You are on page 1of 7

My Idol

Marie Curie was a Polish-born physicist and chemist and one of the most famous
scientists of her time. Together with her husband Pierre, she was awarded the Nobel
Prize in 1903, and she went on to win another in 1911.

Marie Sklodowska was born in Warsaw on 7 November 1867, the daughter of a teacher.
In 1891, she went to Paris to study physics and mathematics at the Sorbonne where she
met Pierre Curie, professor of the School of Physics. They were married in 1895.

The Curies worked together investigating radioactivity, building on the work of the
German physicist Roentgen and the French physicist Becquerel. In July 1898, the Curies
announced the discovery of a new chemical element, polonium. At the end of the year,
they announced the discovery of another, radium. The Curies, along with Becquerel, were
awarded the Nobel Prize for Physics in 1903.

Pierre's life was cut short in 1906 when he was knocked down and killed by a carriage.
Marie took over his teaching post, becoming the first woman to teach at the Sorbonne,
and devoted herself to continuing the work that they had begun together. She received a
second Nobel Prize, for Chemistry, in 1911.

The Curie's research was crucial in the development of x-rays in surgery. During World
War One Curie helped to equip ambulances with x-ray equipment, which she herself
drove to the front lines. The International Red Cross made her head of its radiological
service and she held training courses for medical orderlies and doctors in the new
techniques.

Despite her success, Marie continued to face great opposition from male scientists in
France, and she never received significant financial benefits from her work. By the late
1920s her health was beginning to deteriorate. She died on 4 July 1934 from leukemia,
caused by exposure to high-energy radiation from her research. The Curies' eldest
daughter Irene was herself a scientist and winner of the Nobel Prize for Chemistry.
Marie Curies Hardships

Health and financial concerns weren’t the only problems to plague the curies as
Marie wound up her thesis research. Hardships would soon follow her once again with
her husband dying in an accident. Pierre’s life ended tragically on April 19,1906,when he
slipped and fell in the street.

Overcoming her hardships

Marie Currie discovered two new chemical elements radium and polonium. She
carried out the first research into the treatment with radiation, and she founded of the
Curie Institute, which are, important medical research contents. She is the only person
who won the noble prize in physics and chemistry.

Marie’s contributions in science

Marie was a physicist and chemist and the pioneer in the study of radiations.

I chose Marie because she is very hard working even though women are not
allowed to go to school her and her sister sneaked every night just to learn something
from school. And because of her work she always forget to eat and mostly faints but
she still work just to cure her patients.
Tulalang

Isang araw ay nasa gubat si Tulalang at nangunguha ng ubod ng rattan na kanilang


pagkain. Nakakita siya ng isang matanda na naaawa pala sa kanilang magkakapatid.
Lumapit sa kaniya ang matanda at ang wika: Huwag kang mag-alala sa inyong
pagkain, Tulalang. Simula ngayon ay hindi na kayo magugutom. Anuman ang naisin
ninyo ay mapapasainyo. Simula noon, ang magkakapatid ay nanagana sa pagkain.
Sa kabila ng kanilang kasaganaan ay nanatili pa rin silang masisipag. Umunlad ang
kanilang kabuhayan at ito ay nabantog sa buong kapuluan. Maraming mga tao sa
iba’t ibang tribu ang nagtungo sa kanilang tahanan upang pumailalim sa kanilang
kapangyarihan.Pagkalipas ng maraming taon, ipinasya ng magkakapatid na
manirahan sa torohan o palasyo. Ang palasyo ay napakalawak at ang trono ay
napapalamutian ng mga ginto, pilak at iba pang mamahaling bato. Walang tigil ang
mga alipin sa pagtugtog ng magagandang musika, kaya ang mga naninirahan sa
paligid ng palasyo ay naaaliw rin.

