You are on page 1of 10

Aklat ng Paglikhâ

Unang Bahagi
1. Itinatag
ng Banal na lakas ang Kaniyang pamamahala,
kapangyarihan, kawalang-hanggan at pagkaka-isa sa
pamamagitan ng tatlumpo’t dalawang lihim na mga daan
ng bumababang Lalong Mataas na liwanag at itinago ang
Kaniyang sarili sa tatlong mga categoría: ang aklat, ang
mananalaysay, at ang cuento.

2.  Sampung Sefirot  ng pagkatago ng Banal na lakas na


lumantad sa dalawampu’t dalawang pangunahing
katangian: Tatlong pinagmulang lakas, pitong doble at
labing-dalawang simpleng lakas.

3. Sampung Sefirot  ng pagkatago tumugma sa sampung


daliri: Lima laban sa lima, sila’y kumilos ng sabay-sabay,
gaya ng pagsasamang namamagitan sa kanilang mga
pagkilos, sa pamamagitan ng lakas-salitâ ng pagbubunyag
at ng lakas-salitâ ng pagkatago.

4. Sampung Sefirot  ng pagkatago: Sampu at hindi siyam,


sampu at hindi labing-isa. Unawain ito sa pamamagitan ng
pagkamit ng lalong mataas na kaalaman at maging
matalino sa pang-uunawa. Suriin at siyasatin sila,
pagsanibin at buurin sila, ibalik ang mga bahaging
pinagtanggal-tanggal sa kanilang lugar sa Kabanalan.

5.  Sampung Sefirot  ng pagkatago: Wala silang simula at


walang wakas. Ang kanilang kabutihan at kasamaan ay
walang hangganan. Ang kanilang kadakilaan at
kababaang-loob ay walang hangganan, pero isang Banal na
lakas na namamahalang walang hanggan sa lahat ng mga
katangiang ito buhat sa itaas.

2
6. Sampung Sefirot ng pagkatago: Ang kanilang paningin
ay parang kidlat. Walang dilang maaaring maglarawan sa
kanila ng lubusan, kundi sila’y kailangang pag-uusapan ng
paulit-ulit. Saliksikin ang Banal na lakas sa pamamagitan
nila sa paraang tunay na pagsusuri ng iyong pananalita.

7. Sampung Sefirot ng pagkatago: Sila’y nakatalukbong at


kumukislap. Ang kanilang wakas ay nakabaon sa kanilang
simula, at ang simula sa kanilang wakas, tulad ng ningas
sa nagbabagang uling. Ang kanilang Panginoon ay isang
Banal na lakas at wala ng iba. Maaari lang Siyang ilarawan
sa pamamagitan ng Kaniyang mga kilos.

8. Sampung Sefirot ng pagkakatago: Rendahan ang iyong


bibig sa pagsasalitâ at ang iyong puso sa pag-iisip. Kung
ang iyong mga labi ay nagnanais magsalitâ, at kung ang
iyong puso ay nanabik sa pag-isip, pumunta ka sa iyong
mga pandama, dahil ang Banal na lakas ay hindi maaring
matamo.

9. Sampung Sefirot  ng pagkatago: Itinago nila ang


Kabanalan na namamahala ng mga buhay ng mga
mabababâ sa pamamagitan ng lakas, liwanag, kaalaman at
batas.

10. Dalawang mga lakas na nanggaling sa isa at nagbuo ng


dalawampu’t dalawang pangunahing mga katangian:
Tatlong pinagmulang mga katangian, pitong doble at
labing-dalawang mga simpleng lakas. Silang lahat ay puno
ng parehong liwanag.

Ikalawang Bahagi
1.  Dalawang mga lakas ang nanggaling sa isa at nagbuo
ng dalawampu’t dalawang pangunahing mga katangian:
Tatlong pinagmulang mga katangian, pitong doble at
labing-dalawang mga simpleng lakas. Ang kanilang
pundasyon ay ang kawali ng halaga at ang kawali ng
pananagutan, at ang dila ng kautusan ang nagpasiya sa
pagitan nila.

3
2.  Dalawampu’t dalawang pangunahing mga katangian:
Ang Banal na batas ang nag-ukit nila, naglilok nila at
pinag-iba ang ayos ng lahat na nabuo na at ng lahat na
bubuuhin kasama nila sa kinabukasan.

3.  Dalawampu’t dalawang mga pangunahing katangian:


Ang Banal na batas ang nag-ukit nila sa tinig, naglilok nila
sa hininga at naglagay nila sa bibig sa limang mga lugar:
ang lalamunan, ngala-ngala, dila, ngipin at mga labi.

