You are on page 1of 6

1. Anu-ano ang kahulugan at kahalagahan ng pagsulat?

 Isang Proseso ng pagtatala ng mga karakter sa isang midyum upang makabuo ng mga salita.
 Ang pagsulat ay may letra o mga simbolo na nakasulat o nakalimbag sa ibabaw ng papel para
katawanin ang mga tunog at mga salita ng isang wika.
 Ang Pagsulat ay gawa ng isang manunulat o anumanang pagpapahayag na gamit ang mga letra
ng Alfabeto.

2. Anu ano ang kahulugan at pagpapaliwanag ng mg ss.

 Zing at Jin-ang pagsulat ay isang komprehensib na kakayahang naglalaman ng wastong


gamit,talasalitaan,pagbubuo ng kaisipan,retorika at iba pang mga elemento.
 Badayos-na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa
nakararami sa atin maging ito'y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.
Ito ay nangyayari sa kabila ng maraming taong ginugugol natin sa pagtatamo ng kasanayang ito.
Sa pagkakataong ito,maaari nating tanggapin na ang pagsulat ay isang kasanayang pangwika na
mahirap matamo. Subalit mayroon tayong magagawa....napag- aaralanang wasto at epektib na
pagsulat.

 Keller - Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at
isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.

 Peck at Buckingham- Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao
mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa.

3. Ano ang kahulugan ng Sociocognitivong Pananaw sa Pagsulat?


 na pananaw sa pagsulat,ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat. Ang pagsulat
ay kapwa isang mental at sosyal

4. Ano ang iba’t ibang proseso ng pagsulat bilang multidimensional?

 Ang pagsulat ay isang biswal na pakikipag-ugnayan.

 Ito ay isang gawaing personal at sosyal.

 Bilang personal- ang pagsusulat ay tumutulong sa pag-unawa ng sa sariling kaisipan, damdamin


at karanasan.

 Bilang sosyal na gawain, nakatutulong ito sa pagganap sa ating mga tungkuling panlipunan at sa
pakikisalamuha sa isa’t isa.

 Madalas, sa pagsusulat ay naibabahagi ng isang tao sa ibang tao ang kanyang mga karanasan, o
ang kanyang pagkakaunawa samga impormasyong kanyang nakalap.
 Kung minsan naman, nagsusulat ang isang indibidwal upang maimpluwensyahan ang paniniwala
at reaksyon ng ibang tao.

 Pagsulat – binubuo ng iba’t ibang dimensyon:

 Oral na dimensyon- ang pagsulat ay isang pakikipag-usap sa mga mambabasa.

 Biswal na dimensyon- mahigpit na nauugnay sa mga salitang ginamit ng awtor

5. Ano ang iba’t ibang layunin sa pagsulat?

 Ekspresib

 Isang impormal na paraan ng pagsulat.


 Naglalarawan ng personal na damdamin, saloobin, ideya at paniniwala.
 Nakapaloob ditto ang sariling karanasan at pala-palagay sa mga bagay ng manunulat.
 Malaya ang paraan ng pagsulat, hindi mahalaga ang gramatika bagkus ang mahalaga rito
ay mailabas ang iniisip at nararamdaman.
 Layuning maipahayag ang sariling pananaw, kaisipan at damdamin.

Halimbawa: dyornal, talaarawan, personal na lihim at pagtugon sa isyu

 Panlipunan – sosyal na gawain na ginagamit kung ito ay nagsasangkot ng pakikipag-ugnay sa iba


pang tao sa lipunan.

- tinatawag ding transaksyunal.

 Pormal ang paraan ng pagsulat, may tiyak na target na mambabasa, tiyak na layunin at paksa.
 Hindi masining bagkus ay naglalahad ng katotohanang sumusuporta sa pangunahing ideya.
 Nagbibigay interpretasyon sa panitikan, nagsusuri, nagbibigay impormasyon, nanghihikayat,
nangangatwiran, natuturo o kaya’y nagbibigay ng mensahe.
 May pormat o isitlo na kailangan sundin.
 Halimbawa: balita, artikulo, talambuhay, patalastas, liham sa pangangalakal, papel sa pananaliksik,
ulat, rebyu, sanaysay sa pampanitikan, sanysay na nanghihiyakayat, sanaysay na ngangatwiran,
interbyu, editorial, dokumentaryo o iba pa

Hal. Paggawa ng liham-pangangalakal


6.Ano ang iba’t ibang layunin sa pagsulat ayon kay Bernalles?

 IMPORMATIB NA PAGSULAT
Kilala rin sa tawag na expository writing.Ito ay naghahangad na makapagbigay impormasyon
at mga paliwanag.Ang pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto.
Halimbawa: Pagsulat ng report ng obserbasyon,mga istatistiks na makikita sa mga libro at
ensayklopidya,balita,at teknikal o bisnes report
 MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT
Kilala sa tawag na persuasive writing.Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa
tungkol sa isang katwiran,opinyon o paniniwala.Ang pangunahing pokus nito ay ang
mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang awtor. Halimbawa:
editoryal,sanaysay,talumpati,pagsulat ng proposal at konseptong papel
 MALIKHAING PAGSULAT
Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling
katha,nobela,tula,dula at iba pang malikhain o masining na akda.
Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor dito ay magpapahayag lamang ng kathang-
isip,imahinasyon,ideya,damdamin o kumbinasyon ng mga ito.

7.Ano ang iba’t ibang uri ng pagsulat?

Akademikong Pasulat

- Kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, konseptong papel, term paper o pamanahong papel, thesis
o disertasyon
- Intelektuwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng estudyante
- Ang layunin nito ay maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng pananaliksik na ginawa.

