You are on page 1of 8

ano nga ba ang nangyayari sa iyong sinapupunan sa mula sa umpisa ng pagbubuntis?

Sa unang beses ng
pagdadalantao, sadyang kamangha-mangha ang pangyayari at pagbabago sa sarili, bagamat hindi ito
lubusang napapansin ng lahat ng nakapaligid sa iyo.
Ito na siguro ang pinakamaligayang karanasan ng isang ina, at ang pinakamagandang bonding ng mag-
ina—ang maranasan ang bawat pagbabagong pisikal na nagaganap sa kanilang dalawa.
Basahin ang linggo-linggong pamumuo ng supling bago iluwal at ang mga pagbabagong maaaring asahan
habang lumalaki si baby sa loob ng tiyan ni nanay.
Unang Trimester
Pagkatapos mabuo ang embryo, ang dalawang layer ng cells kung saan ang mga organ at bahagi ng
katawan ay mabubuo na rin. Hindi pa gaanong mapapansin ang pagbabago sa katawan ng ina, lalo kung
unang pagbubuntis ito. Pero ang bawat linggo ay sadyang nagdadala ng maliit man, ngunit
napakahalagang development.
1 – 2 Linggo - Dito pa lang nagkita ang itlog at sperm. Ang katawan ng ina ay naghahanda na sa
pagbubuntis. Maaari pang magkaroon ng pagdugo na parang menstrual period, ngunit ito ay hudyat lang
ng pagkakabuo ng sanggol o conception.
Kahit hindi pa sigurado kung buntis o hindi, basta’t mayron nang hinala o senyales na maaaring buntis
nga, kailangang mag-ingat na ang ina para sa kalusugan ng bata. Kumain ng masustansiyang pagkain at
iwasang mag-kape, manigarilyo o uminom ng alak. So oras na sigurado na ang pagbubuntis, kumunsulta
sa OB GYNE at huningi ng bitamina para sa pagbubuntis.
Kung may iniinom na prescription drugs, alamin sa doktor kung ligtas para sa buntis ang gamot.
Ika-3 na Linggo
Ang ikatlong linggo ay buo na ang sanggol sa sinapupunan. Dito na unti-unting lumalaki ang fetus, kasama
na ang brain at spinal cord. Tila isang munting bola ang sanggol, na ang tawag ay blastocyst. Ito ay gawa
ng daan-daang cells na napakabilis na dumadami. Dito na nagkakaroon ng kasarian, kulay ng mata, kulay
ng buhok at iba pang pisikal na katangian ang nabubuo.
Lalong dapat paigtingin ang atensiyon sa kalusugan at nutrisyon ng ina at ng sanggol. Kailangan ng ina ng
folic acid at iba pang nutrients at bitamina, tulad ng protina at calcium.
Ika-4 na Linggo
Karaniwang nalalaman ng isang ina na siya ay buntis sa ika-apat na linggo pa lamang. Dito na kasi
nararamdaman ang pisikal na pagbabago tulad ng pagkahilo, sakit ng ulo, pananakit ng likod at
pagsusuka. Ang fetus ay isang embryo na may dalawang layers, at ang placenta ng ina ay tuloy ang
development.
Pinapayuhang magsimula ng ehersisyo ang ina sa panahon na ito. Magtanong sa doktor tungkol sa mga
ehersisyong para sa nagbubuntis.
Ika-5 na Linggo
Siguraduhing mayroon nang buwanang iskedyul ng prenatal check-up sa iyong OB GYNE. Dito na tumitindi
ang pagsusuka at pagkahilo lalo sa umaga. Natural lang ang pakiramdam na parang pagod palagi at gutom
o may gustong kainin.
Unang Trimester ng Pagbubuntis: Bawat linggong paglaki ni baby sa sinapupunan

Ika-6 na Linggo
Mapapansin nang palaging pagod, hapo at hilo, at sumasakit ang dibdib at suso, at minsan ay namamaga
din. Malaking pagbabago ang nangyayari sa sanggol tulad ng pag-develop ng mga vital organs. Makikita
na ang ilong, bibig, at tenga ng sanggol. Dito na unti-unting bumibigat ang timbang ng ina.
Ika-7 na Linggo
Lahat ng vital organs ay may mahalagang pagbabago na. Unti-unti nang nagkakaroon ng kamay at paa ang
sanggol sa sinapupunan. Doble na ang laki ng uterus. May buhok, pilik-mata, at dila na ang sanggol at ang
kaniyang siko at mga daliri sa paa ay may proma na rin. Ang blood volume din ng ina ay tumaas na ng
hanggang 50%.
