You are on page 1of 23

Rayos ng Liwanag (Katuruang Cristo) Bible Ministry

ORASYON (spell, incantation)

The Occult and Spells


Paunang salita
Hindi namin layunin na dungisan ang karangalan, ni ibilad man
sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa, kundi ang
maglahad lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng
katotohanan (biblical facts). Dahil dito ay wala kaming
nakikitang anomang kadahilanan, upang ang iba ay magalit sa
amin, at kami’y paratangan ng paninirang puri, o panghuhusga,
ni pag-atake man sa aming kapuwa. Inaasahan namin ang
lawak ng inyong unawa sa mga may kalabuang usapin na
ngayo'y lalapatan namin ng kaukulang tanglaw.
Ang salitang “Orasyon” ay hanay ng mga salita na
pinaniniwalaang nagtataglay ng kapangyarihang mahika. Ito
umano’y isang uri ng kapangyarihan na nilikha gamit ang mga
salita sa wikang Latin, Sanskrit, Hebrew, Aramaic, at iba
pang semitic na lengguwahe sagitnang silangan (middle east), at
mula sa iba’t ibang wika ng kalakhang Europa, America, atAsia.
Ang Orasyon (incantation) ay karaniwang inere-recite na
padasal o paawit bilang pangtawag ng pansin, o pagbibigay puri
sa pinaniniwalaang dios ng mga pagano. Sa ocultismo
(magic, witchcraft/Sorcery) ay ginagamit ito sa layuning ituon
(ipukol) sa isang bagay o sa tao. Karaniwan ay pinaniniwalaang
nakapagbibigay ng proteksiyon at magandang kapalaran
(suwerte) sa sinomang may taglay nito, at sinasabing
nakakakontrol at nakapangyayari ang kakaibang lakas nito sa
kalikasan, sa tao, at sa mga hayop.

Rome
Sa Italya na bansang sinilangan nitong Emperiong Roma ay
gamit ang salitang Latin bilang pambansang wika ng mga
katutubo (mamamayan) doon. Mula sa kanilang wika, noong
una pa ay nilikha ng mga relihiyoso at ng mga espiritistang
Romano ang iba’t ibang orasyon patungkol sa kinikilala nilang
napakaraming dios, gaya ni Sol Invictus (sun god), Jupiter,
Mars, Quirinus at lubhang marami pang iba. Na kalaunan ay
pinaniwalaang mga makapangyarihang salita na umano’y
magagamit na pananggalang at tagapaghatid ng mabuting
kapalaran sa sinomang nag-iingat ng mga iyon. Dahilan kung
bakit ginamit na mga kasangkapan sa pagsasagawa ng rituwal
nitong ocultismo (mahika, panggagaway etc).
Gayon din naman sa India na may wikang Sanskrit, sa Israel na
ang gamit na lengguwahe ay Hebreo at iba pang diyalekto, at
mga wika sa iba pang panig ng kalakhang Europa, America, at
Asia. Mula sa kani-kanilang wika ay inaawit at idinadasal ang
mga likhang orasyon at gaya ng isang panalangin ay nagiging
taimtim sa kalooban ng gumagawa ng gayon. Palibhasa’y lubos
ang pagka-unawa sa bawa’t salita ng dasal ay may mababanaag
na tila kasagraduhan sa gawaing nabanggit.
Anoman sa makatuwid na uri ng pagpupuri sa Dios ay
natutunang iugnay ng mga tao sa pangsariling
pananggalang, kapangyarihan, at mabuting kapalaran.
Halimbawa ay ang sumusunod na orasyon sa ating wika,
“OH AMA NG LAHAT NG KALULUWA, GANAP NA
MAKAPANGYARIHAN, MAY LALANG NG LANGIT AT
LUPA, TAGAPAGLIGTAS AT MANUNUBOS NG LAHAT.”
Ito’y isang pagpupuri sa kaisaisang Dios na nasa langit. Na ng
lumaon ay iniuugnay ng tao sa pangsariling kaligtasan, at dahil
dito ay ginawang orasyon ng kaligtasan sa paglalakbay. Ang
masama nito’y ginamit ding orasyon ng mga magnanakaw at
mga tulisan, upang maligtasan ang masugid na pagtugis ng mga
may kapangyarihan.
Ang halimbawa sa itaas ay orasyon na likha ng tao, at
hindi dasal (Mat 6:9-13) na ibinaba ngDios upang maging isang
mabisang panalangin. Kaya sa kalipunan ng mga minor
na kautusanng Ama nating nasa langit ay may kahigpitan niyang
sinalita at iniutos mula sa bibig ng mga totoong banal ang mga
sumusunod.
DEUT 18 :
9 When you come into the land which
the LORD your God is giving you, you shall not
learn to follow the abominations of those nations.
10 "There shall not be found among you [anyone]
who MAKES HIS SON OR HIS DAUGHTER PASS
THROUGH THE FIRE, [or one] who
practicesWITCHCRAFT, [or] a SOOTHSAYER, or
one who interprets OMENS, or aSORCERER,