Teknikal

- Espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitib at sikolohikal na pangangailangan ng mga


mambabasa at manunulat
- Nagsasaad ng mga impormasyong maaring makatulong sa pagbibigay-solusyon sa isang komplikadong
suliranin
- Saklaw ang pagsulat ng FEASIBILITY STUDY at ng mga korespondensyang pampangangalakal
- Gumagamit ng teknikal na terminolohiya sa isang partikular na paksa tulad ng Science at Technology
- Nakatuon sa isang tiyak na audience o pangkat ng mga mambabasa
- Ang Teknikal na manunulat ay isang tao na lumilikha ng dokumentasyon para sa teknolohiya. (praktikal na
komunikasyon.)
Journalistic

- Pampamamahayag ang uring ito na kadalasan na ginagamit ng mamamahayag o journalist


- Pagsulat ng balita, editorial, kolum, lathalaain at iba pang akdang mababasa sa mga pahayagan at
magazine
- Ang isang balitang pamperyodiko ay sumasagot sa lahat ng mga tanong ng pangjornalistik na sino, ano,
saan, kailan at bakit.

Referensyal

- Naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa paksa


- Madalas, binubuod ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan
niyon sna maaaring sa paraang parentikal, footnotes o endnotes
- Madalas itong makikita sa teksbuk, pamanahong papel, thesis o disertasyon
- Maihahanay din ditto ang paggawa ng bibliyografi, indeks at notecards
- Ito’y may kaugnayan sa malinaw at wastong presentasyon ng paksa.

Profesyonal

- Tiyak na profesyon
- Police report – pulis; investigative report – imbestigador; Legal forms, briefs at pleadings – abogado;
Patient’s journal – doctor at nurse

Malikhain

- Masining na uri ng pagsulat sa larangan ng panitikan o literature


- Ang focus ay ang imahinasyon ng manunulat
- Layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang damdamin ng mga
mambabasa
- Maihahanay sa uring ito ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula at sanaysay
1. Editoryal 6. Feasibility Study
2. Lesson plan 7. Sanaysay
3. Konseptong papel 8. Bibliografi
4. Marketing plan 9. Tula
5. Pamanahong papel 10. Balita

8.Ano ang iba’t ibang bahagi ng teksto?

 Ang panimula ay napakahalagang bahagi ng isang teksto sapagkat ito ay nagsisilbing


pang-akit sa mga mambabasa upang basahin ang teksto.

 Ito rin ang bahagi ng teksto na nagpapakilala sa paksa at tisis ng teksto.


 Bernales: maihahalintulad ito sa display window ng mga tindihan na hindi lamang
nagsisilbing pang-akit sa mga mamimili kundi nagpapakita rin ng ilang mga
aveylabol na paninda o haylayt na paninda.

 Bernales: ang panimula ay nagbibigay-ideya sa mga mambabasa kung tungkol sa


aling paksa ang teksto at kung ano ang paniniwala,asersyon o proposisyon ng may-
akda sa paksang iyon,bukod pa sa nagsisilbi itong pang-akit at panawag-pansin.

9. Ano ang iba’t ibang kasanayan sa pagsulat at magbigay o gumawa ng halimbawa sa bawat
akademikong kasanayan sa pagsulat.

Katawan: Istraktura,Nilalaman at Order

 Ang nilalaman ang pinakakaluluwa ng isang teksto

 Mahalagang natutukoy ang mahahalagang inpormasyong

 Ang istraktura at order ay ang pinakakalansay ng isang teksto.

 Mahalagang piliing mabuti ang wasto at angkop na istraktura ng teksto depende sa paksa at sa
mga detalyeng kaugnay nito.

 Mahalaga ding maisaayos ang nilalaman sa isang lohikal na order.

Wakas:Paglalagom at Kongklusyon

 Ang wakas ay ang panghuling bahagi ng isang teksto.

 Mahalgang ito ay makatawag-pansin sapagkat ang pangunahing layunin sa pagbubuo ng nito ay


ang pag-iiwan ng isa o ilang mahahalagang kakintalan sa mga mambabasa.

 Ito ang nagsisilbing huling impresyon na mananatili sa isipan ng mambabasa na maaring


makaimpluwensya sa pagbabago ng kanyang pananw ukol sa paksang tinalakay o impormasyong
natutunan.

Halimbawa:

1. Ito ang unang tagumpay ng magigiting na Pilipinong-Mactan. Bilang pagpupugay kay Lapu-Lapu
ipinagpatayo siya ng magandang bantayog sa pook na ito.

2. Saglit siyang natigilan sa pagpanhik sa hagdan;para siyang pinangangapusan mg hininga at sa


palagay ba niya ay umiikot ang kanyang buong paligid; at bago siya tuluyang nawalan ng ulirat ay
wala siyang narinig kundi ang pagpanaog na yabag ng kanyang asawa’t anak,at ang papaliit at
lumalabong salitang: “Bakit kaya? Bakit kaya?”-halaw mula sa Kalupi ni Benjamin P. Pascual

 Ang lagom ang pinakabuod ng kabuuan ng teksto. Dito inilalahad ang kabuuan ng
teksto sa pinakamaikling paraan.
10. Ano ang iba’t ibang kasanayan sa pagsulat at magbigay o gumawa ng halimbawa sa bawat
akademikong kasanayan sa pagsulat.

 Akademikong sanaysay
 Pamanahong papel
 Konseptong papel
 Tesis
 Disertasyon
 abstrak
 Mga rebyung pampanitikan
 Aklat
 Position paper
 Awtobayograpiya
 Artist’s book
 Memoire
 Mga sulating ekspositori

You might also like