You are on page 1of 5

Pangalan ________________________________ Petsa ___________ Marka ______

Pagtukoy ng Uri ng Pangngalan

Tukuyin ang uri ng pangngalang may salungguhit. Isulat ang PT kung ito ay
pangngalang pantangi at PB kung ito ay pangngalang pambalana. Tukuyin ang uri
ng pangngalang pambalana gamit ang mga sumusunod: PB-T (tahas), PB-B (basal),
o PB-L (lansakan).

_____ 1. Ang mga anyong tubig at anyong lupa ay mga biyaya ng Panginoon sa
atin.
_____ 2. Ang Bundok Apo na matatagpuan sa Davao del Sur ay ang pinakamataas
na bundok sa Pilipinas.
_____ 3. Binubuo ng higit sa pitong libong pulo, ang Pilipinas ang isa sa
pinakamalaking kapuluan sa mundo.
_____ 4. Maipagmamalaki nang husto ng mga Pilipino ang kagandahan ng bansa.
_____ 5. Ang mga Tsokolateng Burol ay isang pangkat ng mga burol na
magkakalapit at kulay tsokolate kapag tag-araw.
_____ 6. Sari-saring gulay ang itinatanim sa matabang lupa ng Lambak ng Trinidad
sa Benguet.
_____ 7. Naaalala pa ni Alejandro ang pagputok ng Bulkang Pinatubo at ang pag-
ulan ng abo sa kanilang lalawigan.
_____ 8. Maglalakbay ang barkada ni Martin patungong Tagaytay upang makita
nila ang Bulkang Taal.
_____ 9. May ilang tribu ng mga Igorot kaming natagpuan sa aming paglalakbay sa
Cordillera.
_____ 10. Dinarayo ng maraming dayuhang turista ang magagandang tanawin sa
Pilipinas.
Pangalan _____________________ Petsa ___________ Marka ______

Pangngalan Ayon sa Kayarian


Isulat sa patlang ang titik P kung ang kayarian ng pangngalan ay
payak, M kung ito ay maylapi, I kung ito ay inuulit, o T kung ito
ay tambalan.
____1. bungangkahoy ____6. sabi-sabi

____2. paaralan ____7. Balikbayan

____3. buntong-hininga ____8. balangkas

____4. bagay-bagay ____9. mandaraya

____5. panahon ____10. hanapbuhay


Pangalan __________________________ Petsa _____ Marka ______

Panghalip
Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang. Piliin mula sa
mga panghalip panao sa panaklong ang angkop na gamitin sa
pangungusap. Salungguhitan ang iyong papel.
1. Ida, hali (ka,ko). Linisan (ata,nata) ang (atang,iyong)
silid-tulugan.
2. May pulong ang mga batang iskaut. Pinag-uusapan
(nila,kanila) ang (kanilang,nilang) isasagawang
proyekto para sa buwan ng Setyembre.
3. Si Bb. Linda Santos ang (aming,naming) guro sa
Musika. Magaling (siyang,niyang) magturo ng awit at
sayaw.
4. Ibig ng ate (akin,ko) ang maging guro. Nag-aaral
(siya,niya) ng mabuti. Edukasyon ang kursong
(kanyang,niyang) pinag-aaral
5. Ang bahay (amin,namin) ay ipinaaayos nina Tatang at
Nanang. Malaki-laki ring halaga ang (kanilang,nilang)
nagagastos na.
Pangalan ________________________________ Petsa ___________ Marka ______

Pagbibigay Hinuha
Bumuo ng hinuha sa mga talatang sumusunod at isulat ito sa iyong
sagutang kuwaderno.

1. Inani na ang mga palay. Tinuyo na ang mga ito at isinilid sa sako ng
magsasaka.
Hinuha ________________________________________

2. Dala-dala ang baong pagkain at ilawan, sumakay sa bangka at


pumalaot na ang mag-ama.
Hinuha ________________________________________

3. Mahigit tatlumpong mag-aaral sa ika-apat na grado ang sinanay ng


kanilang guro sa Musika. Suot na nila ang magara nilang uniporme at
sila’y patungo na sa bayan.
Hinuha ________________________________________

4. Nagluto ng mga kakanin ang nanay. Inimbitahan ang mga kapitbahay


at lahat ng kalaro at kababata ni Cris.
Hinuha ________________________________________

5. May taling pabigat sa binti ni Aimon at humihiyaw ito sa sakit. Awangawa ang kanyang mga kamag-
anak.
Hinuha ________________________________________

6. Nagising si Jun-Jun na umiiyak at takot na takot. Humahangos siyang


pumunta sa kusina para uminom ng tubig.
Hinuha ________________________________________

7. Clean Air Act at Anti-Smoking Law ang dalawang bagong batas. Galit
na galit ang mga mamamayang naninigarilyo.
Hinuha ________________________________________

8. Palagi silang nagsisipagtago pag may dumarating nang mga girilyang


Hapon.
Hinuha ________________________________________

9. Nagpasya si Prinsipe Bantugan na umalis nalang sa kanilang


kaharian. Nagtungo siya sa ibang bayan.
Hinuha ________________________________________

10.Hindi sinunod ni Abraham ang kahilingan ng Diyos. Itinago niya si


Isaac at isang matabang tupa ang kanyang inialay.
Hinuha ________________________________________
Pangalan _____________________________ Petsa ____ Marka ____

Kard Katalog
Aralin ang halimbawa ng kard katalog sa ibaba. Sagutin ang mga tanong na
sumusunod.

664.35
G41a

Kasal
Gonzales, Arnel C.
Quezon City, Phoenix Pub. House Inc. 1985
148 pp. ill.

1. Sino ang may akda? ______________


2. Ano ang pamagat ng aklat? ______________
3. Ano ang call number? ______________
4. Sino ang naglimbag ng aklat? ______________
5. Kailan at saan nalimbag ang aklat? ______________

You might also like