You are on page 1of 4

Ang Haring Kuliglig at Haring Leon

NORHAFIDA as KULIGLIG
AMER as IBON
BANGON as PARO-PARO
HADJI MONIR as BUBUYOG
HANNA as KUNEHO
ALIANOR as KALABAW
AGUAM as LEON
ALI as TIGRE

FOR FIGHTING SCENE

KULIGLIG vs. LEON


IBON vs. KALABAW
PARO-PARO vs. KUNEHO
BUBUYOG vs. KABAYO

Si Raffy, Ang Mabait na Giraffe

MACARAMBON as GIRRO
ALIANOR as RAFFY
HADJI MONIR as INA NI RAFFY
AGUAM as AMA NI GIRRO

ASSIGNED TASKS
HADJI MONIR- masks (bring your own pangtali)
ALL- ikog (if under leon) and ikog (if under kuliglig)
SARIP- tress
HANNA- grass
MACARAMBON- clouds
MONIR- bukang liwayway
MACARAMBON- bring bottle na with design.
ALIANOR- gumawa ka ng damo at dahon
“Ang Haring Kuliglig at ang Leon”

~nature background music~

~habang sumisipol~

Kuliglig: Napakaganda nga naman ng itong nasa aking kapaligiran. Ang simoy ng
hangin, napaka sariwa. Ang mga ulap na nagsasayawan,siyang tunay na nakakamangha.
Diko mawari ang aking nararamdaman…
Leon: Kailangan kung habulin ang impakta na iyon…
Kuliglig: Aaaraaaay! Haring Leon! Ang sakit-sakit niyon hah, hindi dahil sa
ganito ako kalaki, ay aapak-apakan mo nalang ako!
Leon: HAHAHA kung gayo’y, ano ang aking gagawin? Luluhod ba ako saiyong harapan?
Kuliglig: Hindi ka man lang humingi ng paumanhin.
Leon: At bakit naman ako hihingi ng paumanhin? Tandaan mo na ako ang
pinakamalakas na nilalang sa buong mundo at kaya kong gawin ang kahit ano pa’yan.
Kaya sa palagay ko’y mali ang binabangga mo, haring kuliglig!
Kuliglig: Aba, napakayabang mo naman, haring leon! Patunayan mo ang lakas mo at
ng mga tagasunod mo, gayun din ang akin! Ngayon pa’y hinahamon na kita ng isang
digmaan!
Leon: Aba, sinusubukan mo ang lakas ko!
Kuliglig: Subukan natin, nang mapatunayan natin na ikaw nga’y walang kapantay! At
masaksihan ng lahat kung gaano ka kalakas! Natatakot ka na ba, haring leon?
Leon: Aba! Hindi ako matatakot sa isang kuliglig lamang na haharang-harang pa sa
daanan ko. Tinatanggap ko ang iyong hamon!
Kuliglig: Sana nga’y mapanindigan mo ang iyong mga salita, haring leon. Sa
darating na ikatlong araw at pagsapit ng bukang liwayway, sa may paanan ng bundok
na may kaingin, doon natin patunayan ang yabang mo!
Leon: Ito ang tandaan mo! Magsisisi ka!
Kuliglig: Dalhin mo pa ang sangdaan mong tagasunod! Tingnan natin!
Leon: Maghanda ka na rin!

~low tone intense music~

Kuliglig: Aking mga kaibigan, Ako’y humihingi sa inyo ng tulong na turuan natin
ng leksyon si haring leon.
Bubuyog: Tama, tulungan natin si haring kuliglig na sugpuin ang kayabangan ni
haring leon!
Ibon: Tama! Minsan narin niya akong inagrabyado!
Paro paro: Ako rin, minsan na rin akong minaliit ng isa sa kanyang mga tagasunod.
Kuliglig: Patunayan natin na nagkakamali sila si binabangga, turuan natin ang mga
tagalupang hayop ng leksyon!
Ibon: Tama!
Kuliglig: Malalaki man an gating kakalabanin, gagamitin natin an gating bagsik at
isipan upang maipanalo ang digmaaan na ito.

~Low tone intense music~

Leon: Aking mga tagasunod, huwag niyong hayaang manalo ang mga lampang lahi ni
haring kuliglig. Sabay-sabay nating ubusin ang lahi nito!
Tigre, Kabayo, Aso, Kalabaw at, kuneho: Ariba, Ariba!
Tigre: Roar!
Aso: Aww aww
Karabaw: Ruuuuhhh
Kuneho: ekk eeekkk
Leon: Sugod!!!!!!!!

