You are on page 1of 2

Matalam Polytechnic College Inc.

Ikatlong Markang Eksaminasyon


Araling Panlipunan 9
Pangalan: ________________________________________________ Score: _______
Panuto: Piliin at isulat sa patlang ang tamang sagot.

PANUTO: BASAHIN AT UNAWAIN ANG MGA SUMUSUNOD NA PAHAYAG/KATANUNGAN. PILIIN ANG


TITIK NG PINAKATAMANG SAGOT.
1. Lahat tayo ay kinikilala bilang mga konsyumer na may mga pangangailangan subalit hindi lahat ay
may kakayahang maging prodyuser o gumawa ng mga produkto o serbisyo na tutugon sa ating mga
pangangailangan. Ano ang tawag sa lugar kung saan ang mga konsyumer at prodyuser ay nagtatagpo
at nagkakaroon ng palitan sa pamamagitan ng itinakdang presyo ng mga produkto?
A. Tiangge B. Divisoria C. Talipapa D. Department Store
2. Sa ekonomiks, mayroong dalawang pangunahing tauhan sa pamilihan ang _________?
A. Lalaki at Babae B. Tsino at Koreano C. Bata at Matanda D. Prodyuser at Konsyumer
3. Ayon kay Adam Smith, ang “invisible hand” ang siyang gumagabay sa ugnayan ng dalawang actor na
ito sa pamilihan na maituturing na ________?
A. Produkto B. Kamay C. Pera D. Presyo
4. __________ ang siyang batayan ng prodyuser ng kanilang kahandaan at kakayahan nilang magbenta
ng mga takdang dami ng mga produkto at serbisyo.
A. Produkto B. Kamay C. Pera D. Presyo
5. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na local na pamilihan?
A. Aling Nena Store B. Gasolina C. Durian D. Longganisa
6. Si Fuji ay may-ari ng isang warehouse ng mga bigas. Ang bigas ay maituturing na ?
A. Pamilihang lokal B. Pamilihang panrehiyon C. Pamilihang bahay D. Pamilihang pambansa
7. Ang estruktura ng pamilihan na kinikilala bilang modelo o ideyal dahil walang sinoman sa prodyuser
at konsyumer ang maaaring magkontrol sa takbo ng pamilihan partikular sa presyo.
A. Monopsonyo B. Monopolyo C. Oligopolyo D. Ganap na
Kompetisyon
8. Dahil sa marami at maliliit ang konsyumer at prodyuser, walang kakayahan na maimpluwensiyahan
ang presyo na papabor sa interes ng sinoman sa pamilihan. Alin sa mga sumusunod na katangian ng
ganap na kompetisyon ang tinutukoy ng pahayag sa itaas?
A. Malayang paggalwa ng sangkapa ng produksyon B. Magkakatulad ang Produkto
C. Maraming Maliliit na konsyumer at prodyuser D. Malayang impormasyon sa pamilihan
9. Ang talong na galing Benguet, at ang Talong na galing Mindoro ay isa sa maituturing na halimbawa
ng katangian ng ganap na kompetisyon na?
A. Malayang paggalwa ng sangkapa ng produksyon B. Magkakatulad ang Produkto
C. Maraming Maliliit na konsyumer at prodyuser D. Malayang impormasyon sa pamilihan
10. Si Tonying ay nagbebenta ng iba’t ibang klase ng isda. Nakita ni Tonying na mas malakas ang
bentahan ng gulay at karne sa palengke kaya nagdesidido ito na palitan ang kanyang paninda na walang
pumipigil sa kanya. Ang ganitong uri ng pamilihan ay maituturing na katangian ng ganap na kompetisyon
dahil ?
A. Malayang paggalwa ng sangkapa ng produksyon B. Magkakatulad ang Produkto
C. Maraming Maliliit na konsyumer at prodyuser D. Malayang impormasyon sa pamilihan
11. Ang Meralco ay kilala bilang isang kompanya na nagpapamahagi ng kuryente sa bawat mamimili.
Dahil dito, walang nagagawa ang mamimili kundi magpakabit at gumamit ng kuryente dahil sa wala itong
kapalit. Ang mga produkto na walang kauri ay kayang kontrolin ang presyo at dami ng supply na
tinatawag na?
A. Oligopolyo B. Monopolyo C. Monopsonyo D. Monopolistikong Kompetisyon
12. Ang _________ ay isang uri ng intellectual property right na tumutukoy sa karapatang pagmamay-
ari ng isang tao na maaring kabilang ang mga akdang pampanitikan (literary works) o akdang pansining
(artistic works), at mga gawa gaya ng aklat, musika, paintings, pelikula, computer programs,
advertisements, at iba pa. ?
A. Trademark B. Nameplate C. Copyright D. Patent