Ika-8 na Linggo
Karaniwang mararamdaman ang maliliit na paggalaw ng sanggol sa tiyan. Si nanay naman ay
nakakaramdam na rin ng tuluyang pagbabago sa suso, dahil naghahanda na ito para sa paggagatas.
Bagama’t may kasarian na ang sanggol, hindi pa tuluyang nabubuo o makikita ang pamalisupling o
genitalia nito.
Ika-9 na Linggo
Ngayon ay kasinlaki na ng isang ubas ang sanggol at halos isang pulgada (1 inch). Nagsisimula na rin
niyang isubo ang kanyang hinlalaki. Ang ina naman ay nahihirapan nang matulog sa gabi dahil sa
lumalaking tiyan at balakang.
Ika-10 na Linggo
Patuloy na lumalaki ang sanggol at nakukumpleto lahat ng vital organs niya. Siya ay halos lagpas na ng 2
pulgada at kasukat ng isang lime. Nalagpasan na rin ng ina ang kritikal na panahon ng pagbubuntis. Ang
tanging kailangang isipin ay ang kalusugan at nutrisyon ng sarili at ng sanggol sa sinapupunan. Maaari na
ring kunan ng ultrasound ang sinapupunan upang makita ng doktor ang sanggol, at masiguradong walang
pisikal na problema.
Ika-11 na Linggo
Ilang linggo na lang ay tapos na ang unang trimester. May papitik-pitik lang na galaw sa loob ng tiyan, na
hindi pa gaanong mararamdaman. Marunong na kasing magbukas-sara ng kamay ang sanggol. Buo na rin
ang gums ng sanggol. Subukang maglakad-lakad o lumangoy sa pool bilang ehersisyo, pero huwag
magpagod.
Ika-12 na Linggo
Patuloy na lumalaki si baby kaya’t kailangang siguraduhing kumakain ng mabuti at nasa oras si nanay.
Kailangang ng mag-ina ng sapat na nutrisyon. Ang utak ng sanggol ay patuloy ding lumalaki, at ang kidney
ay naglalabas na ng ihi (urine).
Makakapa na ng OB GYNE ang sanggol sa lower abdomen ng ina. Dito na kailangang mamili o manghiram
ng mga damit na pambuntis. Magsuot ng maluwag at komportable para sa iyo; ang ibang buntis ay gusto
naman ng hapit. Wala rin namang masama, basta’t hindi naiipit ang bata.
Ika-13 na Linggo
Mapapansing may mga stretch marks na sa tiyan at tagiliran, pati sa hita, ang ina. Huwag mag-alala. Lahat
ito ay natural at para naman sa dinadalang sanggol. Maglagay ng cream o langis para matulungang hindi
magbiyak ang balat.

Mayroon nang fingerprints ang sanggol at halos 3 pulgada na o lagpas pa. Mapapansin ding nangingitim
ang kili-kili, areola, mga singit, leeg, at maski sa mukha. Gumamit din ng langis, o ang mas epektibong
Rose oil at Vitamin E oil para sa balat.
Sa panahong ito ng pagbubuntis, iwasan na ang junk food, pagkain ng higit sa nararapat, pagkain sa gabi
(lagpas ng 10 ng gabi), at pagkain ng masyadong matatamis.
Ito na ang pagtatapos ng unang trimester! Kung nalagpasan mo ito, handang handa ka na nga sa ikalawa
at ikatlong yugto ng iyong masayang pagdadalantao.
a pagsisimula ng Ikatlong Trimester, ang iyong sanggol ay may timbang na 2 1/4 libra (pounds). Mayroon
nang kuko sa kamay at paa, at bilyong neurons sa utak. Ang mga nalalabing linggo niya sa sinapupunan ay
panahon para magpalaki at magdagdag pa ng timbang si baby. Sa kabuwanan, karaniwang may habang 19
pulgada at bigat na 7 libra (pounds) ang isang sanggol na handa nang lumabas.
2nd trimester
a simula ng ikalawang trimester, o ika-apat na linggo ng pagbubuntis, makikita na ang tuluyang paglaki ng
iyong tiyan dahil lagpas na ng 3 pulgada ang iyong sanggol sa sinapupunan.