Book of the Occult


11 "or one who CONJURES SPELLS, or
aMEDIUM, or a SPIRITIST, or one who CALLS UP
THE DEAD.
12 "For all who do these things [are]
anABOMINATION to the LORD, and because of
these abominations the LORD your God drives
them out from before you.
Bawa't isa sa mga nabanggit na personalidad, o karakter na
tinutukoy sa Deut 18:9-12 ay iba’t ibang orasyon
(enkantasyon)ang ginagamit na patibayang lakas. Dahil dito ay
itinuring sila (anak ng pagsuway) ng Dios na mga
kasuklamsuklam at itinaboy palayo sa dako, na kung saan ay
pinagkakatipunan ng mgaanak ng pagsunod (tupa).
Sukat, upang ang gayong gawain ay samantalahin ng mga higit
pang tampalasan sa paningin ng Ama. Sapagka’t sila’y
nagsigawa ng mga aklat ng mali-maling orasyon, at yao'y
ibinilang sa mga pinagkakakitaan nilang paninda. Ang lahat ng
iyon sa makatuwid ay mabibili sa kaukulang halaga. Ang
matuwid na nalalaman namin ay ipamamahagi na walang
bayad ang anomang bagay pangkabanalan, at hindi nararapat
ipagbili, ni palimusan man, gaya ng karaniwang kalakal (Mat
10:7-10).
Ang mga gayong bagay ay nakarating sa ibayong dagat at
napasa-kamay ng mga banyagang tao. Ang problema nito ay
hindi sila marunong magsalita ng Latin, Hebreo, Sanskrit, at iba
pa. Kaya wala silang anomang nalaman sa mga kahulugan ng
mga salita ng aklat. Ang sumunod nito ay pawang haka-haka na
lamang ang ginawang kaayunan at kabawalan ng mga salita.
Palibhasa nga'y ginawang malaking pagkakakitan ng mga
masasamang tao ang pagbebenta ng mga bagay na may ganap na
kinalaman dito.
Tila nga nasisiraan ng bait ang mga tao sa pag-usal ng
mga orasyon na hindi kailan man nila naunawaan ang kahulugan
ng bawa't salita. Kaya sila’y kay daling nadaya ng masasamang
espiritu, at sa huli ay kinasangkapan sa karumaldumal na
adhikain ng kasamaan. Sapagka’t nahumaling ang marami sa
mga gawaing may hayagang paghihimagsik sa kalooban
ng Amanating nasa langit.
Gaya ng mababasa sa ibaba,
1. Nangatuto sila na sumamba at maglingkod sa larawan ng
lalake at babae bilang mga dios.
2. Nangatuto sila na maging manghuhula, espiritista, at
luklukan ng masasamang espiritu.
3. Nangatuto sila na maging manggagaway (mangkukulam).
4. Nangatuto sila na maging astrologio, at umugnay sa mga
patay.
5. Nangatuto sila na sampalatayanan ang hindi kakaunting
orasyon (incantations).
6. Nangatuto sila na sampalatayanan ang anting-anting
(talisman) at iba pang katulad nito.
7. Nangatuto sila na sumambit ng paulit-ulit na dasal at
orasyon.
Dulo nito’y naging isang napakalaking banta sa kaluluwa ng
mga tao ang gayong kalakaran, sapagka’t ang umano’y
nagbibigay sigla at buhay sa pitong (7) nabanggit na
karumaldumal sa itaas ay mga banyagang orasyon, na
habang paulit-ulit na sinasambit ay patuloy na niwawalang kabuluhan
ang mga salita ng Dios na iniluwal ng sariling bibig ni Jesus, na
sinasabi,
Way of the Gentiles (Pagans)

