You are on page 1of 3

Uri ng mga salita ayon sa KAYARIAN

1. Payak - Salitang binubuo ng salitang-ugat lamang. WALA pa itong panlapi.


Hal. aral simba ayos prito

2. Maylapi - Binubuo ng panlapi + salitang-ugat.

Uri ng Panlapi

A. Unlapi – ikinakabit sa UNAHAN ng salitang-ugat.

Unlapi + Salitang-ugat = Salita

ma- + ligo = maligo


mag- + mahal = magmahal
na- + hulog = nahulog
nag- + hatid = naghatid
pa- + kain = pakain
pag- + ibig = pag-ibig
um- + alis = umalis
kuma- + kanta = kumakanta
kumi- + kintab = kumikintab

Ibang halimbawa: nanggaling panggabi

B. Gitlapi – ikinakabit sa PAGITAN ng unang katinig AT sinusundan


ng patinig.

Gitlapi + Salitang-ugat = Salita

-um- + dating = dumating


+ sama = sumama
+ laki = lumaki

-in- + sundo = sinundo


+ sunog = sinunog
+ tawag = tinawag
C. Hulapi – ikinakabit sa HULIHAN ng salitang-ugat.

Hulapi + Salitang-ugat = Salita

-in + isip = isipin


-hin + huli = hulihin
-an + tama = tamaan
-han + una = unahan

Ibang hal.: tapakan kainin basahin puntahan

D. Kabilaan – ikinakabit sa unahan AT hulihan ng salitang-ugat.

Unlapi + Salitang-ugat + Hulapi = Salita

mag- + kain + -an = magkainan


ma- + tuklas + -an = matuklasan
ka- + sama + -han = kasamahan
in- + abot -an = inabutan

Ibang halimbawa: inalagaan, magtawanan nagsisihan


pagdikitin

3. Inuulit – pagbubuo ng salita kung saan ang kabuuuan nito o ang isa o higit
pang pantig ay inuulit.

A. Ganap na pag-uulit – inuulit ang BUONG SALITA

Salitang-ugat Pag-uulit

buhay buhay-buhay
isa isa-isa

sabi sabi-sabi
bahay bahay-bahay

ano anu-ano
sino sinu-sino
putol putul-putol
B. Di-ganap na pag-uulit – may BAHAGI lamang na inuulit.

Salitang-ugat Pag-uulit

Sayaw Sasayaw
Ulan Uulan
Ikot Iikot

Suntok Susuntok
Laktaw Lalaktaw
Pinta Pipinta

Kanina Kani-kanina
Simula Simu-simula
Kabila Kabi-kabila

Baluktot Balu-baluktot
Baligtad Bali-baligtad
kalampag Kala-kalampag

4. Tambalan – pagsasama ng dalawang magkaibang salita para makabuo ng isa


lamang na salita. Maaari itong pagisahin o pagdugtungin.

Basag + ulo = Basagulo


Bahag + hari = Bahaghari
Hampas + lupa = Hampaslupa

Bahay + kubo = Bahay-kubo


Ingat + yaman = Ingat-yaman
Kulay + dugo = Kulay-dugo
Baybay + dagat = Baybay-dagat

You might also like