4.  Dalawampu’t dalawang mga pangunahing katangian:


Ang Banal na batas ang naglagay sa kanila sa bilog gaya ng
231 mga Pinto, walang pagsasa-alang-alang kung saan
magsimula at saan magpunta.

5.  Ang pagsasama-sama ng bawa’t isa ng dalawampu’t


dalawang mga katangian sa iba, at timbangin ang bawa ’t
isang combinación, ay naka-likhâ ng 231 mga Pinto at ang
bawa’t Pinto ay nakatanggap ng sariling pangalan nito.

6. Ang katotohanan ay nabuo buhat sa wala at ang


walang pag-iiral ay ginawang umiiral. Ang bawa’t
katawan ay binuo ng dalawampu’t dalawang mga
katangian.

Ikatlong Bahagi
1.  Tatlong pinagmulang mga lakas: Ang kanilang
 fundación ay ang kawali ng pananagutan, kawali ng halaga,
at ang dila ng kautusan ang nagpasiya sa pagitan nila.

2.  Tatlong pinagmulang mga lakas: Sila ay maingat na


itinago sa anim na mga katangian. Hangin, tubig at apoy
ay nanggaling sa kanila; ang mga pinagmulan ng mga
 generación ay nagmula sa kanila.

3.  Tatlong pinagmulang mga lakas na inukit, nililok,


tinimbang, ibinago ang ayos at binuo ang ibang tatlong
pinagmulang mga lakas: tatlo sa taon, tatlo sa kaluluwa,
lalaki at babae.

4
4. Tatlongpinagmulang mga lakas ang umiiral sa mundo:
Hangin, tubig at apoy. Ang kalangitan ay nilikhâ mula sa
apoy, ang kalupaan ay nilikhâ mula sa tubig, at ang hangin
ay gumala sa kanilang pagitan.

5.  Tatlongpinagmulang mga lakas ng taon ay ang init,


lamig at tiwasay. Ang init ay nilikhâ mula sa apoy. Ang
lamig ay nilikhâ mula sa tubig at ang tiwasay ay nilkhâ
mula sa hangin na gumala sa kanilang pagitan.

6. Tatlongpinagmulang mga lakas ng kaluluwa, lalaki at


babae: ang ulo, ang tiyan at ang katawan. Ang ulo ay
nilikhâ mula sa apoy, ang tiyan ay nilikhâ mula sa tubig at
ang katawan ay nilikhâ mula sa hangin na gumala sa
kanilang pagitan.

7.  Ang una sa dalawampu’t dalawang mga lakas ay


inilagay sa hangin, at pinagsama sa Keter . Pinagdugtong
niya ang isa sa iba at binuo ang hangin sa mundo, tiwasay
sa taon, katawan sa kaluluwa, ang lalaki at ang babae.

Ika-apat na Bahagi
1.  Pitong
doble: Ang kaanyuan ng malambot at matigas,
ang kaanyuan ng malakas at mahina.

Pitong doble: Ang kanilang  fundación  ay kaalaman,


2. 
kayamanan, binhi, buhay, paghahari, kapayapaan at
kagandahan.

3. Pitong doble sa transposisyon: Ang transposición ng


kaalaman ay kamangmangan, ang transposición ng
kayamanan ay karalitaan, ang transposición  ng binhi ay
kapanglawan, ang transposición  ng buhay ay kamatayan,
ang transposición  ng paghahari ay pagkalupig, ang
transposición ng kapayapaan ay digmaan, ang transposición
ng kagandahan ay kapangitan.

4. Pitong doble: Itaas at ibaba, silangan at kanluran, hilaga


at timog. Ang Central  na Silid ng Templo ay tumpak na
nasa gitna at nagtaguyod nilang lahat.

5
5.  Pitong doble: Pito at hindi anim, pito at hindi walo.
Suriin sila at siyasatin sila. Ilagay ang bawa ’t isa nila sa
kanilang lugar, at ibalik ang Lumikhâ sa Kaniyang lugar.

6.  Pitongdobleng inukit, nililok, tinimbang, ibinago ang


ayos at binuo ang pitong mga bituin ng mundo, pitong
araw ng taon, at pitong mga pinto ng kaluluwa, lalaki at
babae.

7. Pitong mga bituin sa kalangitan ay ang Saturno,  Júpiter ,


 Marte, ang Araw, Venus,  Mercurio  at ang Buwan. Ang
linggo ay may pitong araw. Ang kaluluwa, lalaki at babae,
ay may pitong mga pinto: Dalawang mga mata, dalawang
tainga, dalawang butas ng ilong at ang bibig.