Nasa 1 1/2 ounces na rin ang timbang nito. Ang kaniyang maliliit na daliri ay may fingerprints na, at ang
kaniyang puso ay nag-pa-pump na ng 25 quarts ng dugo sa bawat araw. Ang kaniyang mga buto ay
nabubuo na rin sa paglipas ng mga araw, at may kakayahan na siyang makarinig. Ito na ang panahon na
mararamdaman ang pagsipa at paggalaw ni baby, lalo’t ito ay nakakarinig ng musika o anumang ingay.
Ano nga ba ang dapat gawin sa susunod na 12 linggo ng pagbubuntis, upang ang ina at ang kaniyang
sanggol ay ligtas, malusog at masaya?
Ika-14 na linggo
Ihanda na ang mga damit pambuntis dahil ito na ang panahon ng pagsusuot ng mga ito. Mas magaan na
rin ang pakiramdam sa panahong ito at hindi na masyadong mapaghihilo, ngunit may mga di-maiiwasang
mood swings o pabago-bago ng mood: minsan ay ang taas ng energy mo at masaya, minsan nama’y
masungit o malungkot.
Ang atay ng iyong sanggol ay naglalabas na ng bile at ang spleen niya ay nagbibigay na ng pulang blood
cells. Naigagalaw na rin niya ang maliliit na muscles ng kanyang mukha kaya’t siya ay nakangingiti,
nakakasimangot at iba pa.
Patuloy na alagaan ang sarili, kahit na ang pagka-delikado ng pagbubuntis ay nalagpasan na. Umidlip at
maglibang, magpahinga kung nagtatrabaho, uminom ng maraming tubig.
Pagbubuntis: Bawat linggong paglaki ni baby sa second trimester
Ika-15 na linggo
Kailangan nang maghanap ng magandang pwesto sa pagtulog dahil tuluyang lumalaki ang tiyan. Subukan
ang patagilid na pagtulog, dahil ang pagtulog ng nakadiretso ang likod o nakatihaya ay dumidiin sa iyong
aorta at inferior vena cava, at makakaapekto sa pagdaloy ng dugo papunta sa iyong lower body at kay
baby. Maglagay ng mas marami o malambot na unan sa iyong tagiliran at sa bandang tiyan sa pagtulog.
Nakakaaninag na ng ilaw ang iyong sanggol sa sinapupunan at mayroon na rin siyang taste buds. Halos 5
pounds na ang nadagdag sa iyong timbang ngayon. Ang sanggol naman ay 2 ounces na at halos 5 pulgada
na rin. Maaaring sinusukat na rin ng iyong OB GYNE ang iyong fundus o fundal height sa iyong prenatal
appointment. Ito ang distansiya mula sa iyong pubic bone hanggang uterus. Dito kasi malalaman ang
posisyon ng sanggol. Kapag mataas ang fundal height, maaaring breech ang bata, o nakaturo sa ibaba ang
paa, imbis na ang ulo. Makikita ito sa isang ultrasound o pelvic examination.
Ika-16 na linggo
Halos 2 1/2 ounces na ang timbang ng iyong nasa sinapupunan, at ang katawan mo ay mayroong halos 7
1/2 ounces ng amniotic fluid. Halos doble ang laki nito ngayon! Lumalaki ang volume o dami ng dugo ng
ina na dahilan na din ng sinasabing “pregnancy glow”—mapula at may pagka-oily din. Ang mata at tainga
ng iyong sanggol ay nasa lugar na din, kaya’t makikita na ang pisikal na itsura ng kaniyang mukha. Ang
kaniyang unrinary at circulatory systems ay inaasahang gumagana nang maayos.
Sa pre-natal check-up sa panahong ito, siguraduhing magpa-ultrasound, at itanong sa OB GYNE kung
kailangan ba ng test para sa Alpha-Feta Protein (AFP), Triple test, at Amniocentesis. Kailangan na ring
maghanap at kilalanin ang magiging pediatrician ng iyong anak. Makakatulong din kung ngayon na
magsisimulang magsimulang magparehistro sa isang Prenatal class at Childbirth class.
Ika-17 na linggo
Tumitibay na ang inyong umbilical cord, at lumalaki ang iyong abdomen dahil tuluyang lumalaki at
bumibigat si baby. Ang iyong baby ay may habang 5 ¾ pulgada na at may timbang na 4 ounces. Ang
pandinig ng sanggol ay buo na at mayron na siyang adipose o baby fats. Makakaramdam ng sakit sa binti
paminsan-minsan: ang sciatic nerve pain. Ang sciatic nerve ay ang pinakamalaking nerve sa katawan, na
nasa ilalim ng iyong uterus papunta sa binti. Dumidiin kasi ang bigat ng sanggol sa sciatic nerve kaya’t
sumasakit.