MAT 6 :
7 At SA PANANALANGIN NINYO AY HUWAG NINYONG
GAMITIN ANG WALANG KABULUHANG PAULIT-
ULIT,na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka’t iniisip
nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila.
8 Huwag nga kayong magsigaya sa kanila:
sapagka’t TALASTAS NG INYONG AMA ANG MGA BAGAY
NA INYONG KINAKAILANGAN, BAGO NINYO HINGIN
SA KANIYA.
Hindi nga lamang sa rosario (rosary) ng paganong
Romano ipinatutungkol ang nilalaman ngsitas (Mat 6:7-8) sa
itaas, kundi sa mga orasyon din naman na inuusal ng paulit-ulit.
Ano pa’t kung ang lahat ng ito ay totoong sumasa Dios ay hindi
na kailangan pang sambitin ng gayong kadalas, at ang minsan ay
sapat na nga. Dahil sa ang ating kailangan ay iniisip pa nga lang
natin at hindi pa sinasalita ng ating bibig ay talos na
ng Ama nating nasa langit. Kaya tila mga nahihibang sa kanilang
sarili ang mga taong bumibigkas ng paulit-ulit na
dasal at orasyon.
Kaugnay nito ay maliwanag pa sa sikat ng araw na lalong higit
na marami ang masasama kay sa mabubuti, at dahil doo’y lalong
higit ding marami ang gawang masama kay sa gawang
mabuti. Ang orasyon (spell) o pag-usal ng orasyon (conjuration
of spells) ay katotohanang likha ng masama at yao’y tahasan
naming sinasabi sa inyo, palibhasa’y kabilang sa mga gawang
mahigpit na ipinagbabawal ng Dios sa Deut18:9-12. Kailan
man nga'y hindi naging katanggap-tanggap sa mga
karumaldumal na Gentil ang "AMA NAMIN," na kaisaisang
panalangin na itinuro ng tinig ni Jesus upang dasalin ng lahat sa
kalupaan.
Sa paniwalaan nyo man o hindi, 99 % sa mga nag-iingat ng
mga banyagang orasyon sa buong kapuluan ay hindi kailan man
naunawaan ang bawa’t salita na nilalaman nito. Sa gayo’y paano
makatitiyak na ang gayong bagay ay umaayon sa layunin, kung
ni isa mang salita sa orasyonay hindi mo nauunwaan?

Sa karamihan ng dios na kinikilala ng mga Romanong pagano


ay nagsigawa ang marami sa kanila ng mga orasyon patungkol
sa iba't ibang dios na kinikilala nila. Kaya isa ring napakalaking
banta sa kaluluwa ninoman na umuusal ng orasyon, na sa hindi
niya pagkabatid ay patungkol sa maraming diosdiosan ng
sinaunang Italya. Ang akala'y ukol kay Jesus o sa Ama, yun pala
kung isasalin sa sariling wika ang orasyon ay patungkol iyon sa
mga diosdiosan na kinikilala ng mga pagano. Kaya nadadaya
ang marami at sila'y pinapaging hangal sa kanilang kawalang
kaalaman sa pagsasalin ng banyagang mga lengguwahe sa
sariling wika. Ang katotohanan na hindi maitatanggi ng lahat ay
marami sa kasapi ng simbahang katoliko sa buong kapuluan ay
nahuhumaling sa mga orasyon, anting-anting, mutya at iba pang
karumaldumal na katulad nito.
Halos lahat nga sa mga nahihilig sa ganitong larangan ay
ibinatay lamang ang kanilang nalalaman sa mga sukat di
mapaniwalaang banyagang orasyon na nilalaman ng mga local
na limbag ng libreto at libro secreto. Latin, Hebreo, o kaya
nama’y Sanskrit ang karaniwang wika na mababasa sa libro, at
ang kadudadudang paliwanag lamang sa gamit nito ang nasa
ating wika, gaya ng mababasa sa ibaba,

Conjuration of Spells
Mga Orasyon
Ito ay galing sa libreto ng 27 kapangyarihan ng
Verdacabala:
Makapangyarihang Orasyon upang mapatigil mo ang
isang tao sa pagsugod sa iyo na may masamang tangka sa
iyong buhay. Kung pasugod sa iyo ang isang tao at ikaw
ay sasaktan banggitin po lamang ninyo ang oraciong ito
sa kanyang harapan at siguradong hindi na maitutuloy
ang pagsugod saiyo:

EIGSAC EIGMA E. E. PROCULTIS B.


TE IJITUR C. PATER PER JESUM CHRISTUM
FILIUM TUUM D. N. SUPLICES R. AC PETIMUS
UTI ACCEPTA HABEAS ES B. DOMINE DEUS
MEUS INTE S. CONFITETOR TIBI DOMINE
INTOTO CORDE MEO Q. DAMAHI LUMECH
GADAL PANCIA VEFOAS MEOROD L. BALDACH
ANERETHON M.

Paalala:
Sa Hebrew, Greek, English at Latin alphabet ay hindi
eksistido ang letrang "J." Nagsimula lamang na
mapasama sa alpabeto ng Ingles at Latin ang nabanggit
na letra (J) nitong ika-17 siglo. Kaya ang
pinakamatandang pangalan at salita na nagsisimula, o
kalakip ang letrang ito (J) ay itinatayang umiidad lamang
ng humigit kumulang sa tatlong daan at limangpung taon
(350) taon. Ang pangalang "JEHOVAH"kung gayon ay
imbentong pangalan lamang ng mga Ingles. Isa rin sa
mga dahilan kung bakit binibigyang diin ng mga historian,
na ang pangalang "JESUS" ay palsipikadong (huwad)
pangalan ng panganay na lalakeng anak ni Maria.