Sino kaya ang mananalo sa labanan? Ang malalaking hayop na magaling sumipa,
kumalmot o tumapak? O ang maliliit insekto na umuugong, tumutuka at kumakagat?

Kuliglig: Sige, dapuan at kagatin sila! Huwag kayong huminto hanggang sila’y
hindi magmamakaawa.
Tigre: Haring Leon, masyadong malakas ang pangkat nila, sumusuko na ho kami.
Leon: Umatras na tayo!

~Tuloy parin ang laban~

Leon: Haring kuliglig, kayo’y tunay ngang magagaling. Kayo’y nanalo sa inihamong
labanan. Ang kalayaan mo at ng iyong mga kalahi ay nararapat na makamtan niyo.
Mula ngayon, ang lahat ng mga ibon at insekto ay magkakaroon nan g mga halaman at
bulaklak sa lupa.
Ibon: At sana’y tigilan niyo narin ang pang-mamaliit niyo sa amin, haring Leon
Paro-paro: Tama
Kuliglig: At sana’y hindi na maulit ang digmaan na ito, halina’t tayo’y magkaroon
ng salo-salo bilang selebrasyon sa ating magiging panibagong yugto n gating
pamumuhay.

“Si Raffy, Ang Mabait na Giraffe”

Raffy: Ina, ina… makikipaglaro lang ho ako sa aking mga kaibigan.


Ina: Sige anak, pero tandaan mo ang kabil-bilinan ko sa iyo. Huwag na huwag kang
kumain ng mga ipinagbabawal na dahon sa palibot.
Raffy: Opo, ina

~Nature music habang maglalaro~

Raffy: Ang saya-saya naman makipag laro sa inyo. Teka, kakain muna ako
Unang kalaro: Tara, kumain tayo.
Giro: Naku, andito na naman itong giraffe na damo ang kinakain. Hindi ka ata
naming kalahi, eh.
1-Kalaro ni Giro: Oo nga hahaha
Giro: Kaya pala kakaiba si Raffy
2-Kalaro ni Giro: HAHA salot ka lang sa lahi natin HAHAHAHA

~VOICE OVER~
“Anak, palagi kang magpakumbaba… ang pagiging mainitin ng ulo ay walang
idinudulot na maganda, sa pagpapakumbaba ay lagi tayong pinagpapala”

Giro: Hoy, Raffy lampa! Tingnan ninyo kung ano ang gagawin ko.
Raffy: Aray
Giro: HAHAHA tingnan ninyo ang duwag na Raffy.

~Umuwi si Raffy kay Ina~

Ina: Anak, ano ang nangyari sa iyo? Bakit may pilay ka anak? At mukhang sinisipon
ka pa ata?
Raffy: Nadulas po kasi ako inay.
Ina: Eh, bakit ka malungkot, anak?
Raffy: Wala po ito inay, masakit lang po yung binti ko.

~habang naglalaro na naman si raffy, inaasar ito ni Girro hanggang sa nakakain si


girro ng ipinagbabawal na dahon~

Girro: Aaraay, anong nangyari sa akin? Ang sakit sakit ng tiyan ko, tulong!
Tulong! Tulong!
Raffy: Girro, teka! Hahanap ako ng tulong. Tulong, tulong, inaa…tulongan po natin
si Giro.
Ama ni Girro: Anak, raffy, anong nangyari sakanya?
Raffy: nakakain po siya ng ipinagbabawal na dahon.
Ina: Girro, inomin mo ito, nang mawala ang bisa ng ipinagbabawal na dahon.
Giro: Hay, maayos na ang pakiramdam ko.
Ama ni Girro: Anak, Giro. Magpasalamat ka kay Raffy, dahil sakanya buhay ka pa
ngayon.
Giro: Sanay mapatawad mo ako Raffy, nahihiya ako sayo Raffy. Maraming salamat,
Raffy.
Raffy: Walang anuman, Giro. Huwag mo lang ulitin iyon. Isang lahi at isang
pamilya tayo. Pareha tayong Giraffe, kaya dapat tayong magtulongan.
Giro: Raffy, halika’t maglaro tayo.
Raffy: Tara!

You might also like