Ika-18 na linggo
Kitang-kita na ang iyong baby bump dahil si baby ay halos anim na pulgada na ang laki. Makakaramdam
na ng back pains o pananakit ng likod dahil nga sa bumibigat na tiyan. Magpahinga ng mas madalas at
iangat ang mga paa at binti sa tuwing uupo.
Patuloy na kumain ng pagkaing may protina, calcium at iron, dahil mas madalas kang makakaramdam ng
gutom sa panahong ito at maaaring maapektuhan ang dental health o ang tibay ng iyong mga ngipin.
Ngumuya ng dahan dahan at iwasan ang pagmamadali sa tuwing kakain.
Subukang kumain ng mas madalas ngunit kaunti lamang. Maupo pagkatapos kumain at iwasang humiga
agad. Matulog ng angat ang ulo para makatulong sa pagtulog at mabawasan ang paghilik ng malakas.
Iwasan din ang mga maaanghang na pagkain.
Bumisita sa iyong OB GYNE, dahil handa nang magpakita ng kasarian ang iyong anak!
Ika-19 na linggo
May mararamdamang pananakit ng ligament sa bandang abdomen at balakang at pagkahilo paminsan-
minsan. Maaari ding makadama ng leg cramps o paninigas ng muscles sa binti. Ikunsulta ito sa iyong
doktor, at huwag basta-basta iinom ng gamot para dito. Makakatulong sa leg cramps ang pagtaas nito at
nakapatong sa isang upuan ng diretso, pagkatapos ay igalaw-galaw ang paa para ma-relax.
Patuloy ang paglaki ng sanggol sa timbang na halos 7 ounces at habang 6 na pulgada. Nakakarinig na ng
buo ang iyong sanggol kaya’t magandang magpatugtog ng mga classical music, masasayang kanta at
minsan naman ay nakaka-relax, depende sa oras. Kantahan din at kausapin ito palagi. Nagkakaroon na rin
siya ng buhok at ang bahagi ng utak niya na para sa 5 senses o pandama ay fully developed na din.
Ika-20 na linggo
Biruin mo, nasa kalahati ka na ng pagbubuntis! Siguraduhing may sapat na iron ang katawan at iwasan pa
rin ang maaalat at maaanghang na pagkain. Mahalagang may sapat na iron ang katawan para sa iyo at sa
iyong anak. Kumain ng lean red meat (baka), baboy (paminsan-minsan), dried beans, spinach, dried fruits,
oatmeal at iba pang grains.
Ayusin na ang birth plan at ang bag na dadalhin sa ospital ay unti-unti nang lagyan ng laman. Ang tuktok
ng iyong uterus ay nakatapat na sa iyong pusod. Nasa 8 hanggang 10 libra (pounds) na ang nadagdag sa
timbang ng ina ngayon. Asahan pang bibigat pa ang timbang ng kalahating libra sa kada linggo hanggang
manganak.
Ang sanggol ay nasa 7 ¾ pulgada na at may timbang na halos 9 ounces. Nababalot siya ng puting
substance na tinatawag na vernix caseosa. Ito ay nagbibigay proteksiyon sa balat ng iyong sanggol. Ito rin
ang tutulong na mapadulas ang paglabas ng bata sa oras ng kaniyang kapanganakan.
Ika-21 linggo
Mapapansin ang pagkakaroon ng varicose veins, paglaki ng paa at minsa’y pagkamanas ng binti (at braso
at kamay din). Magpahinga ng mas madalas kahit hanggang 10 minuto lang bawat pahinga. May mga
babae din na nagiging oily ang mukha. Kung ganito ang nararananasan, maghilamos lang lagi gamit ang
sabon para sa mukha.
Mag-enjoy at aliwin ang sarili para maging masaya ang pagbubuntis. Ang iyong baby ay halos 9 pulgada na
at may bigat na 12 ounces. Madalas at malalaki ang galaw ng sanggol sa iyong tiyan. Malikot na siya at
talaga namang bibo pa, lalo kapag ikaw ay nagpapahinga o nakahiga.
Uminom ng 6 hanggang 8 na baso ng tubig bawat araw. Nakakatulong ang pag-inom ng cranberry juice
(unsweetened) para labanan ang UTI (urinary tract infection) na karaniwang nakakaapekto sa mga
nagbubuntis.