Sino sa mga nag-iispirituwal sa panahong ito ang makapag-


bibigay ng husto at tamang salin (word by word) nito sa ating
wika? Paano matitiyak na yaon nga’y totoong orasyon ukol sa
pagsupil nitong masamang hangarin, gayong ito’y hindi naman
naiintindihan? Malibang ang sinoma’y maging isang dalubhasa
sa wikang Latin ay hindi mapapatunayan, kung ang nabanggit
bang orasyon ay tama at walang anomang mali sa bawa’t salita,
at akma kaya sa umano’y nabanggit na kaukulang layunin nito.
Gayon ma’y lihis ang lahat ng iyan sa katotohanan, palibhasa’y
mahigpit na ipinagbabawal ng kautusan (Deut 18:10-13).
Mangmang nga ang tawag ng Dios sa tao na naniwala
kapagdaka sa kaniyang nabasa o sa mga salita na kaniyang
narinig. Kabaligtaran nito ay matalino sa Kaniyang paningin ang
sinomang matapos bumasa at makarinig ay nagsiyasat at
nagsaliksik. Sa gayo’y walang pagsalang masusumpungan ng
taong iyon ang katotohanan. Samantalang babaunin ng una ang
kaniyang kahangalan at kamangmangan sa kaniyang kamatayan.
Sa kawalang malay ng marami sa kahulugan ng mga banyagang
orasyon. Lingid sa kanilang kaalaman, ang layon nito’y igapos
ang sinoman sa pagka-alipin ng masasamang espiritu, at walang
awang kaladkarin sa apoy ng impierno ang kaniyang
kaluluwa. Bakit nga hindi, dahil sa napakaliwanag na sinasabi
ng mga katunayang biblikal sa nauunawaan nating wika, na ang
lahat ng yaon ay lalang lamang ng masama.

Ano’t ang pinaniwalaan at isinabuhay ng ilan ay ang


mga banyagang engkantasyon na ni isang salita ay hindi nila
napapag-unawa. Sa gayo’y maliwanag na sila’y binulag at
ginawang bingi sa katotohanan ng mga masasamang espiritu na
nagsisidating habang paulit-ulit nilang inuusal ang mga hindi
nauunawaan at mapanganib na mga banyagang orasyon.
Anomang bagay o gawa na hindi inaari ng katotohanan ay
nilalapatan ng Ama nating nasa langit ng kaukulang
kabawalan(Deut18:912).
Samantalang alin mang may kaugnayan sa katotohanan ay
iniuutos Niya na sundin at isabuhay ng mga tao sa kalupaan.
Angkaligtasan ng kaluluwa at katubusan ng sala kung gayon
ay ang pagtalima sa mgakautusan, palatuntunan, at kahatulan. Sa
makatuwid baga'y ang pagbabalik loob sa katuwiran ng
mga salita ng Dios? Iyan nga at wala ng iba pa ang
nagtutumibay na katotohananna karapatdapat tindigan ng lahat.

Sa pagtatapos ng usaping ito ay katotohanan na binibigyang diin


ng banal na kasulatan, na ang paulit-ulit na pagbigkas ng
mga orasyon ay maliwanag na pakikipag-ugnayan, o pagtawag
sa mga di kilala at masasamang espiritu. Sapagka't ang gawaing
tumutukoy dito ay mahigpit na ibinabawal ng Dios sa Deut
18:9-12. Ang pakikipagsapalaran sa larangang ito kung gayon
ay isang landas na lubhang mapanganib, sapagka't may
katiyakan na mapapariwara at mapapahamak ang kaisaisa
ninyong kaluluwa.

Mga minamahal na kapatid, tungkulin namin na kayo'y ganap na


paalalahanan, kung nakikita namin na may paghihimagsik ang
inyong mga gawain sa mga kautusan, palatuntunan, atkahatulan
ng Ama nating nasa langit.