13. Ito ay _________ na pumoprotekta sa mga imbentor at kanilang mga imbensyon.
A. Trademark B. Nameplate C. Copyright D. Patent
14. Ang Mcdo at Jollibee ay may kanya kanyang _________ na mga simbolo o marka sa kanilang mga
produkto at serbisyo na siyang magsisilbing pagkakakilanlan ng kompanyang may gawa o nagmamay-
ari nito.
A. Trademark B. Nameplate C. Copyright D. Patent
15. Ang pamahalaan ang itinuturing na mamimili na nag-iisang kumukuha ng serbisyo at nagpapasahod
sa mga pulis, sundalo, bumbero, traffic enforcer, guro, nurse, doctor, at iba pa. Dahil ang pamahalaan
ang nag-iisang kumukuha ng serbisyo ng mga nabanggit, ito ay may direktang kapangyarihan sa
pagtatakda ng halaga ng pasahod sa mga ito.
A. Oligopolyo B. Monopolyo C. Monopsonyo D. Monopolistikong
Kompetisyon
16. _________ ang tawag sa pagtatago ng mga produkto upang magkulang ang supply pamilihan na
magdudulot ng pagtaas ng pangkalahatang presyo.
A. Corruption B. Stealing C. Bribery D. Hoarding
17. Dahil sa ___________, ang katangian ng mga produkto na ipinagbibili ay magkakapareho ngunit
hindi eksaktong magkakahawig dahil sa pagkakaiba- iba nila sa packaging, abeling, presentasyon at
maging sa lasa o flavor.
A. Commercial B. Production Differentiation C. Branding D. Advertisement
18. Ito ay ang pinakamataas na presyo na maaring ipagbili ng isang prodyuser ang kanyang produkto
ay tinatawag na ?
A. Price Ceiling B. Price Roof C. Price Heaven D. Price Sky
19. Pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo.
A. Price Ground B. Price Floor C. Price Root D. Price Soil
20. Ang pamahalaan ay nagpatupad ng ____________ na batas sa pinakamababang suweldo sa sector
ng paggawa upang makaiwas ang mga manggagawa na makatanggap ng mababang suweldo.
A. Maximum Wage B. Gravity Wage C. Minimum Wage D. Decrease Wage
21. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Ugnayan ng bawat sector ng ekonomiya B. Kita at gastusin ng pamahalaan
C. Kalakalan sa loob at labas ng bansa D. Transaksiyon ng mga institusyong pampinansyal
22. Kailan makikita na positibo ang economic performance ng bansa?
A. Kapag malaking bilang ng lakas paggawa ay walang trabaho
B. Kapag gumagamit ng makabagong teknolohiya ang mga bahay-kalakal
C. Kapag maypag-angat sa Gross Domestic Product ng bansa
D. Kapag lumalaki ang utang panlabas ng bansa
23. Alin sa mga sumusunod ang HINDI ginagamit na paraan ng pagsukat sa Gross National Income?
A. Expenditure Approach C. Industrial Origin/Value Added Approach
B. Economic Freedom Approach D. Income Approach
24. Ang kabuuang kita ni Jhundam ay nasa Php25,000.00 at ang kanya namang kabuuang gastusin ay
Php21,000.00, magkano ang maari nyang ilaan para sa pag-iimpok?
A. Php1,000.00 B. Php2,000.00 C. Php3,000.00 D. Php4,000.00
25. Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa ekonomiya?
A. Deplasyon B. Resesyon C. Implasyon D. Depresyon
26. Ito ay tumutukoy sa dibisyon ng ekonomiks na nakatuon sa kabuuang ekonomiya ?
A. Microeconomics B.Agriconomics C.Macroeconomiks D.Economics
27. Salaping kinokolekta ng pamahalaan upang makalikom ng pondo ?
A. Pera B. Salapi C. Buwis D. Sahod
28. Ang pagbebenta ng mga produkto sa ibang bansa at tinatawag na ?
A. Import B. Output C. Input D. Export
29. Ang pamahalaan ay sumisingil ng buwis upang kumita. Ang kita mula sa buwis ay tinatawag na
__________. Ito ang ginagamit ng pamahalaan upang makalikha ng pampublikong paglilikod.?
A. Public Tax B. Public Revenue C. Public Market D. Public Servant
30. Alin sa mga sumusunod ang HINDI indikasyon ng pinagbabatayan sa paglago ng ekonomiya?
A. Pagtaas ng buwis C. Produktibidad ng Pamumuhunan
B. Pagtaas ng produksyon D. Produktibidad ng mga gawain ng pamahalaan

II. Iguhit ang sumusunod. (10 puntos bawat isa)

A. Unang modelo ng Ekonomiya.


B. Ikalawang modelo ng Ekonomiya.

You might also like