Ika-22 na linggo
Ang iyong baby ay halos 10 pulgada na at may bigat na 14 ounces. Kulubot man ang kaniyang balat, siya
ay totoong nagmumukhang isang munting sanggol na. Kita na ang mata, labi pilikmata at kilay. Mabuting
sumali sa mga childbirth education classes kasama ang partner o asawa para malaman ano pa ang
mahahalagang dapat malaman tungkol sa magaganap na pagdating ng iyong anak.
Maihahanda ka din sa labor, matuturuan ng relaxation techniques at makakakilala din ng mga kapwa
mag-asawa at kapwa buntis na maaaring makausap tungkol sa mga karanasan sa pagbubuntis.
Ito ang panahon na maaaring makaramdam ng iba ibang sakit sa katawan, kaya’t karaniwang natatakot
ang ina na siya ay makukunan. Kung makakaramdam ng lower abdominal pain, sakit ng likod o sa pelvic
area, pulikat o vaginal discharge, ikunsulta agad sa iyong doktor.
Pagbubuntis: Bawat linggong paglaki ni baby sa second trimester
Ika-23 na linggo
Dahil ang iyong uterus ay nasa ibabaw ng iyong bladder, nadidiin ito at nagiging dahilan ng fluid discharge
na akala minsan ay ihi. Ito ay maaaring amniotic fluid. Ang amniotic fluid ay walang amoy, di tulad ng ihi.
Kung ito ay amniotic fluid, itawag agad sa iyong doktor.
Ang sanggol ngayon ay may bigat na 1 libra (pound) o .45 kg at nasa 11 hanggang 14 pulgada ang haba o
tangkad. Patuloy siyang lumalaki at pisikal na nagiging handa sa pagluwal. Patuloy na uminom ng tubig
palagi at iwasan ang kape at soda upang maibsan ang pananakit ng ulo, UTI at pagkamanas.

Makikita ang pag-itim ng linea negra sa iyong tiyan, mula pusod hanggang ibaba ng tiyan. Marami ding
bahagi ng katawan na mangingitim o magiging kulay kape: paligid ng mata, leeg, kili-kili, singit at iba pa.
Maglagay lang palagi ng lotion o baby oil para hindi tuluyang matuyo ang balat. Mawawala din ito
pagkapanganak.
Ika-24 na lingo
Labing-anim na linggo na lang ay dadating na ang iyong sanggol. Ang sanggol ay higits a 12 1/2 pulgada na
at may timbang na halos 2 libra (pounds). Ang brain development ng iyong anak ay mabilis na din sa
linggong ito. Pati ang kanyang baga ay halos buo na.
Maaaring bigyan ka ng doktor ng glucose screening test upang makita kung mayroon kang gestational
diabetes o ang pansamantalang diabetes na karaniwang nakikita sa mga buntis dahil hirap ang mga
nagbubuntis na magluwal ng insulin para sa tamang sugar level.
Kung nakakaramdam naman ng heartburn, subukang kumain ng mas maliliit na portion ng pagkain, per
mas madalas (hanggang 6 na beses sa buong araw. Iwasan din ang kumain o magmeryenda ng malapit na
sa hatinggabi.
Ika-25 na linggo
Halos kasinlaki na ng isang basketball ang iyong tiyan. Ang sanggol ay nasa 13 pulgada na at nasa 1½ to 1¾
libra (pounds). Nagkakalaman at baby fats na ang iyong sanggol kaya’t hindi na kulubot ang kaniyang
balat.
Marami nang naghuhula kung ang baby ay babae o lalaki. May magsasabing babae kasi bilog na bilog ang
iyong tiyan, at lalaki dahil parang bilohaba. Babae daw ito kung mabilis ang tibok ng puso, at lalaki kung
mabagal. Ito ay pawang mga hinuha lamang kaya’t tanggapin lang ng parang biro at huwag masyadong
seryosohin. Kung gusto talagang malaman, ipa-ultrasound na lamang.
Panahon na rin kasi para mag-isip ng pangalan para sa sanggol na malapit nang ipanganak.
Ika-26 na linggo
Patapos na ang ikalawang trimester. Maaaring nasa 16 hanggang 22 libra (pounds) ang dadagdag sa
timbang ng ina sa mga susunod na linggo patungo sa kabuwanan nito. Si baby ay may habang 13.38
pulgada (34 cm) at may timbang na 2 libra (0.9 kg).
Tuluyang nabubuo ang pandinig ng sanggol kaya’t masarap pa rin itong kausapin dahil siya ay sumasagot
sa pamamagitan ng paggalaw o pagsipa.