Nalalaman namin na ang marami ay hindi napag-unawa ang


mahihigpit na kabawalan ng Dioshinggil sa bagay na ito.
Palibhasa'y kinurap ang mura nilang kaisipan ng mga
karumaldumal na tradisyong pangrelihiyon ng mga paganong
Romano. Gayon ma'y hindi pa huli ang lahat upang iwasto ang
pagkakamaling iyan. Gaya ng nasusulat,

EZE 18 :
21 Nguni’t kung ang MASAMA ay humiwalay sa kaniyang
lahat na kasalanan na kaniyang nagawa, at ingatan ang
lahat na aking mga PALATUNTUNAN, at gumawa
ng TAPAT at MATUWID, siya’y hindi mamamatay.
22 Wala sa kaniyang mga pagsalangsang na nagawa
niya na aalalahanin laban sa kaniya: sa
kaniyang KATUWIRAN na kaniyang ginawa ay
mabubuhay siya.
ISA 43 :
25 Ako, ako nga ay siyang pumapawi ng iyong mga
pagsalangsang alang-alang sa akin; at hindi ko
aalalahanin ang iyong mga kasalanan.
KAW 7 :
1 ANAK KO INGATAN MO ANG AKING MGA
SALITA, AT IMPUKIN MO SA IYO ANG AKING
MGA UTOS,
2 INGATAN MO ANG AKING MGA UTOS AT
MABUHAY KA; AT ANG AKINGKAUTUSAN NA
PARANG ITIM NG IYONG MATA.

3 ITALI MO SA IYONG MGA DALIRI; IKINTAL MO


SA IYONG PUSO.

Ang sinoman ngang nagsasabing siya'y sumasa Dios, gayon


ma'y hindi inaaring katotohanan ang kabawalan at kaayunan ng
Dios - ang taong iyan ay isang nuno ng sinungaling,magdaraya,
at walang alinlangang matatawag na kampon ng kasamaan.
Gayon nga rin siya na sinasadyang pawalang kabuluhan ang
nilalamang kautusan ng Deut 18:9-13. Kabilang ang taong iyan
sa malaking hukbo na walang kapagurang naglulunsad ng
malawakang paghihimagsik at pakikidigma sa katuwiran
(kautusan) ng kaisaisang Dios na nasa langit.

Ang taong tunay na sumasa Dios ay masigla at may galak sa


puso na tumatalima sa mgakautusan ng Dios. Iyan lamang ang
bagay na nalalamang gawin ng sinomang totoong sumasaDios.
Suma atin nawa ang kapayapaan, hanggang sa muli, paalam.

OCCULT
OCCULT SHRINE
Paunang salita
“Hindi namin layunin na sirain ang reputasyon, ni ibilad man sa kahiyahiyang kalagayan ang
aming kapuwa, kundi ang maglahad lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng
katotohanan (biblical facts). Dahil dito ay wala kaming nakikitang anomang kadahilanan, upang
ang ilan ay magalit sa amin, at kami’y paratangan ng paninira, o panghuhusga sa aming
kapuwa.

Alingawngaw lamang kami ng mga katotohanan na isinigaw ng mga totoong banal noong una.
Ang mga yao’y hindi namin sariling likha, kundi katotohanang nananatili sa simula pa lamang
at lumalagi hanggang sa kasalukuyan at patuloy na iiral sa mga darating pang kapanahunan.

Dalangin nami’y kasihan nawa ng higit pang malawak na pang-unawa ang sinomang babasa ng
lathalaing ito. Nang sa gayo’y hindi maging mahirap sa kaniya na makita at lubos na
maintindihan ang kalooban ng Dios na binibigyang halaga sa artikulong ito.

Amulet
Ang salitang “OCCULT” ay may ganap na kaugnayan sa lihim na karunungan at ito’y mga
gawa na tumutukoy sa supernatural opsychic phenomena, na kadalasa’y pinagsisikapang
matutunan ng ilan sa layuning magkamit ng pangsariling kapangyarihan. Karamihan sa ganitong
uri ng kaugalian ay mula sa pagtataguyod ng mga demonio, o masasamang espiritu. Kung bakit
namin nawika ang gayon ay siya namin ngayong ipaglilingkod sa inyo, at ito’y sa pamamagitan
ng masiglang saliw nitong mga katiwatiwalang katunayang biblikal.
Sa ibang dako, ang “CULT,” o kulto ay isang rituwal na kabilang sasistema ng pagsamba, o
isang dakilang debosyon na umano’y may kinalaman sa larangan ng kabanalan.

Mula sa WEBSTER COMPREHENSIVE DICTIONARY (International Edition) p.314, ay ganito


ang ibinigay na kahulugan sa salitang “cult.” n. 1. Worship or religious devotion; especially, a
form of religion. 2. A system of religious observances. 3. Extravagant devotion to a person,
cause, or thing; also, the object of such devotion.

Gayon man, ito’y pinaniniwalaang may malaking kaugnayan sa occult. Gaya halimbawa,
ang cult (kulto)ay ginagamit sa pagsasanay ng mga lihim na karunungan (occult). Ito ay inilihis
sa tunay nitong layunin, at sa halip ay ginawang kasangkapan ng mga tao upang ang mga
karumaldumal na rituwal ng ocultismo ay maluwag na mabigyang daan.

