You are on page 1of 5

St.

Philomena Academy

Pangalan: Petsa:

Mother Tongue 1 Puntos:_____/40

Unang Markahang Pagsusulit

I. Piliin sa mga salita sa loob ng panaklong ang katugma ng mga


salita sa bawat bilang. Ikahon ang tamang sagot.

1. siyam ( hiram pana bata )


2. langis ( bintana pawis upuan )
3. piso ( laso kamay papel )
4. kalabaw ( baso pusa sabaw )
5. bola ( lapis libro lola )

II. Basahin ang mga sumusunod ng pares ng mga salita. Lagyan


ng tsek ( ) kung makatugma at ekis ( ) kung hindi.

_______6. aso- oso

_______7. ipis- ipit

_______8. anim- dalawa

_______9. suklay- kulay

_______10. bato- pito

III. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Bilugan ang


mga salitang magkatugma na matatagpuan sa pangungusap.

11.Palaging kumakain ng gulay ang mga bata dahil ito ay


pampahaba ng buhay.

12.Maagang pumunta sa tindahan si Nene upang bumili ng kanyang


umagahan.

13.Binigyan ng kanyang lola si Allan ng bola bilang regalo.


14.Maliit ang damit na nabili ni Mara kaya kaaagad niya itong
pinalitan.

IV. Basahin nang mabuti ang talata.

Bulang Lobo
Noon, kaydaling gumawa ng maliit at malalaking bulang-
lobo.Galing sa dahon at bulaklak ng gumamelang dinikdik ng
bato.Ilagay ang dinikdik na dahon at bulaklak sa isang maliit
na tabo. Lagyan ng kaunting tubig at haluin nang
mabilis.Kumuha ng kapirasong tingting at kortihan ng hugis-
tatsulok ang dulo. Isawsaw ito sa tabo, itaas at hipan ang dulo.
Hayun, mayroon nang lumilipad na mga bulang- lobo.
Kaygandang pagmasdan at habulin kung minsan itong mga
bulang- lobo. Lalo na kung nagtatagal ito sa paglipad. Malayo
na’y hindi pa rin pumuputok.

-Genaro R. Gojo Cruz

Pagsunod- sunudin ang wastong paglalaro ng bulang- lobo. Lagyan ng


bilang 1- 3 ang patlang.

________15. Isawsaw ang tingting na hugis tatsulok and dulo, itaas at

hipan ang dulo, mayroon nang lumilipad na bulang- lobo.

________16. Ilagay ang dinikdik na dahon at bulaklak sa isang maliit

na tabo.

________17. Haluin nang mabilis ang tubig na may dinikdik na dahon

at bulaklak.

V. Pagsunod- sunudin ng mga pngyayari upang mabuo ang


kuwento. Isulat sa kahon ang bilang 1- 4.

18. 19. 20. 21.


VI. Kulayan ng pula ang unang pangyayari, asul ang pangalawang
pangyayari, dilaw ang pangatlong pangyayari at berde naman
ang pang- apat na pangyayari upang maisaayos ang mga
larawan sa wasto nitong pagkakasunod- sunod.

22. 23.

24. 25.

VII. Pagsunod- sunudin ang mga pangyayari sa iyong pagpasok sa


paaralan. Isulat ang bilang 1- 3 sa loob ng bituin.

26.Pagkagising sa umaga ay kakain ng almusal at

magsisipilyo.

27.Ihahanda ang mga gamit at papasok na sa paaralan.

28.Maliligo at pagkatapos ay magbibihis ng uniporme.


VIII. Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon.
Bilugan ang titik ng angkop na pag-uugali sa bawat bilang.

29.Nakita ni Lena ang damit na isusuot ni Nora at napansin niya na


mas maganda ito kaysa sa kanyang binili kaya siya ay
nalungkot.

a. masayahin b. mainggitin c. mapagkumbaba

30.Natamaan ng bola habang naglalaro si Dino kung kaya kaagad


siyang gumanti sa kanyang mga kalaro.

a. mapaghiganti b. mapagkumbaba c. mabait

31. Nasira ni Son ang hiniram niyang laruan sa kanyang kapatid.


Sinabi niya sa kanyang kapatid na nasira niya ito at humingi ng
tawad.

a. makasarili b. mainggitin c. mapagkumbaba

32.Habang tumatawid sa kalsada ay nakita ni Mary na may


tumatawid na matanda kaya kaagad niya itong nilapitan at
tinulungan sa pagtawid.

a. matulungin b. makasarili c. masungit

33.Maagang gumigising si Jane araw- araw upang maglinis ng


kanilang bahay.

a. tamad b. mainggitin c. masipag

34.Nakapulot ng pitaka si Ronie habang naglalakad, nakita niyang


may lalaking naghahanap nito kaya nilapitan niya ito at ibinalik.

a. matapat b. mapaghiganti c. makasarili

IX. Tukuyin ang mabuting pag-uugali na ipinapakita sa bawat


pangungusap sa ibaba.Piliin sa mga salita sa kahon ang
wastong sagot.
Aktibo Masayahin Malikhain

Masayahin Masunurin Mapagbigay

_______________36.Palaging nakangiti ang tindera sa mga mamimili


kaya marami siyang suki.

_______________37.Nakita ni Erin na makalat ang kanilang bahay


kung kaya kaagad niya itong nilinis dahil ito ang palaging bilin ng
kanyang mga magulang.

_______________38.Lumapit kay Sofia ang isang pulubi, mukhang


hindi pa kumakain ang pulubi kung kaya ibinigay niya ang kanyang
hawak na tinapay dito.

_______________39.Madaming lumang magasin sa bahay ni Aling


Marta, naisip niya na gumawa ng isang basket mula dito upang hindi
masayang ang mga magasin.

_______________40.Si Wendy ay may talento sa pagsasayaw, palagi


siyang sumasali sa paligsahan sa kanilang paaralan.

You might also like