You are on page 1of 1

Isa sa mga pangunahing sangkap ng Musika ay ang Rhythm.

Ito ay tumutukoy sa galaw ng katawan


bilang pagtugon sa tunog na naririnig. Ang tibok ng ating puso o pulso ay may kinalaman sa paraan ng
pagsasagawa ng mga kilos na makapagpapakita ng daloy ng rhythm. Ang isang rhythmic pattern ay
binubuo ng mga tunog na naririnig at di naririnig ayon sa kumpas o time –meter nito. Mayroon tayong
pangunahing batayan ng kilos na nagtataglay ng koordinasyon ng ating mga paa, kamay, at katawan
gaya ng paglakad, paglukso, pagpalakpak, pagmartsa, at pagtakbo.

Paano mo madarama ang tibok ng iyong puso? Subukan mong damahin ang iyong pulso sa leeg. Itapik
mo sa iyong hita ang daloy ng iyong pulso. Pareho ba ito o nag-iiba? Ano kaya ang mangyayari kung
paiba-iba ang daloy ng iyong pulso? Ang beat sa musika ay ang pulso na nadarama natin sa musika. Ito
ay maaaring bumagal o bumilis subalit ang haba ng bawat pulso ay laging pareho. Ito ang tinatawag
nating steady beat.

―Napansin ba ninyo ang bawat maikling linya ay kumakatawan sa isang kumpas?” Ang mahabang linya
naman ay kumakatawan sa bar lines. Sa pagitan ng dalawang bar lines ay ang tinatawag nating
measure.

Ang isang awit o tugtugin ay binubuo ng mga tunog na maaaring mataas o mababa na tinatawag na
pitch

Ang paisa-isang daloy ng magkakasunod na tunog ay lumilikha ng himig o melody

Ang awit ay binubuo ng iba‘t ibang nota o tunog na maaaring mataas, mas mataas, mababa, at mas
mababa at ito ay tinatawag na pitch.

Isa sa mahalagang sangkap ng musika ay ang form o anyo. Makikita ito sa pagkakapareho at pagkakaiba
ng bawat parirala o bahagi ng awit. Sa yunit na ito ay magkakaroon ng mga paghahambing sa mga
parirala o bahagi ng awit. Saan ba ito magkatulad at magkaiba? Sa melody ba o sa rhythm?

Bahagi ng Form o anyo ng awitin ang pag-uulit. May pagkakataon na nag-uulit tayo subalit hindi na
kailangan sulating muli ang awit sa halip ay nilalagyan lamang ito ng panandang pag-uulit. Sa modyul na
ito ay malalaman mo kung anong pananda ang ginagamit na pang-ulit.

You might also like