Asahang may mga tests na gagawin ang iyong OB GYNE: blood screenings, antibody screen for Rh
negative (Rh Factor), Glucose tolerance test para ma-diagnose gestational diabetes, at iba pa.
Nirerekumenda ng FDA na kumain ng isda ang mga nagbubuntis, tulad ng salmon, tilapia, shrimp, tuna
(delata, hindi sushi, at hindi maalat), cod, at catfish. Huwag kumain ng shark, king mackerel, at swordfish.
3rd trimester
Ika-27 na linggo
Madalas na ang paggalaw ng iyong sanggol. Nakakaramdam ka ba ng parang kiliti sa loob ng tiyan?
Marahil ay sinok ito ni baby. Naibubukas-sara na rin niya ang mga mata at sinusubo ang kanyang daliri.
May timbang na halos 2 (libra) pounds, at parang kasinlaki na ng cauliflower ang iyong baby, at may
habang 14 1/2 pulgada.
Aktibo na ang utak ng iyong sanggol kaya’t kailangan ding maging aktibo ng nanay: magbasa, kumanta,
makipag-usap, paganahin ang utak para sabay kayong nag-iisip ni baby. Kung may nararamdamang kahit
anong sakit o kakaiba sa karaniwan, huwag mag-atubiliing kumunsulta sa OB GYNE.

Oras na rin para bumili ng car seat at ayusin ang magiging kuwarto ng munting sanggol.
Ika-28 na linggo
Planuhin na ang mga dapat gawin sa oras na magsimulang mag-labor. Mabuti na ang handa. Patuloy na
lumalaki ang bata sa sinapupunan at ang lahat ng kaniyang sistema ay naghahanda na sa paglabas.
Patuloy ang pagtubo ng kaniyang buhok.
Maaaring ipayo na ng doktor na pumunta sa klinika niya tuwing ikalawang linggo para masundan ang
iyong kabuwanan. Sa ika-36 na linggo, magiging linggo linggo na ang iyong appointment sa doktor. Handa
na kasing lumabas ang bata anumang oras sa panahong ito kaya’t alisto dapat.
Pagbubuntis: Bawat linggong paglaki ni baby sa 3rd Trimester
Ika-29 na linggo
Ang muscles at baga ng sanggol ay patuloy na nabubuo na. Ang kaniyang ulo naman ay lumalaki na rin ng
nararapat dahil ang kaniyang utak ay nagma-mature na din.
Siguraduhing kumakain ng high-fiber diet tulad ng prutas, gulay, cereals, whole grain na tinapay, prunes,
at bran. Patuloy ang pag-inom ng tubig sa buong araw. Mag-ehersisyo ng ayon sa payo ng doktor at ayon
sa kaya lamang ng katawan. Bawasan na ang iron supplements. Magpahinga ng madalas, lalo kung
nagtatrabaho pa.
Ika-30 na linggo
Dahil patuloy na lumalaki ang tiyan at pisikal na nararamdaman ang nalalapit na panganganak, maaaring
parang palagi kang may mood swings, pagod at pananakit sa ilang bahagi ng katawan, lalo ang likod at
mga joints.
Oras na para pag-usapan ang mga bagay tulad ng pain relief options sa panganganak, kung magpapasuso
ba ng eksklusibo o gagamit ng formula milk bilang alternatibo, at iba pang mahahalagang bagay.
Ang iyong sanggol ay halos 3 libra (pound) na at may habang 15.15 pulgada (38.5 cm) , at halos kasinlaki
ng isang cabbage. Halos buo na ang development ng mga mata ng sanggol. Na-aaninag na niya ang
maliwanag at madilim. Pagkapanganak ay nakapikit pa rin ang sanggol ngunit maididilat na niya ito
pagkalaunan.
Habang naghihintay sa panganganak, ayusin na ang kuwarto ni baby: ihanda na ang crib, baby monitor,
stroller, baby bag para sa ospital, at ilagay na ang car seat sa kotse.
Ika-31 na linggo
Mararanasan ang tinatawag na Braxton Hicks contraction. Pakiramdaman kung Braxton Hicks ito at hindi
simula ng labor. Ang Braxton Hicks ay maliliit na pananakit o contraction, na tumutulak sa uterine wall.
Minsa’y tinatawag itong “practice contractions”, dahil dito mo mapapraktis ang paghinga sa oras ng
totoong labor. Hindi ito gaanong masakit at hindi regular ang interval ng sakit, kaya’t mapapag-iba ito sa
labor contractions.
