You are on page 1of 2

MGA MITO NG DIOS INA ANIMASOLA SA PANAHON

NG DIOS AMA FOOC AT ANG PAGPAPLANO NG


PANAHON NG DIOS ANAK

Ganito ang pagpapakilala ng Dios (isang babae) sa mito: Ako ang Tangi’t Una
(Animasola), ang pinagmulan ng may hawak ng liwanag at ng dilim na
liliwanagan. Ibig sabihin: siya, ang Dios na Liwanag, at ang Walang Hanggang
Dios (o Infinito Dios) ay iisa. “Amuman" ang ngalang nakasulat sa kanyang
balabal. Siya ang una sa Pitong birhen (sa mito, ang unang nilalang ay pitong
birhen na ang isa'y si Animasola o Amuman).

Lumalang si Amuman ng bulaklak na may tatlong persona: sina Magugab,


Mariagob, at Magob. Ipinasok ang bulaklak sa loob ng kristal, at ipinasok ang
kristal sa isang gintong kaban.  Pinabantayan ito sa pitong arkanghel na
kanya ring nilikha.

Lumikha ang ikatlong nuno (isa sa mga birhen) ng tatlong banal na espiritu.
Ang ikaapat ay lumikha rin ng tatlo at gayon din ang ginawa ng ikalima.

Nagtangka ring lumikha ang dalawampu't apat na espiritu. Nagsalita ang Dios
na anyong mata at nagpakilala: “Ako ay mata, ako ang Dios ninyo, at saka
ang espiritung tunay ng kaliwanagan; ako ang alaala, bait,
loob." Lumalabas sa kuwentong ito na ang tinig ay mas mataas sa Amuman
at Siete Virgenes.

Ang dalawampu't apat na espiritu o matatanda ay pinagkaisahan naman ang


Birhen na lumabas sa kristal na ipinasok sa kaban. Ang birhen ay ang
bulaklak na walang iba kundi si Maria sa langit, sa lupa, at sa himpapawid.
Naniniwala sa tatlong Mariang ito ang mga samahang Ciudad Mistica de
Dios, Tatlong Persona Solo Dios at Bathalismo, Inang Mahiwaga. Sa ibang
pakahulugan, ang tatlong Birhen: Ina nag-uusap at lumalalang ay siya ring
Tatlong Persona o Santisima Trinidad.

Sa kalagitnaan ng mito, magpapakilala ang tinig bilang Dios Fooc, na sa


paniniwala ng siete virgenes ay kanilang pinagmulan. Batid rin nila na ang
tinig na ito ang naghahawak ng lahat ng kapangyarihan. Ayon sa Dios Fooc,
siya ay "Mula sa walang pinagmulan at hanggang sa walang hanggan."
Samakatwid, siya rin ang Infinito Dios o Dios na Walang Hanggan.
Pinakamakapangyarihan man siya sa lahat at walang kapantay, binigyan pa
rin niya ng kalayaan ang nunong babae na lumikha. Nilikha nito, bukod sa
mga espiritu, ang SATOR o apat na arkanghel na umaalalay sa apat na sulok
ng mundo.

Matapos lumikha ng mabubuting espiritu na paris nila ang tatlong nunong


babae (sina Helnag, Amuman at Hemspag), binalak nila, kasama ng Dios
Fooc, ang pagbaba ng Santisima Trinidad Helnag upang magkatawang tao. Si
Helnag ay ikalawang Persona ng unang nunong babae, si Amuman. Nilikha
rin ng tatlo si Luxbel, ang magdudulot ng pasakit na pagtitiisan ng ikalawang
persona. Naisip din ng tatlo ang gagawing Ina ng Anak ng Dios na
magkakatawang-tao, pati na ang lalaking magpapasann g krus ng
karnatayan.I nisip na rin nila ang kanyang pangalan" Ayon sa Dios Fooc,
nalikha na niyang lahat ito. Nilikha naman ng tatlong H.A.H. ang hahatol sa
Anak ng Dios na si Pilato. Sinabi ng Dios Fooc na siya na rin ang gawing
katawan ng Ina na sasakop sa taong makasalanan. Sa gayon, ang Kristong
Tagapagligtasa,n g Dios Fooc, at ang  ikalawang Persona na si Helnag ay iisa.
Nilikha na rin ang Apat na Pako ng H.A.H. na lingid sa kanila'y nalikha na ng
Dios Fooc. Ang Ikalimang Pako ay nilikha naman ng ikalimang Nuno sa 
pamamagitan ng oracion. Ipinadala na rin ang mga salita sa Rotulo kay
Pilato. Ang mga salita ay INRI - ang kahulugan ay pangalan ng Anak na babae
ng Dios. Sa kabilang dako, niiikha naman ng H.A.H. ang krus ni Kristo pati na
ang dalawang taong magpapako. Ang dalawang taong ito ay pinapasok muna
sa loob ng bato hanggang sa dumating ang takdang panahon at araw na sila'y
dapat lumabas upang gampanan ang kanilang papel.

You might also like