8.  Ginawa Niya ang pangalawang palatandaan sa


kaalaman, at pinag-isa ito sa Keter . Pinagsama Niya ang isa
sa iba pa at kasama sila nilikhâ Niya, ang Buwan ng
mundo, ang unang araw ng taon, ang kanang mata ng
kaluluwa, lalaki at babae.

9.  Ginawa Niya ang pangatlong palatandaan sa


kayamanan at pinag-isa ito sa Keter . Pinagsama Niya ang
isa sa iba pa at kasama sila nilikhâ Niya, ang  Marte ng
mundo, ang pangalawang araw ng taon, ang kanang
tainga ng kaluluwa, lalaki at babae.

10. Ginawa Niya ang pang-apat na palatandaan sa binhi, at


pinag-isa ito sa Keter . Pinagsama Niya ang isa sa iba pa at
kasama sila nilikhâ Niya, ang Araw ng mundo, ang
pangatlong araw ng taon, ang kanang butas ng ilong ng
kaluluwa, lalaki at babae.

11. Ginawa Niya ang panglabing-isang palatandaan sa


buhay, at pinag-isa ito sa Keter . Pinagsama Niya ang isa sa
iba pa at kasama sila nilikhâ Niya, ang Venus  ng mundo,
ang pang-apat na araw ng taon, ang kaliwang mata ng
kaluluwa, lalaki at babae.

6
12.  Ginawa Niya ang panglabing-walong palatandaan sa
binhi, at pinag-isa ito sa Keter . Pinagsama Niya ang isa sa
iba pa at kasama sila nilikhâ Niya, ang  Mercurio ng mundo,
ang pang-limang araw ng taon, ang kaliwang tainga ng
kaluluwa, lalaki at babae.

13.  Ginawa Niya ang pang-dalawampung palatandaan sa


binhi, at pinag-isa ito sa Keter . Pinagsama Niya ang isa sa
iba pa at kasama sila nilikhâ Niya, ang Saturno ng mundo,
ang pang-anim na araw ng taon, ang kaliwang butas ng
ilong ng kaluluwa, lalaki at babae.

14.  Ginawa Niya ang pang-dalawampu’t dalawang


palatandaan sa binhi, at pinag-isa ito sa Keter . Pinagsama
Niya ang isa sa iba pa at kasama sila nilikhâ Niya, ang
 Júpiter  ng mundo, ang pang-pitong araw ng taon, ang bibig
ng kaluluwa, lalaki at babae.

15.  Pitong doble Bet, Gimel, Dalet, Kaf , Peh, Resh at Tav :
“ ”

Naka-ukit kasama nila ang pitong mga mundo, mga


kalangitan, mga kalupaan at karagatan, pitong mga ilog at
mga desierto, mga araw at mga linggo, pitong mga taon,
pitong-taong-kapanahunan, limampung-taong-kapanahu-
nan at ang Central  na Silid ng Templo. Ang pito sa
dahilang ito ay minamahal sa ilalim ng lahat ng mga
kalangitan.

Mishna 16: Dalawang bato ay makapagtayo ng dalawang


bahay, ang tatlo makapagtayo ng anim na mga bahay, ang
apat makapagtayo ng 24 mga bahay, ang lima
makapagtayo ng 120 mga bahay, ang anim makapagtayo
ng 720 mga bahay, at ang pito makapagtayo ng 5040 mga
bahay. Buhat doon lumabas ka at alamin iyong hindi
mabigkas ng bibig at hindi marinig ng tainga.

7
Ikalimang Bahagi

1. Labing-dalawang pangitain: Ang kanilang  fundación ay


pananalita, pagkaligalig, galaw, pagkakatanaw, pandinig,
pagkilos, kalibugan, amoy, tulog, galit, katakawan at
kagaguhan.

2.  Labing-dalawang pangitain: Ang kanilang panukat ay


ang labing-dalawang pabalagbag na tadyang: Ang gawing
itaas-silangang tadyang, ang hilagang-silangang tadyang,
ang gawing ibabâ-silangang tadyang, ang gawing itaas-
katimugang tadyang, ang timog-silangang tadyang, ang
gawing ibabâ-katimugang tadyang, ang gawing itaas-
kanlurang tadyang, ang timog-kanlurang tadyang, ang
gawing ibabâ-kanlurang tadyang, ang gawing itaas-
kahilagaang tadyang, ang pahilagang-kanlurang tadyang,
ang gawing ibabâ-pahilagang tadyang. Sila ay lumaganap
at kumalat hanggang sa Walang Hanggan. Sila ang mga
dulo ng Sansinukob.