Madalas na sumisipa si baby sa gabi habang ikaw ay nakahiga at nagpapahinga na. Maaaring mayron ding
madilaw at malagkit na lulamabas sa iyong nipple. Ito ang colostrum o pre-milk, ang unang lumalabas na
gatas ng ina at sadyang mahalaga at puno ng nutrients para sa iyong sanggol. Hindi lahat ng ina ay
naglalabas ng colostrum habang buntis pa lamang.
Ang iyong baby ay patuloy na lumalaki. Siya ay 15 ½ pulgada at may timbang na 3 ½ hanggang 4 libra
(pounds).

Ika-32 na linggo
Inaasahang nagpapa-check-up ka na sa OB GYNE bawat ikalawang linggo mula ngayon, sa paghahanda sa
panganganak. Kadalasang makakaramdam ng heartburn at hirap sa paghinga dahil sa patuloy na paglaki
ng iyong uterus.
Maaaring nahihirapan ka din sa pagtulog. Subukan ang mag-iba-iba ng posisyon sa pagtulog, at humiga o
umupo ng nakataas ang 2 paa sa kabuuan ng araw sa gitna ng pagtatrabaho sa bahay o opisina. Maligo
nang hindi tatagal sa 30 minuto ng maligamgam na tubig. Patuloy ding uminom ng tubig para di ma-
dehydrate, o maligamgam na gatas.
Ang iyong baby ay lagpas na ng 16 pulgada ang haba at nasa 4 hanggang 4 ½ libra (pounds) ang timbang.
Ang kaniyang mga buto ay halos buo na rin, ngunit malambot pa.
Ika-33 na linggo
Makakaramdam na ng pagtulo ng amniotic fluid mula sa puwerta paminsan-minsan. Hirap ka na sa
paglakad, pag-upo, pagtulog dahil ang laki na ng iyong dinadala.
Magbasa at magtanong-tanong tungkol sa pagputok ng tubig bilang paghahanda sa nalalapit na
panganganak. Kung may maramdamang tumutulo mula sa puwerta na walang amoy at parang tubig,
tawagan agad ang iyong doktor o pumunta na sas ospital. Kung ito naman ay kulay berde at may amoy,
maaaring impeksiyon ito. Ikunsulta agad sa iyong doktor.
Ang iyong sanggol ay 16 ½ pulgada na ang haba at may timbang na 4 ½ to 5 libra (pounds). Wala na ang
kulubot ng balat ni baby dahil napupuno na ng laman ang kaniyang katawan. Ang buto niya ay buo na at
tumitigas na maliban sa kaniyang ulo.
Magtanong sa iyong OB-Gyne tungkol sa posibleng episiotomy, o paggupit at pagtahi ng iyong puwerta sa
paglabas ng sanggol. Marami pa ring doktor ang nakikitang hind kailangan ng episiotomy hangga’t maaari.
Huwag din mahiyang magtanong sa iyong doktor kung ligtas pang makipagtalik sa iyong kasalukuyang
kalagayan.
Ika-34 na linggo
Tuluyan nang buo at inaasahang malusog ang baga ng iyong sanggol. Makakaramdam ng pagod at
madalas na pagkahilo kaya’t siguraduhing nagpapahinga paminsan-minsan. Halos lagpas na ng 17 pulgada
at may timbang na 5 hanggang 5 ½ libra (pounds) ang iyong sanggol.
Handa na ang iyong sanggol sa paglabas kahit wala pang kabuwanan, kaya’t walang dapat ipag-alala kung
nakakaramdam ng sintomas ng labor. Alamin ang mga hudyat ng labor dito.
Ika-35 na linggo
Mahalagang pakiramdaman ang pagsipa ng sanggol sa iyong tiyan. Hindi na masyadong gumagalaw ang
sanggol dahil malaki na ito at sakto na sa iyong sinapupunan, pero may mga maliliit na paggalaw pa din.
Magpraktis ng paghinga sa tuwing may mararamdamang sakit o contraction, kahit maliit lang.
Halos buo na ang paglaki ng iyong baby, na ngayon ay halos 18 pulgada na at may timbang na 5 ½ to 6
libra (pounds). Panigurado ay linggo linggo na ang pagpunta mo sa OB-gyne, dahil minomonitor na niya
ang iyong nagbabadyang panganganak. Orasan ang bawat pagsipa o pag-ikot at paggalaw ng iyong baby.
May pediatrician ka na ba? Kumpleto na ba ang papeles para sa panganganak? May pangalan na ba si
baby? Ihanda na ang lahat.

