You are on page 1of 3

Tauhan: Ahas- Siya ay mabangis na kayang pumatay ng kapwa niya hayop.

Tigre- Mas pinili niya na magutom kaysa mamatay, wais.

Giraffe- Hinarap niya si Ahas kahit na delikado, matapang.

Elepante- Matapat at matapang

Haring Leon- Kaya niyang pamahalaan ang buong kaharian.

Tagpuan: Kaharian/ Kagubatan

Aral ng kwento: “ Dapat lagi nating isipin ang kapakanan ng ibang tao, dahil kung ano
ang ginagawa natin sa ating kapwa ay siya ring ginagawa natin sa ating diyos.”

Una, kinuhaan niya ng pagkain si Tigre. Nang ayaw nitong pumayag ay tinakot niya
ito na kakainin ang anak ni Tigre. Pangalawa, Kinuhaan niya ng kayamanan si Giraffe.
Lingis sa kaniyang kaalaman ay nakita ito ni Elepante. Isinumbong ni Elepante sa
kanilang hari. Gaganti na sana si Ahas ngunit hindi sinasadyang nahulog siya sa
patibong ni Elepante. Sa huli ay tuluyan na siyang ikinulong.

Narrator: Noong unang panahon, sa isang kaharian matatagpuan ang Ahas at iba
pang hayop sa kagubatan. Kung saan si Ahas ay mabangis at hindi
pinagkakatiwalaan.

Ahas: Hahaha! Ako ang hari ng kagubatan.

Saan kaya ako makakapaghasik ng lagim? Hmmm, ahh kay Tigre!

Narrator: Pumunta na ngayon si Ahas kay Tigre upang makakuha ng pagkain.

Ahas: Tigre akin na ang pagkain mo!

Tigre: Huwag mo itong kunin, para ito sa aking pamilya.

Ahas: Ahh kakainin ko nalang ang anak mo.

Tigre: Huwag! Ito na ang mga pagkain.

Narrator: Wala nang nagawa pa si Tigre kundi ang ibigay na lamang ang kanilang
pagkain.

Ahas: Ito na ba ang lahat?

Tigre: Oo
Narrator: Sa kabilang banda, hindi batid ni Ahas na may mga natira pang pagkain kay
Tigre.

Tigre: Pagbabayaran mo ang lahat ng nagawa mo.

Ahas: Saan kaya ako makakakuha ulit? Ah kay Giraffe!

Narrator: Ngayon naman ay pumunta siya sa kay Giraffe.

Ahas: Akin na ang iyong kayamanan.

Giraffe: Paano kung ayoko?

Ahas: Kakagatin ko ang ang leeg mong mahaba!

Giraffe: Sige gawa nga?

Narrator: At walang awing kinagat ni Ahas si Giraffe namatay ito at kinuha naman ni
Ahas ang lahat ng kaniyang kayamanan.

Ahas: Antigas kasi ng ulo mo eh

Narrator: Lingis sa kaalaman ni Ahas ay nakita ni Elepante ang mga nangyari.

Narrator: Nagsumbong ito sa kanilang hari na si Haring Leon.

Elepante: Mahal na hari, nakita ko si Ahas na kinagat niya si Giraffe.

Haring Leon: Totoo ba iyang sinasabi mo?

Elepante: Opo, totoo iyon.

Haring Leon: Sige siya ay aking ipahuhuli.

Narrator: Kalat na kalat na sa buong kaharian ang ginawa ni Ahas.

Ahas: (Galit) Arghh! Humanda ka sa akin Elepante!

Narrator: Pumunta si Ahas kay Elepante upang maghiganti pagsapit ng dilim.

Ahas: Papatayin kita Elepanteng mataba! Papatikimin kita ng cobra python anaconda
bite!

Narrator: Nang makarating si Ahas sa harap ng bahay ay dali-dali itong pumasok sa


bahay ng elepante. Hindi sinasadyang nahulog siya sa patibong na ginawa nito.

Elepante: Akala mo mauuto mo ako?


Ahas: Pakawalan mo ako dito!
Elepante:Aminin mo muna ang lahat ng nagawa mo.

Ahas: Oo na, oo na, kinuha ko ang pagkain ni Tigre, kayamanan ni Giraffe, nagawa ko
ding kagatin ito.

Narrator: Lingid sa kaalaman nito ay nakikinig ang kanilang hari sa kanilang pag-uusap.

Haring Leon: Paparusahan kita ng habang buhay na pagkakakulong .

Ahas: Hindeeeee!

Haring Leon: Maganda ang iyong ipinakitang katapangan at pagmamahal sa iyong


kapwa marapat lamang na parangalan kita.
Elepante: Maraming salamat po haring Leon isa po itong karangalan para sa akin.

Narrator: Sa pagkakataong ito, ikinulong na nga si Ahas sa utos ng kanilang hari na si


Leon.

###

You might also like