You are on page 1of 13

Mga impluwensya ng Espanyol sa Pilipinas:

1. Edukasyon- ang mga Kastila ang nagpakilala ng sistema ng edukasyon sa


Pilipinas.

2. Pagkain. Mga pagkain gaya ng wheat, sweet corn, patatas, repolyo, papaya at
marami pang iba.

3. Pananamit- mula sa bahag ay natutong gumamit ng saya at barong ang mga


Pilipino. Na kung saan ang barong ay para sa mga lalaki samantalang ang saya
naman ay para sa mga babae.

4. Kaugalian- maraming kaugalian ang mga Pilipinong minana natin sa mga


Espanyol. Isa sa pinakamahalagang halimbawa nito ay ang pagmamano sa mga
nakakatanda.
Impluwensya ng mga Espanyol
Mga pagdiriwang na Panrelihiyon
Nagsimula ang pagdaraos ng Pista noong panahon ng Espanyol.
Mga Natutuhan ng mga Pilipino
1. Santakruzan
2. Mahal na Araw
3. Pista ng Patay
Spoliarium
Mariano Madrinan

Impluwensya ng Kristiyanismo sa Kulturang Pilipino

Impluwensya ng Kristiyanismo sa Kulturang Filipino


Malaki ang impluwensya ng Kristiyanismo lalung-lalo na ang simbahang
Katoliko Romano sa kasulukuyang kultura ng Pilipinas. Makikita ito sa ating mga
pang araw-araw na kilos at gawi. Maging ang ating mga paniniwala ay lubos na
naapektuhan ng simbahan.

Ang pagdaraos ng mga kapistahan, ay isang tradisyon na may malalim na


impluwensyang kristiyano. Nang dumating ang mga kastila dala ang relihiyong
kristiyano, malugod natin itong tinanggap. Kaalinsabay ng paglaganap ng
kristiyanismo ay ang pagtatalaga ng isang santong patron para sa isang bayan o
pamayanan. Para sa mga patron ay nagtalaga tayo ng isang araw ng
pasasalamat at ito ay kilala bilang araw ng pista.

Isa sa pinaka kilalang kapistahan ay ang kapistahan ng San. Isidro Labrador


ang Patron ng mga magsasaka. Ang kapistahan ay karaniwang nagaganap sa mga
araw ng mayo sa ibat-ibang bayan sa mga lalawigan ng Pilipinas.

Maiibibilang sa mga tanyag na kapistahan ang Aranya`t Baluarte Festival


sa Gumaca Quezon, dinarayo ito ng mga turista mula sa ibat-ibang panig ng
Pilipinas at ibang bansa. Ang pinaka tampok sa pagdiriwang na ito ay ang mga
magaganda at makukulay na baluarteng may ibat-ibang disenyo ng pagkaka-
palamuti. Sa mga baluarteng ito isinasabit ang mga gulay, prutas, mga kakanin
at maging mga alagang hayop at isda. Ang bawat laman ng mga baluarte o arko
ay ibinabagsak matapos dumaan sa ilalim nito ang dibuho ng banal na Patron
San Diego. Ang kapistahan ay may diwa ng pasasalamat para sa masaganang
ani.

Ipinagdidiwang din natin ang ilang mga kapistahang may kaugnayan sa


mga panggyayari sa Bibiliya. Isang halimbawa nito ay ang Moriones festival ng
Marinduque kung saan, inaalala ang paghagad sa kristo. Isinasagawa ito ng mga
Morion na may mga makukulay na mascara at kasuotan.

Kung meron mang mas mahalagang pagdidriwang na mai-uugnay sa


Kristiyanismo, ito ay ang pagadaraos ng Mahal na Araw o Semana Santa. Isang
panahon partikular sa mga araw ng Abril. Sa mga araw na yaon inaalala ang
naging paghihirap ng Banal na Kristo sa Krus. Sa makatuwid ito ay ang
pagbabalik tanaw sa ginawang pagtubos ni Kristo Hesus sa kasalanan ng
sanlibutan.

Lubos na kasiya siya ang mga araw ng pagdiriwang ng kapistahan. Maging


ito man ay pasasalamat o pag-alala ng kabayanihan ng isang Patron. Ito ay
nagpapakita kung paano natin lubos na tinanggap at niyakap sa ating mga sarili
ang relihiyong dinala ng mga mananakop na Kastila, ang Kristiyanismo.

