisasagawa ang pagtitipid sa tubig?

3. Talakayin at Pag-uulat ng bawat pangkat.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Gamitin ang semantic web sa pagbuo ng kaisipan.(nakasulat sa tsart)

2. Pagpapahalaga:
Paano mo maipapakita ang pagtitipid sa inyong tahanan? Sa paaralan?

IV. Pagtataya:
Lagyan ng tsek () ang mga aytem na nagpapakita ng pagtitipid sa enerhiya, at ekis (x) kung
hindi.
_____ 1. Hayaang kumapal ang yelo sa freezer ng refrigerator upang lalo itong lumamig.
_____ 2. Iwasan ang pagbubukas-patay ng kalang de-kuryente habang nagluluto.
_____ 3. Maglakad na lamang kung malapit ang pagtutulungan.
V. Takdang Aralin:
Anu-ano ang tuntunin sa pagtitipid ng enerhiya ang maaring gawin?
Anu-ano pang bagay ang dapat nating tipirin?
HEKASI VI
Date: _________________

I. Layunin:
 Natatalakay kung paano pinanatili at pinauunlad ng mga Pilipino ang kultura ng bansa.

Pagpapahalaga: Pagtataguyod at pagpapaunlad ng Kultura sa pamamagitan ng pagtangkilik dito.

II. Paksang-aralin:
Pagpapanatili at Pagpapaunlad ng Kultura

Sanggunian: BEC 8 pah. 26


Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa 6, pah. 307-309
Kagamitan: tsart ng awit, larawan ng mga taong nanonood ng pagtatanghal na pangkultura

A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Balik-aral:
Awitin sa himig na “Ako’y Isang Pinoy”. (nakasulat sa tsart)
Ano ang nilalaman ng awit?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Magpakita ng larawan tungkol sa mga taong nanonood ng pagtatangha pangkultura.

2. Pagbibigay Hinuha:
Batay sa larawan, paano nakatutulong sa kaunlaran at pagsulong ng bansa ang mga
pagtatanghal na pangkultura?

3. Talakayan:
Isa-isahin ang mga taong may malaking kontribusyon sa pagpapanatili at pagpapaunlad
ng kultura ng bansa.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Gamitin ang fishbone map.
Paano pinanatili at pinauunlad ng mga Pilipino ang kultura ng bansa?
2. Pagpapahalaga:
Bilang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagtataguyod sa kaunlaran ng bansa?

IV. Pagtataya:
Kilalanin ang mga sumusunod
_____ 1. Sa larangan ng pagguhit, makikita sa kanyang gawa ang iba’t ibang pamumuhay ng mga
taga-nayon.
_____ 2. Gumawa siya ng mga pag-aaral tungkol sa katutubong sayaw ng iba’t ibang pangkat
etniko.
_____ 3. Siya ang sumulat ng “Kahapon, Ngayon at Bukas”, isang dulang naglalarawan ng
paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano.

V. Takdang Aralin:
Manood ng Paco Parks Present/Concert at the Park tuwing 6:00 ng gabi araw-araw.
HEKASI VI
Date: _________________

I. Layunin:
 Natutukoy ang ilang pambansang suliranin/isyu na nakapipigil sa pag-unlad ng bansa tulad ng
drug abuse, child abuse, krimen at iba pa.

Pagpapahalaga: Pagtutulungan upang masugpo ang kriminalidad at pang aabuso

II. Paksang-aralin:
Mga Balakid sa Pag-unlad at Pagsulong ng Bansa

Sanggunian: BEC 9 pah. 26 PELC V.C. 7.1 pah. 40


Pilipinas: Bansang Papaunlad 6 d. 270-272
Kagamitan: Mga larawan, tsart mula sa NDEP

A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Balik-aral:
Sagutan ang crossword puzzle

1. Ginagamit sa pagpapaandar ng mga makina sa mga pagawaan,


2. Karaniwang pinagkukunan ng enerhiya ng bansa.
3. "Ang ____ ay mahalaga, huwag mag-aksaya".
4. Nararanasan kung tag-araw/tagtuyot.
5. Panandaliang pagkawala ng kuryente.

2. Pagganyak:
Awitin: Bawal na Gamot (ni Willie Garte)

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Paglalahad ng isang dokumentaryo na nakatape.

2. Pagbibigay ng Hinuha:
Ano ang karaniwang ugat o sanhi ng suliranin gaya ng paggamit ng ipinagbabawal ng
gamot, krimen at pang-aabuso sa mga bata? (Gumamit ng predic tion chart).
Mga Balakid sa Pag-unlad at pagsulong ng bansa Ugat o Sanhi
1. Paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
2. Krimen
3. Pang-aabuso sa mga bata
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Pagbuo ng kaisipan mula sa iniulat ng mga bata.

2. Pagpapahalaga:
Magpakita ng isang dula-dulaan o “mine” na patungkol sa pagtutulungan upang
mahadlangan ang mga balakid sa pagpapaunlad at pagsulong ng bansa.

IV. Pagtataya:
Sumulat ng isang resolusyon o hakbang upang masulusyunan ang mga balakid o hadlang sa pag-
unlad at pagsulong ng bansa.

V. Takdang Aralin:
Gumawa ng “slogan” tungkol sa pagsugpo ng ipinagbabawal na gamot.

DepEd NO adfly download: Deped files and forms for download

You might also like