Sa pagpapatuloy ay may katunayan kaya na masusumpungan sa balumbon ng mga kasulatan


(biblia) na nagsasabing mabuti ang mga gawa na inaari ng occult? Ang mariin naming tugon sa
tanong ay WALA, sapagka’t tungkol sa bagay na ito ay nagtutumibay ang katotohanan na
mababasa sa mga sumusunod na sitas ng biblia. Na sinasabi, (NKJV) (Y'HOVAH = 3068, in Strongs's
Numbers)

DEUT 18 :
9 When you come into the land which LORD 3068 your God is giving you, you shall not learn to
follow the abominations of those nations.

10 "There shall not be found among you [anyone] who MAKES HIS SON OR HIS
DAUGHTER PASS THROUGH THE FIRE, [or one] who practices WITCHCRAFT, [or]
a SOOTHSAYER, or one who interprets OMENS, or a SORCERER,

11 "or one who CONJURES SPELLS, or a MEDIUM, or a SPIRITIST, or


one who CALLS UP THE DEAD.

12 "For all who do these things [are] an ABOMINATION to the LORD, and because of these
abominations the LORD3068 your God drives them out from before you.

DEUT 5 :
7 YOU SHALL NOT HAVE OTHER GODS BESIDES ME.

8 YOU SHALL NOT CURVE IDOLS FOR YOURSELVES IN THE SHAPE OF ANYTHING IN
THE SKY ABOVE OR ON THE EARTH BELOW OR IN THE WATERS BENEATH THE EARTH.

DEUT 4 :
16 not to degrade yourselves by fashioning an IDOL to represent any figure, whether it be the
form of aMAN or a WOMAN.

Narito, at lubhang napakaliwanag ang tanglaw upang mapag-unawa ng lahat, na ang mga
gawang may kinalaman sa :
Deut 4:16
1. Pagpaparaan ng mga anak sa apoy,
2. Pangkukulam, panghuhula, pagtawag sa mga patay, mahika
negra (Necromancy)
3. Pagmamasid ng mga pamahiin,
4. Astrology (Deut 4:19, Isa 47:13-14))
5. Nagsisitiwala sa mga oracion (spells),
6. Nilalangkapan ng mapanlinlang na espiritu (Ispiritista).

Anting-anting
7. Nagsisisamba sa larawan ng babae (Maria at mga
Santa) atlalake (Jesus at mga Santo).
8. Ang mga nagsisitiwala sa mga anting-anting (agimat),
medalyon (amulet), mutya, galing, at marami pang iba na may
kaugnayan sa mga ito
Ilan lamang ang inilahad namin sa itaas na inaaring lubos ng ocultismo, at ang lahat ng yao’y
katotohanang katotohanan na mga gawang karumaldumal at kasuklamsuklam sa paningin
ngAma nating nasa langit. Ano pa’t kung ito’y hindi sinasang-ayunan ng Dios na katotohanan, ay
nararapat tanggapin ng lahat na ito’y mga kasinungalingan at pakana, o kagagawan lamang ng
mgademonio, o masasamang espliritu.

Mariing kinokondena ng mga katotohanang masusumpungan sa biblia ang mga gawa na


tumutukoy sa ocultismo. Kaya sinoma'y walang maaaring idahilan upang bigyang katuturan ang
bagay na ito. Kasuklamsuklam sa tingin ng Ama nating nasa langit ang mga tao na nagsisigawa
ng mga gayong karumaldumal, sapagka’t hindi nila sinusunod ang natatanging kalooban
ng kaisaisang Dios na nasa langit. Na sinasabi,

Matthew 5:17-18, John 12:50


ISA 24:
5 The earth is also defiled under its inhabitants, Because they have TRANSGRESSED THE
LAWS, CHARGED THE ORDINANCE, BROKEN THE EVERLASTING COVENANT.

ISA 47 :
12 Stand now with yourENCHANTMENTS And the multitude
of your SORCERERS. In which you have labored from your
youth--Perhaps you will be able to profit, Perhaps you will
prevail.

13 You are wearied in the multitude of your counsels; Let now


the ASTROLOGERS, theSTARGAZERS. [And]
the MONTHLY PROGNOSTICATORS stand up and save you
From what shall come upon you.
Gayon ngang sila na nagsisitiwala sa karumaldumal na ocultismo ay sumalangsang
sa kautusan, binago nila ang mga dakilang alituntunin at sinira ang walang hanggang
tipan ng Ama nating nasa langit. Sapagka’t hindi nila sinunod ang salita ng Dios, at sa halip ay
ginawa nila ang mga bagay na mahigpit na ibinabawal sa kanilang gawin. Sa makatuwid ay
kabilang sila sa malaking kalipunan ng mga anak ng pagsuway. Pangunahin nilang gawain ay
ang sumamba at maglingkod sa nabanggit na larawan at rebulto ng lalake at babae (Deut 4:16).