Si Tulalang ay isang binatang matangkad, payat, may maitim na mga ngipin at


mahabang buhok. Siya ay may sinturong isang damak lamang ngunit naipupulupot
niya ng pitong ulit sa kanyang baywang. Puting-puti ang kanyang damit na may
mahabang manggas at ang pantalon niya ay hanggang tuhod lamang. Ang kanyang
mga daliri ay nagkikislapan sa mga gintong singsing. May balaraw sa baywang at
may pulang turban sa ulo na ginagamit sa paligid. Siya ay laging nakayapak lamang.
Ang magkakapatid ay may kani-kaniyang silid sa palasyo maliban sa kaisa-isang
kapatid na babae na inilagay sa pinakamalalim na bahagi ng pitong patong
na basket na nakabitin sa loob ng silid ni Tulalang. Siya ay hiyas ng magkakapatid na
dapat ingatan. Ngunit ang dalaga ay may kapangyarihang mag-anyong iba’t-ibang
hugis na naisin niya. Siya ay gadaliri lamang habang nasa loob ng basket. Siya ay
nananatili sa loob ng basket kung wala siyang ginagawa.
Ang kapatid nilang babae ay nagtatanim ng mahiwagang rosas tuwing umaga at bago
tumanghali ay namumulaklak ito. Kapag nalanta agad ang mga bulaklak na rosas ay
nagbabalang may darating na kaaway sa kanilang kaharian. Isang araw ay biglang
nalanta ang bulaklak na rosas. Dumating si Agio at sinalakay ang Kulaman, ang
kanilang kaharian. Hindi man lamang nabahala o natakot si Tulalang at ipinagpatuloy
ang kanyang ginagawa.
Hinamon ng mayabang na heneral si Tulalang. Isa sa kanyang mga singsing ang
nagsalita at pinayuhang labanan ang kaaway. Inalis niya sa daliri ang singsing at
inutusan ito na labanan ang mga kaaway. Sa isang iglap ay naging sundalo ang
singsing. Lumaban ito at maraming napatay na mga kaaway, Nakita ito ni Agio at
ibinunyag niya na ang sundalo ay isa lamang singsing. Kaagad nilang pinaghahampas
ng sibat ang sundalo kaya huminto ito at naging singsing na muli.

Muling hinamon ng mayabang na heneral si Tulalang. Inutusan ni Tulalang ang


kanyang balaraw na makipaglaban. Ito ay naging sundalo at muli na namang
pumuksa ng mga kaaway. Ibinunyag na naman ni Agio na ang sundalo ay isang
balaraw lamang. Hinawakan niya sa leeg ang balaraw na naging sundalo, at ito ay
bumalik sa dating anyo, ang leeg ang naging hawakan ng balaraw.Sa pangatlong
hamon ay si Tulalang na ang lumaban. Marami siyang napatay na mga tauhan ni
Agio. Nang siya ay napagod ay umakyat siya sa palasyo at nagpahinga. Hinalinhan
naman siya ng kapatid niyang si Mangampitan. Sa kanyang kamay naman namatay
ang kalahati ng mga kalabang natitira. Siya ay napagod din at nagpahinga sa palasyo
kaya siya ay hinalinhan naman ng pinakabunso sa magkakapatid, si Minalisin.
Nangamatay ng lahat ang mga kalaban maliban kay Agio. Naglaban naman sina
Agio at Minalisin. Tinamaan ng sibat si Agio. Nagbalik sa dating anyo si Agio na
kanina ay nag-anyong pulubi bago maglabanan. Siya ay naging isang makisig na
binata. Nagpatuloy sila sa paglalaban hanggang sa mapagod. Nakita pala sila ng
kapatid na babae ni Tulalang sa mahiwagang langis na nagpatulog sa kanila.
Nalaman nila pagkagising na sila palang dalawa ay magpinsan.

Kung araw ay natutulog si Tulalang sa ilalim ng isang punungkahoy. Isang uwak na


nakadapo sa sanga ang dumumi sa kanyang mukha. Nagising siya at ipinagbigay-
alam sa kanya ng uwak na may darating na isang napakalaking higanteng kumakain
na tao. Sinabi rin sa kanya kung paano ito matatagpuan.