3.  Labing-dalawang pangitain: Siya ang nag-ukit,


naglilok, nagtimbang, nagbago at nagbuo kasama nila ang
labing-dalawang constelación  sa Sansinukob ( Aries, Taurus,
Gemini, Cancer , Leo, Virgo, Libra, Scorpio, Sagittarius,
Capricorn,  Aquarius at Pisces), ang labing-dalawang buwan
ng taon (Nissan, Iyar , Sivan, Tamuz,  Av, Elul, Tishrei,
Heshvan, Kislev, Tevet, Shevat,  Adar ), at ang labing-
dalawang bahagi ng kaluluwa, lalaki at babae (dalawang
kamay, dalawang paa, dalawang baga, ang apdo, ang
maliit na bituka, ang atay, ang malaking bituka, ang tiyan,
at ang pali).

.............................................

8
Ika-10 Bahagi

1. Tatlo ay ang mga ina (mga lakas); tatlong ninuno


nagbuhat sa kanila: Hangin, tubig at apoy. Ang kanilang
anak ay ang pitong planeta at ang kanilang pulutong, at
labing-dalawa ang pabalagbag na mga tadyang.

2. Tatlo ay ang mga ina (mga lakas): Hangin, tubig at


apoy. Apoy sa itaas, tubig sa ibabâ at hangin ay ang
kautusang nagpasiya sa pagitan nila. Ang palatandaan nito
ay ang apoy ang nagtaguyod ng tubig.

3.  Angmundo ay tulad ng hari na nasa kaniyang trono.


Ang ikot ng taon ay tulad ng hari ng  provincia. Ang puso
ng kaluluwa ay tulad ng hari sa digmaan.

4.  Isa
katapat sa isa pa ang ginawa ng Lumikhâ: Mabuti
katapat ng masamâ, masamâ katapat ng mabuti, mabuti
buhat sa mabuti, masamâ buhat sa masamâ. Ang mabuti
ay kumilala ng masamâ, at ang masamâ ay kumilala ng
mabuti. Ang mabuti ay iniligpit para sa mabuti, at ang
masamâ ay iniligpit para sa masamâ.

5. Tatlo: Ang bawa’t isa ay tumayong mag-isa. Ang isa ay


nagtanggol, ang isa ay nagbintang at ang isa ay nag sa
pagitan nila. Pito: Tatlo katapat sa tatlo, kasama ang
kautusang nag sa pagitan nila. Labing-dalawa ang tumayo
sa digmaan: Tatlo ang umibig, tatlo ang nakadama ng
pagkamuhi, tatlo ang nagbigay ng buhay, at tatlo ang
pumatay. Ang tatlong umibig ay ang puso at ang mga
tainga; ang tatlong nakadama ng pagkamuhi ay ang atay,
apdo at ang dila; ang tatlong nagbigay ng buhay ay ang
mga butas ng ilong at pali; at ang tatlong pumatay ay ang
mga tainga at bibig. At ang Lumikhâ, ang mapagtalimang
Hari, ang nangibabaw sa kanilang lahat, ng walang
hanggan, buhat sa Kaniyang lugar. Isa sa ibabaw ng tatlo,
tatlo sa ibabaw ng pito, at pito sa ibabaw ng labing-dalawa,
at silang lahat ay nakatali, isa sa iba.

9
6. Inilimbag Niya ng tatlong aklat kalakip ang
dalawampu’t dalawang letra. Nilikhâ Niya ang Kaniyang
buong Sansinukob kasama sila. Binuo Niya ang lahat na
nagawa at lahat na gagawain kasama sila sa kinabukasan.

7.  Nang dumating si Abram, tiningnan niya, nakita,


naunawaan, ini-ukit, binago at nililok, at siya’y
nagtagumpay. At ibinunyag ng walang hanggang
Lumikhâ ang Kaniyang sarili kay Abram, at inilagay siya
sa Kaniyang dibdib, hinalikan siya sa kaniyang ulo, at
tinawag siyang Abraham. Gumawa Siya ng pangako kay
Abraham sa pagitan ng sampung mga daliri ng kaniyang
mga paa –  ang pangako ng pagtuli, at sa pagitan ng
sampung daliri ng kaniyang mga kamay – ang pangako ng
dila. Itinali Niya ang dalawampu’t dalawang letra sa dila
ni Abraham at ibinunyag ang Kaniyang lihim sa kaniya.
Hinigop Niya sila sa tubig, sinunog sa apoy, at kinalog sila
sa hangin. Pinagliyab Niya sila sa pitong planeta at inayos
sila sa gitna ng labing-dalawang constelación.

 Wakas ng aklat  Sefer Yetzira  (Aklat ng Paglikhâ)


“ ”

10

You might also like