Ang mga tao na gumaganap sa mga gawa na may kinalaman sa ocultismo, sa lupa pa nga lamang
ay nahatulan na ng Dios. Na sinasabi,

ISA 47 :
14 Behold, they shall be as stubble, THE FIRE SHALL BURN THEM, THEY WILL NOT
DELIVER THEMSELVES FROM THE POWER OF THE FLAME, [It shall] nor [be] a coal
to be warmed by, [Nor] a fire to sit before!

Samantalang itong si Jesus ay kabaligtaran sa mga pangangatuwiran ng mga tampalasan ang


sinalita ng kaniyang bibig, at gaya ng nasusulat ay ganito ang mababasa.

MATEO 5 :
17 Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y
naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.

JUAN 12 :
50 At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang
mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.

Habang ang Ama nating nasa langit ay binigyang diin na siya lamang ang kaisaisang
Dios natagapagligtas at maliban sa kaniya ay wala na ngang iba pa. Madiin nga rin niyang
winika na kinaawaan Niya ang libolibong umiibig sa Kaniya at tumutupad
ng Kaniyang mga Utos (10 utos).
Na sinasabi,

ISA 45 :
21 .... WALANG DIOS LIBAN SA AKIN, isang GANAP NA
DIOS at TAGAPAGLIGTAS; WALANG IBA LIBAN SA AKIN. ( Isa 46:13)

EXO 20 :
6 At pinagpapakitaan ko ng KAAWAAN ang libolibong UMIIBIG SA AKIN at TUMUTUPAD
NG AKING MGA UTOS.

Sukat ang mga katiwatiwalang katunayang biblikal na aming inilahad sa inyo, upang mapag-
unawa ng lubusan, na nararapat tayong lahat na tumiwala ng lubos sa kaisaisang Dios, na
siyang Ama nating nasa langit. Siya ang ating kaligtasan, kaya walang dahilan upang tayo’y
kumapit sa mga kabawalan, na ang isa sa mga yaon ay tumutukoy ng ganap sa ocultismo.
Isa 3:18-20
Hindi natin kailangan ang Agimat, Amulet, charm, orasyon at
iba pang katulad ng mga ito. Sapagka’t ang paggamit ng mga
gayong bagay (1-7) ay isang malinaw na tanda ng kawalang
tiwala sa kakayanan ng Dios na makapagligtas ng kaniyang
mga anak sa sandali ng kagipitan. May sariling paraan ang
ating Ama sa pagliligtas ng bawa’t isa sa atin, at katotohanang
ito’y hindi sa pamamagitan ng mga nabanggit na karumaldumal
na paraan.
Sa mga nagsisitupad ng kaniyang mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan ay lagi siyang naka-
antabay para sa kanilang pangangailangan. Sapagka’t katotohanan na sila’y kaniyang
kinakaawaan, at dahil dito ay nakakamit mula sa Kaniya ang kanilang kaligtasan at kasaganaan.

EXO 20 :
6 At pinagpapakitaan ko ng KAAWAAN ang libolibong
UMIIBIG SA AKIN at TUMUTUPAD NG AKING MGA UTOS.
DUET 27 :
26 SUMPAIN YAONG HINDI UMAAYON SA
MGA SALITA NG KAUTUSANG ITOUPANG GAWIN.
Kaya nga ang gayong mga kasuklamsuklam at karumaldumal na bagay ay
mahigpit Niyang ipinagbawal, nang dahil sa ang presensiya ng kaniyang Espiritu (Apoc 5:6) sa
dimensiyong ito ng materiya ay lumalagi na magpasawalang hanggan. Layunin nito na
maluwalhating tugunan ang kapakanan ng mga anak ng pagsunod.

APOC 5 :
6 .... na siyang pitong Espiritu ng Dios, na sinugo sa boong
lupa.

ISA 40 :
8 Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta:
nguni’t ANG SALITA NG ATING DIOS AY MAMAMALAGI
MAGPAKAILAN MAN.
AWIT 111:
8 ...... NANGATATATAG MAGPAKAILAN KAILAN MAN. Mga
yari sa KATOTOHANAN at KATUWIRAN.
Sa makatuwid ay katotohanan na ang mga bagay na inaaring lubos ng ocultismo ay pawang
walang kabuluhan at walang katuturan sa paningin ng kaisaisang Dios. Ano pa’t maliwanag na
ang mga tao na nagsisitiwala sa gayong karumaldumal na mga bagay ay nag-aaksaya lamang ng
kanilang panahon, at hayagang niyuyurakan ang natatanging kalooban (kautusan) ng Ama nating
nasa langit.

