You are on page 1of 1

Agosto 6, 2018

Baitang 10 - Einstein Araling Panlipunan

Pangkat C

Bangloy, Joseph Anas, Kristel Nicdao, Christine


Dimaculangan, Karl Corpuz, Angela Pioquid, Lakesha
Paala, Cedric Gracia, Angela Simeon, Estelle

Gawain 12
Buuin ang konsepto ng sumusunod na pahayag tungkol sa Community-Based
Disaster Risk Management Approach sa paglalagay ng angkop na salita o parirala.

1. Ang Community-Based Disaster Risk Management Approach ay tumutukoy sa


isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at
kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay,
at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan.
2. Magiging matagumpay and CBDRM Approach kung magtutulungan ang
pamahalaan at iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng mga mamamayan, non-
government organizations (NGO), at business sectors. Kinakailangan ang
aktibong pakikilahok ng lahat ng sektor ng pamayanan upang mabawasan ang
epekto ng mga banta ng kalamidad. Higit dito, dapat din ito paglaanan ng oras at
sapat na pondo upang mabuo at maplano nang maayos.
3. Magkakaugnay ang National Disaster Risk Reduction and Management
Framework at ang Community-Based Disaster Risk Management Approach dahil
pareho itong proseso sa paghahanda laban sa mga banta ng kalamidad na
nakasentro sa kapakanan ng tao. Ang Community-Based Disaster Risk
Management Approach ay nakabatay sa mga panuntunan at gabay ng National
Risk Reduction and Management Framework na inilabas ng National Disaster Risk
Reduction and Management Council. Layunin naman ng NDRRMC na maturuan
ang mga lokal na pinuno sa pagbuo ng CBDRM Plan na kinakailangan sa CBDRM
Approach.
4. Ang pinakasentro ng CBDRM Approach ay ang aktibong partipasyon ng mga
mamamayan upang magamit ang kanilang kaalaman sa pagbuo ng DRRM plan
at ang pagbibigay ng sapat na kaalaman at pagsasanay sa paghahanda ng
komunidad upang maiwasan at mabawasan ang mga pinsalang dulot ng
kalamidad.
5. Makatutulong and CBDRM Approach sa paglutas ng mga suliranin at hamong
pangkapaligiran dahil hinihikayat nito ang partisipasyon ng iba’t ibang sektor ng
lipunan tulad ng pamahalaan, mamamayan, business sectors, at non-government
organizations (NGO).

Mga Pinagkuhaan
www.brainlyph.com
Powerpoint Presentation ni Binibining Junellie Mae F. Bawan

Ipinapasa kay: Binibining Junellie Mae F. Bawan

You might also like