You are on page 1of 6

Kaligirang Pangkasaysayan ng

Tanka at Haiko

Isinalin sa Filipino ni M.O Jocson

Ang tanka at haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng pamitikang Hapon. Ginawa ang tanka
noong ikawalong siglo at ang haiku noong ika-15 siglo. Sa mga tulang ito layong pagsama-samahin ang
mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang.

Ang pinakaunang tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na tinatawag na Manyoshu o Collection of
Ten Thousand Leaves. Antolohiya ito na nag lalaman ng iba’t ibang anyo ngg tula na karaniwang
ipinahahayag at inaawit ng nakararami.

Sa panahong lumalabas ang Manyoshu, Kumawala sa makapangyarihang impluwensiya ng sinaunang


panitikang Tsino ang mga manunulat na Hapun. Ang mga unang makatang Hapon ay sumusulat sa
wikang Tsino sapagkat eksklusibo lamang ang wikang Hapon sa pagsasalita at wala pang sistema ng
pagsulat. Sa pagitan ng ikalima hanggang ikawalong siglo, isang sistema ng pagsulat ng Hapon ang
nilinang na mula sa karakter ng pagsulat sa China upang ilarawan ang tunog ng Hapon. Tinawag na Kana
ang ponemikong karakter na ito na ang ibig sabihin ay “hiram na mga pangalan.”

Noong panahong nakumpleto na ang Manyoshu, nagsimulang pahalagahan ng mga makatang Hapon
ang wika nila sa pamamagitan ng madamdaming pagpapahayag. Kung historical ang pagbabatayan,
ipinahahayag ng mga Hapon na ang Manyoshu ang simula ng panitikan nilang nakasulat na matatawag
nilang sariling-sarili nila.

Maiikling awitin ang ibig sabihin ng tanka na puno ng damdamin. Bawat tanka ay nagpapahayag ng
emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa naman ang nagbabago, pagiisa, o pag-ibig. Talumpu’t isa ang
tiyak na bilang ng pantig na may limang taludtod ang tradisyunal na tanka. Tatlo sa mga taludtod ay
may tig-pito bilang pantig samantalang tig-5 pantig naman ang dalawang taludtod. Nagiging daan ang
tanka upang magpahayag ng damdamin sa isa’t isa ang nagmamahal (Lalaki at babae). Ginagamit din sa
paglalaro ng aristocrats ang tanka, kung saan ng tatlong taludtod at dudugtungan naman ng ibang tao
ng dalawang taludtod upang mabuo ang isang tanka.

Gaya nga nang naipahayag na sa unang bahagi ng tekstong ito, noong ika-15 siglo, isinilang ang bagong
anyo ng pagbuo ng tula ng mga Hapon.

Ang bagong anyo bg tula ay tinatawag na haiku

Noong panahong ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas lumaganap nabg lubos ang haiku. Binubuo ng
labimpitong pitong pantig na nahahati sa tatlong taludturan.

Ang pinakamahalaga sa haiku ay ang pagbikas sa taludtud na may wastong antala o paghinto. Kiru ang
tawag dito o sa Inglesh ay cutting. Ang kiru ay kahawig ng sesura sa ating panulaan. Ang Kireji naman ang
salitang paghihintuan o cutting word. Ito ay matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong parirala ng
bawat berso. Ang kinalalagyan ng paghinto sa daloy ng kaisipan upang magkapagbigay-daan na mapag-
isipan ang kaugnayan ng naunang berso sa sinundang berso. Maaari din namang makapagbigay daan ito
sa marangal na pagwawakas.
Ang mga salita na ginagamit ay maaaring sagisag ng isang kaisipan.

Halimbawa ang salitang kawazu ay “palaka” na nagpapahiwatig ng tagsibol. Ang shigure naman ay
“unang ulan sa pagsisimula ng taglambing.” Mahalagang maunawaan ng babasa ng haiku at tanka ang
kultura at paniniwala ng mga Hapon upang lubos na mahalaw ang mensaheng nakapaloob sa tula.
ANG HATOL NG KUNEHO

Isinalin sa Filipino ni Vilma C. ambat

Noong unang panahon, nan gang mga hayop ay nakapagsasalita pa, may isang tigreng naghahanap ng
pagkain sa gubat. Sa kaniyang paglilibot, nahulog siya sa napakailalim na hukay. Paulit-ulit na sinubukan
ng tigreng ang makaahon, subalit walang nakaring sa kaniya.