Sa pagtatapos ng usaping ito ay mariin naming sinasabi sa inyo, na sa paglalahad ng mga


katiwatiwalang katunayang biblikal ay wala kaming pinilipit isa mang salita. Kaya makaka-asa
kayong pawang katotohanan lamang ang mga bagay na nagsidating sa inyo ngayon. Muli,
alingawngaw nga lamang kami nitong mga salita ng Dios, na noong una ay may katapangang
isinigaw ng mga taong dumadako sa masiglang larangan ng tunay na kabanalan.

Ang sinoman sa makatuwid na pupukol sa amin ng panunuligsa at paninirang puri hinggil sa


usaping ito ay tuwirang niwawalang kabuluhan at nilalapastangan ang buong nilalaman ng Deut
18:9-12, Deut 5:7-8, Deut 4:16, Isa 24:5, Mat 5:17, Juan 12:50, Isa 45:21, at Exo
20:6 Apoc 5:6, Isa 40:8 Awit 111:8. Sila'y maituturing ng mga kampon
ng kadiliman, palibhasa'y kabaligtaran sa mga utos ng Dios ang
minamabuti nilang gawin.
Huwag nyo ngang panatiliing kasuklamsuklam sa paningin ng Ama nating nasa langit ang
inyong mga sarili. Bagkus ay iwaksi ang masama (okultismo) at pagsikapang sundin ang
mga kautusan, palatuntunan,at kahatulan. Sapagka’t ang pagtalima sa mga yaon ang siya
lamang kaligtasan ng ating kaluluwa atkatubusan ng ating mga sala.

ISA 60 :
16 Ikaw naman ay iinom ng gatas ng mga bansa, at sususo sa
mga suso ng mga hari; at iyong malalaman na akong
Panginoon ay TAGAPAGLIGTAS sa iyo, at MANUNUBOS sa
iyo, Makapangyarihan ng Jacob.

Si wikang Ingles, sang-ayon sa orihinal na pagkakasulat ay gaya


ng mababasa sa ibaba,

ISA 60 :
16 You will also suck the milk of nations, and suck the breast of
kings; and you will know that I Y'HOVAH (YHVH) your Savior
and your Redeemer, the mighty One of Jacob.

Divination

Dumating na nga ang katakdaan ng panahon upang iwaksi ang


mga orasyon ng banyagang wika, at gayon din ang mga
tinatangkilik na agimat, medalya, mutya, at iba pang galing na
katulad ng mga ito. Sapagka’t silang lahat ay hindi sinasang-
ayunan, bagkus ay ipinagbabawal ng Ama nating nasa langit na
sampalatayanan ng sinoman. At kung ang mga ito’y hindi
sumasa Dios ay maliwanag pa sa sikat ng araw na ang gayong
mga bagay ay likhang lahat ng mga demonio, - sa layuning
dayain ang marami sa ikapapahamak ng kanilangkaluluwa.
Ang babala na lumabas mula sa bibig ng mga totoong banal
(propeta), may tatlong libo apat na raang taon (3,400) na ang
nakararaan ay umalingawngaw sa pandinig ng marami sa bawa’t
henerasyon ng mga tao. Kaya naman sa kasalukuyang
kapanahunan ay isa lamang ang lathalaing ito sa mga babala na
makararating sa pang-unawa at pandinig ng marami. Sapagka't
ang taginting nitong sigaw ng katotohanan, takpan man ng
libong kasinungalingan ang tainga ng lahat ay hindi
mapipigilang manuot sa pandinig nilang mga ganap
na kinauukulan (anak ng pagsunod).
Ano mang karumaldumal at kasuklamsuklam na gawa, kapag
inulit-ulit na gawin ay minamana ng mga anak, at ng mga anak
ng mga anak. Sa kalaunan, yao'y kinikilalang isangkaugalian at
pinagkakamaliang ituring na katotohanan. Bagay na siyang
kadalasan ay nagiging dahilan ng pagkaligaw at pagkapahamak
ng marami sa ating mga kapatid.

Huwag nyong ikagalit, kung sa katakdaan ng panahon ay supilin


ang gayong mga bagay (ocultismo) ng mga salita ng Dios na
binibigyang diin bilang katotohanan sa balumbon ng mga banal
na kasulatan. Maging sapat sana sa lahat ang panalangin (Mat
6:9-13) na itinuro mismo nitong Espiritu ng Dios na namahay at
naghari sa kalooban ni Jesus, at ito ay ang orasyon na kung
tawagin ng marami ay "AMA NAMIN."
Suma ating lahat ang kapayapaan, hanggang sa muli, paalam.

You might also like