Agad-agad ay nagtungo siya sa kagubatan at dito ay nakakita siya ng isang kubong


may nainirahang matandang babae. Sinabi sa kanya ng matanda ang tungkol sa
higante at sa magandang dilag na bihag nito.
Tinungo niya agad ang tahanan ng higante na sinabi sa kanya ng matandang babae.
Ang bahay ng higante ay napakataas kaya maraming punong saging na tumubo sa
ilalim nito. Natutulog ang higante at nakakulong ang dalaga sa hawla nang siya’y
dumating. Nagising ang higante. Sino ang nariyan? ang sigaw ng higante. Nakaamoy
ako ng baboy, tamang-tama sa aking pananghalian. Hindi ako baboy, ang sagot
ni Tulalang. Ako ay taong kagaya mo. Kinuha ng higante ang panggarote at ang
dalawa ay naglaban. Nagawang putulin ni Tulalang ang dalawang kamay, dalawang
paa at ulo ng higante.
Inilabas ni Tulalang ang babae mula sa hawla. Napag-alaman ng binata na ang
pangalan ng magandang babae ay Macaranga at ang pook na pinanggalingan niya ay
Macarangga rin ang pangalan. Naakit siya sa dalaga kaya niyaya niya itong pakasal.
Tumanggi ang dalaga. Dahil pagod, si Tulalang ay nakatulog. Nalimutan tuloy niya
ang iniluluhog na pag-ibig sa dalaga. Nang magising siya ay wala na ang dalaga,
ngunit isang suklay ang sadyang iniwan nito at nakuha naman ng binata. Kaagad
siyang nanaog sa tahanan ng higante at sumakay sa kanyang musala. Nagtanong
siya sa pitong babaeng nanahi na natagpuan niya. Tinungo niya ang itinuro ng mga
ito. Napag-alaman niya na si Macaranga ay nagtungo sa Kulog. Tinungo niya kaagad
ang Kulog, ngunit ang babae raw ay nagtungo sa Kidlat. Ngunit ito raw ay nasalangit
nang puntahan niya. Nagtungo siya sa langit at dito ay nakita niyang naliligo sa ilog
ang dalaga. Binanggit niyang muli ang kanyang pag-ibig ngunit hiniling ng dalaga na
bayaan muna raw siyang makauwi sa kalangitan.
Nakauwi ang dalaga sa kanyang palasyo at napag-alaman niya na ang
ama pala niyang hari ay namatay na. Sa gayon, ang kanilang kaharian ay
nangangailangan ng hari. Pumayag siyang pakasal kay Tulalang. Umuwi muna si
Tulalang sa kanilang kaharian bago pakasal. Pagdating sa kaharian ay napag-alaman
niya na sinalakay na muli ang Kulaman upang kunin ang kanyang kapatid na babae.
Iniligtas muna niya ang kanyang kapatid hanggang sa makalimutan niya ang
pangako kay Macaranga.
Minsang wala si Tulalang sa kaharian ay muling sumalakay ang mga kaaway.
Ang hari ng mga Bagyo ang pinuno ng mga kaaway. Siya ang pinakamalakas na
kaaway ni Tulalang sapagkat hindi siya nakikita. Nagapi ng kaaway ang dalawang
kapatid na lalaki ni Tulalang, at ang babae naman ay dinala sa kaharian nito. Nang
tumangging pakasal ang babae sa haring mga Bagyo ay nilaslas ang kamay niya.
Nang malaman ito ni Tulalang ay madali siyang sumakay sa musala at tinungo ang
kuweba ng hari ng mga Bagyo. Nag-anyo siyang sibat at pumasok sa kuweba ngunit
ang hangin ay wala na roon. Gumawa siya ng paraan upang makapasok sa kaharian.
Nagbalatkayo naman siyang isang bata at sa isang paraan ay nakapasok sa palasyo
at naging alila. Siya ay nadistino sa kusina. Minsan ay nakasalubong niya ang
kanyang kapatid na babae.
Isang gabi ay itinakas niya ang kanyang kapatid. Naghinala ang hari na ang batang
alipin ay si Tulalang, kaya ipinasya niyang lusubing muli ang Kulaman. Bago umalis
ang hari ng mga Bagyo at ang mga tauhan nito ay hiniling muna ng hari na
huminga sila sa isang bote at takpang mahigpit at ibitin sa loob ng palasyo.
Nang maglaban na ang dalawang pangkat ay napansin ni Tulalang na kapag may
napapatay silang kaaway ay napapalitan kaagad ng dalawa mula sa dugo nito.
Lalong dumarami ang kaaway habang marami silang napapatay. Tinungo niya
kaagad ang kaharian ng mga Bagyo. Gumawa siyang muli ng paraan upang makuha
ang boteng pinag-iwanan ng kaluluwa ng hari at mga kawal nito.

Kinabukasan, sa harap ng mga kaaway ay tumayo siya sa beranda ng palasyo at


binalaan ang hari at mga kawal nito. Kung hindi kayo susuko ay babasagin ko ang
boteng ito upang mangamatay ang inyong kaluluwa. Napilitang sumuko ang Hari at
mga kawal nito at napaalipin kay Tulalang.
Isang araw, ipinabatid ni Tulalang sa kanyang nasasakupan na ang sarimbar na galing
sa langit ay darating na upang silang lahat ay kunin. Hiniling niya sa mga tao na
manalangin sa loob ng apat na buwan upang pagdating sa langit ay
magiging Katolosan o Kaluluwa, (immortal beings) maging ang apat na magkakapatid.
Pagkatapos ng apat na buwang panalangin, ay biglang may humihip na malakas
na hangin. Nagdala ito ng balita kay Tulalang na isang malaking baboy ramo ang
manggagaling sa Silangan upang silain ang mga tao sa Kulaman at isang higante ang
haharang sa sarimbar pagbabalik sa langit. Dahil sa taglay na lakas ni Tulalang ay
napatay niya ang baboy ramo at higante.

Katanghaliang tapat ay bumaba na ang sarimbar sa nakasabit sa kadenang ginto. Ito


ay hugis bangka ngunit yari sa bato. Isa-isang sumakay ang mga tao upang iakyat sa
langit. Isa pang higante ang nagtangkang pumutol ng kadena ng sarimbar ngunit
napatay rin siya ni Tulalang. Ang mga kapatid ni Tulalang at ang mga mamamayan
ay naging maligaya sa kalangitan at nagtamo ng buhay na walang hanggan.
Research
Output 1.1

Date: June 27, 2019

Parents Signature: ___________

Luke Martin B. Tedranes

You might also like