Kinabukasan, muling sumigaw ang tigre upang humingi ng tulong hanggang mapaos. Gutom na gutom at
hapong-hapo na ang tigre. Lumupasay na lamang siya sa lupa. Naisip niyang ito na ang kaniyang
kamatayan. Walang ano-ano ay nakarinig siya ng mga yabag. Nabuhayan siya ng loob at agad tumayo.
“Tulong! Tulong!” muli niyang isinigaw.

“Ah! Isang tigre!” sani ng lalaki habang nakadungaw sa hukay. “Pakiusap! Tulungan mo akong makalabas
dito,” pag mamakaawa ng tigre. “Kung tutulungan mo ako, hindi kita makalilimutan habambuhay.”
Naawa ang lalaki sa tigre subalit naisip niyang baka kainin siya nito. “Gusto sana kitang tulungan subalit
nangangamba ako sa maaaring mangyari. Patawad! Ipagpapatuloy ko na ang aking pag lalakbay,” wika
ng lalaki at nag patuloy sa paglalakad.

“Sandali! Sandali! Huwag mong isipin iyan,” pakiusap ng tigre. “Huwag kang mag-alala, pangako ko hindi
kita sasaktan. Nag mamakaawa ako, tulungan mo ako. Kapag ako ay nakalabas dito tatanawin kong
malaking utang na loob!”

Tila labis na nakakaawa ang tinig ng tigre kaya bumalik ang lalaki upang tulungan ito. “Nakahanap siya ng
torso at dahan-dahan niyang ibinaba sa hukay” Gumapang karito,” sabi ng lalaki.

Gumapang ang tigre sa torso hanggang makaahon sa hukay. Nakita ng tigre ang lalaking tumulong sa
kaniya. Naglaway ang tigre at naglakad paikot sa lalaki. “Sandali!” Hindi ba nangako ka sa kin na hindi mo
ako sasaktan? Ito ba ang paraan mo ng pag papasalamat at pagtanaw ng utang na loob?” sumbat ng
lalaki sa tigre. “Wala na akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom ako! Hindi ako kumain ng
ilang araw! Tugon ng tigre. “Sandali! Sandali!” ang pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang puno ng Pino
kung tama ba na kainin mo ako.” “Sige,” ang wika ng tigre. “Pero pagkatapoos natin siyang tanungin,
kakainin na kita. Gutom na Gutom na ako.” Ipaliwanag ng tigre at ng lalaki sa puno Pino ang nangyari.
“Anong alam ng taong sa pagtanaw ng loob?” tanong ng puno ng Piko. “Bakit ang mga dahoon at ang
mga sanga namin ang kinukuha ninyo upang mapainit ang inyong mga tahanan at makuto ang inyong
mga pagkain? Mga taon ang binibilang namin upang lumaki. Kapag kami’y Malaki na pinuputol ninyo.
Ginagamit ninyo kami sa pagpapatayo ng inyong mga bahay at pagpapagawa ng inyong mga
kasangkapan. At isa pa, tao rin ang humuhukay ng butas na iyan. Utang na loob! Huwag ka nang
magdalawang isp, Tigre. Sige pawiin mo ang inyong gutom.”

“O, anong masasabe mo don? tanong ng tigre habang nananakam at ngingungusuan ang lalaki.

Sa mga sandaling iyon ay dumaan ang isang baka. “Hintay! “Hintay! pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin
ang baka sa kaniyang hatol.”

Sumang-ayon abg tigre at ipinaliwanag nila sab aka ang nangyari. Hiniling ng dalawa ang opinion ng
baka.
“Sa ganang akin, walang duda sa kung ano ang dapat gawin,” wika ng baka sa tigre. “Dapat mp siyang
kainin! Tingnan mo, mula nang kami ay maisilang naglilingkod na kami sa mga tao. Kaming mga baka ang
nagbubuhat ng mabibigat nilang. Inaararo naming ang bukid upang upang na… pinapatay kami at
ginagawang pagkain! Ginagamit nila an gaming balat tungkol sa pagtanaw ng utang na loob. Kainin mon
a ang taong iyan,”
ki

You might also like