Pagbubuntis: Bawat linggong paglaki ni baby sa 3rd Trimester


Ika-36 na linggo
Halos isang buwan na lang at manganganak ka na. Naka-impake na ba ang iyong baby bag para sa ospital?
Ilagay na sa kotse o sa lugar na malapit sa pintuan. Ang iyong sanggol ay bumibigat ng halos 1 ounce sa
bawat araw ngayon kaya’t bumibigat na ito. Paniguradong hirap ka nang maglakad at sumasakit na rin
ang puwerta dahil tumutulak na ng unti-unti ang bata pababa.
Patuloy na mararamdaman ang Braxton Hicks contractions, ngunit huwag mag-alala. Kumunsulta sa
doktor kung ang sakit ay hindi makayanan. Ang sanggol ay inaadahang nasa ibaba ang ulo, nakatutok sa
puwerta. Kung hindi, ito ay tinatawag na breech presentation, na maaaring itama ng OB-Gyne.
Ika-37 na linggo
Nagsisimula nang bumuka ang iyong cervix sa paghahanda sa nalalapit na labor. Halos 18 pulgada na ang
haba ng bata at may timbang na 6 hanggang 7 libra (pounds). Kung breech ang posisyon ng sanggol,
ikunsulta ito sa iyong OB GYNE para magawan ng paraan, natural man o medikal.
Walang ibang mahalaga ngayon kundi maghintay. Mag-isip ng mga bagay na maaaring gawin: ihanda ang
bahay lalo na ang kuwarto ni baby, mag-relax at magbasa ng libro o makinig sa musikang hilig, kumain ng
prutas at gulay, isda, karne, uminom ng tubig at gatas. Ihanda ang camera at mga memory card, at baby
announcement cards para sa araw ng pinakahihintay.
Ika-38 na linggo
Handang handa na si baby sa paglabas anumang oras. Maaaring nasa 17 hanggang 20 pulgada ang haba at
6 ¼ hanggang 7 ½ libra (pounds) ang timbang ng iyong sanggol. Patuloy siyang lumalaki at lahat ng
kaniyang internal organs ay buo na at inaasahang gumagana ng maayos.
Nakaisip na ba ng pangalan? May makakasama ka na ba sa ospital? Naibilin mo na ba lahat sa mga
malalapit sa iyo ang lahat ng kailangang ibilin? May maiiwan ba sa bahay kapag nasa ospital ka na? Ano
ang dapat asikasuhin sa bahay na nais mong ibilin?
Kumakain ka ba ng sapat? Pakiramdaman ang sarili at orasan ang mga contractions.
Ika-39 na linggo
Ang pagputok ng iyong panubigan ang hinihintay sa puntong ito. Palaging ihanda ang cellphone sa tabi mo
para matawagan ang asawa, doktor o ambulansiya sakaling magsimula ang labor.
Huwag kabahan, huwag mag-panic. Mag-relaks at mag-isip ng masasayang bagay. Huwag mag-atubiling
kumain ng mga pagkaing gusto mo, basta’t hindi maanghang o maalat, o masyadong matamis.
Ayusin ang mga damit at iba pang gamit ni baby.
Ika-40 ng linggo
Kung umabot ka sa ika-9 na buwan, handang handa ka na! Ang iyong baby ay kasinlaki na ng isang hinog
na kalabasa. Kung ito ang unang pagbubuntis, asahang minsan ay mas maaga ng 2 linggo o lagpas sa 40
linggo ang paglabas ng anak.
Kung ikaw ay nagle-labor na, mararamdaman ang pagputok ng panubigan at pagtulak ng ulo ni baby sa
iyong puwerta. Masakit at mas madalas na ang contractions. Oras na para pumunta sa ospital bitbit ang
baby bag.

Huwag kabahan. Mag-relaks at gawin ang breathing technique na pinag-aralan sa birthing class. Ang
sanggol ay nasa 19 hanggang 21 pulgada ang haba at may timbang na 6 ¾ hanggang 10 libra (pounds).
Alamin kung ano ang APGAR test. Ito ang unang pagsusulit ng iyong sanggol. Tinitingnan nito ang
kabuuang kalusugan ng isang bagong panganak na sanggol sa unang 5 minuto ng buhay.
Ano pa ang gagawin? Hawakan ang iyong sanggol at ibuhos na ang lubos na pagmamahal sa kaniya.
Simula na ng masayang buhay ng iyong pamilya!

You might also like