You are on page 1of 4

-Salawikain: Kung hindi ukol, hindi bubukol.

-Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo.

-Salawikain: Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa.


-Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap
at gawa upang matamo ang mimithing biyaya.

-Salawikain: Lahat ng gubat ay may ahas.


-Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na
nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.
Kutsarang ginto sa bibig

Kahulugan: Lumaki sa yaman


Halimbawa: Palibhasa’y lumaking may kutsarang ginto sa bibig kaya hindi siya
namomroblema sa mga bayarin

Makapal ang palad

Kahulugan: Masipag
Halimbawa: Ang taong makapal ang palad ay may magandang bukas.

Malakas ang loob

Kahulugan: Magiting, matapang, buo ang loob


Halimbawa: Ang mga sundalo ay malakas ang loob na humarap sa mga rebelde.
Walang mahirap na gawa ‘pag dinaan sa tiyaga.
Nothing’s hard to do if you pursue it through perseverance.

Huwag kang magtiwala sa ‘di mo kakilala.


Never trust someone you don’t know. / Never trust a stranger.

Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan, at wala sa kasaganahan.


Well-being is in happiness and not in prosperity.

You might also like