"PANAHON NG PANANAKOP NG MGA


ESPANYOL AT ANG PAGPAPALAGANAP NG
KRISTIYANISMO SA PILIPINAS"
Kristiyanismo at Kolonisasyon

Sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas sa loob ng 333 taon.Sa pananakop


nila sa Pilipinas, may ginamit silang dalawang pangunahing estratehiya.
Ito ay ang ebanghelisasyon at ang kolonisasyon. Ang ebanghelisasyon ay
isang mapayapang paraan na estratehiya sa pamamagitan ng
pagpapalaganap ng kristiyanismo sa Pilipinas at nagsisimbolo ito ng krus.
Ang kolonisasyon naman ay ang kabaliktaran ng ebanghelisasyon. Ito ay
nagsisimbolo ng espada at hinding mapayapang paraan dahil ginagamitan
ito ng lakas-militar. Sa estratehiyang ebanghelisasyon, ang mga paring
Espanyol o prayle. Ang mga lakas-militar o guardia civil ang namamahala
sa kolonisasyon.
Tinawag ng mga Espanyol ang mga Pilipino na mga pagano o infieles
dahil wala silang pinaniniwalaang diyos. Tinatawag rin sila na di-
sibilisado dahil ang kanilang pamumuhay ay kakaiba sa Europa lalo na sa
Espanya.

May mga patakarang ipinatupad ang mga Espanyol. Una ang entrada. Ito
ang unang hakbang sa pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Ginagamitan ito ng mga lakas-militar upang sakupin ang Pilipinas.
Matapos ang entrada, sumunod ang reduccion. Ito ay ang pag-iipon ng
mga tao sa iba't ibang barangay sa isang cabecera. Dahil sa patakarang
ito, napadali ng mga Espanyol na masakop ang Pilipinas.

Ang mga paring misyonero naman ang nangangasiwa sa pagpapatupad ng


doctrina. Ito ay ang paghahanda sa pagtatayo ng isang parokya. Ang mga
paring misyonero rin ang nangangasiwa ng pagbibinyag sa mga simbahang
Katoliko. Sa patakarang ito, ang mga Pilipino ay hindi na tinatawag na
pagano ng mga Espanyol dahil nagkaroon na silang pinaniniwalaang
diyos.
Maliban sa entrada, reduccion, at doctrina, ang mga Pilipino na sapilitang
ipinasailalim sa mga Espanyol na napakaloob sa sistemang encomienda.
Ang sistemang encomienda ay isang polisiyang pang-ekonomiya na
itinakda ng pamahalaang Espanya. Ito rin ay ang mga karapatan at
tungkulin na ipagkatiwala at ipinagkaloob sa hari ng Espanya upang
mmapayapa ang Pilipinas. Ang encomienda ay nagmula sa salitang
encomendar na ang ibig sabihin ay "ipagkatiwala". Ang mga encomendor
na napagkalooban ng encomienda at naging tagapamahala sa
nasasakupan. Sa sistemang ito, ang Pilipinas ay nakaranas ng kahirapan
sa buhay.

Bilang kolonya ng hari sa Espanya, ang mga Pilipino ay sapilitang


pinagserbisyo sa hari sa pamamagitan ng polo y servicio personal o
prestacion personal. Ang polo y servicio personal ay ang sapilitang
paggawa ng walang kabayaran. Ang mga lalaking Pilipino na mula 16
hanggang 60 na taong gulang ay pinaglilingkod o pinatatrabaho nanng 40
na araw sa loob ng isang taon sa pamahalaan ng Espanya. Sila ay
inaatasang magputol ng mga puno sa mga gubat at gumawa ng mga
barkong pandigma. Dahil sa polo y servicio personal, marami ang
nagutom na mga Pilipino at kumunti ang populasyon ng mga lalaki sa
Pilipinas.
Labis ang sapilitang pagbayad ng buwis na ipinatupad ng mga Espanyol sa
Pilipinas. Ang tawag sa pangkalahatang buwis na ipinataw ng mga
Espanyol sa mga Pilipino ay tributo. Ang mga ecomendero ang
nangungulekta ng mga buwis sa Pilipinas. Sa tributo, ang mga Pilipino ay
nakaranas rin ng kahirapan.

Nagbago ang ekonommiya ng Pilipinas dahil sa pagpapatupad ng mga


bagong patakaran.

You might also like