You are on page 1of 2

Name : _____________________________________________ Score:________________________

Grade Level: _________________________________ Date: ________________________


MAKABAYAN

A. Bilugan ang titik ng tamang sagot

1. Saan matatagpuan ang pulo ng Boracay?


a. Palawan b. Zamboanga c. Samar d. Aklan
2. Ano ang pinakamahalagang ilog na matatagpuan sa National Capital Region?
a. Ilog Cagayan b. Ilog Angat c. Ilog Pasig d. Rio Grande de
Mindanao
3. Anong tulay ang nag-uugnay sa Samar at Leyte?
a. Tulay ng San Juanico b. Tulay Jones c. Tulay Ayala d. Tulay ng Butuan
4. ALin ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas?
a. Bundok Apo b. Bundok Makiling c. Bundok Pulag d. Bundok Diwata
5. Anong kilalang talon ang malimit puntahan ng mga mamamayansa bayan ng Antipolo?
a. Talon ng Pagsanjan b. Talon ng Maria Cristina c. Hinulugang Taktak d. Talon ng Lapuyan
6. Anong uri ng panahon ang nagdudulot ng napakahabang tag-init?
a. Amihan b. La Niña c. Habagat d. El Niño
7. Saan matatagpuan ang kakibang mga isdang tawilis at maliputo?
a. Lawa ng Lanao b. Lawa ng Laguna c. Lawa ng Taal d. Lawa ng Caliraya
8. Anong uri ng hangin ang nagdudulot ng malamig at kaaya-ayang simoy ng hangin?
a. Habagat b. Amihan c. Hilaga d. Bagyo
9. Saan matatagpuan ang Bulkang Mayon?
a. Albay b. Batangas c. Cavite d. Davao
10. Aling bansa ang kasinlaki ng Pilipinas?
a. Cambodia b. Italya c. Cuba d. Gran Britanya
11. Saan matatagpuan ang Talon ng Maria Cristina?
a. Lanao del Norte b. Lanao del Sur c. Maguindanao d. Bukidnon
12. Anong uri ng pahanon ang nagdudulot ng mahabang tag-ulan at malalakas na bagyo?
a. El Niño b. La Niña c. Habagat d. Amihan
13. Alin ang pinakamataas na bundok sa pulo ng Luzon?
a. Bundok Apo b. Bundok Pulag c. Bundok Pinatubo d. Bundok Arayat
14. Alin ang pinakamahabang ilog sa ating bansa?
a. Rio Grande de Mindanao b. Ilog Pasig c. Ilog Angat d. Ilog Cagayan
15. Aling lugar ang binansagang “Rice Grany of the Philippines?”
a. National Capital Region b. Gitnang Luzon c. Cordillera d. Lambak Compostella
16. Anong bansa ang nasa hilaga ng Pilipinas?
a. Malaysia b. Thailand c. Hapon d. Vietnam
17. Alin ang pinakamalaking lawa sa Pilipinas?
a. Lawa ng Lanao b. Lawa ng Bulusan c. Lawa ng Taal d. Lawa ng Laguna
18. Saan matatagpuan ang pinakamahalagang daungan sa Pilipinas?
a. Golpo ng Davao b. Look ng Maynila c. Golpo ng Albay d. Look ng Subic
19. Saan matatagpuan ang Chocolate Hills?
a. Laguna b. Bohol c. Palawan d. Cotobato
20. Anong uri ng hangin ang nagdudulot ng malakas na pag-ulan at maraming bagyo?
a. Amihan b. Habagat c. Hilaga d. El Niño
B. Isulat sa linya kung saan matatagpuan ang sumusunod na mga tanawin o magagandang lugar sa
ating bansa.
1. Monumento ni Jose Rizal ___________________________
2. Chocolate Hills ____________________________________
3. Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue __________________
4. Hinulugang Taktak __________________________________
5. Talon ng Maria Cristina ______________________________
6. Dambana ng Kagitingan ______________________________
7. Magellan’s Cross ________________________________________
8. Bulkang Taal ____________________________________________
9. Philippine Eagle Center ___________________________________
10. Bulkang MAyon__________________________________________

You might also like