You are on page 1of 2

MEKANIKS SA DALAWAHANG PAG-AWIT

a. Ang mga kalahok ay magmumula sa bawat baitang ng Junior High School.


b. Ang piyesa ng awit ay mga musikang Pilipino (OPM) na may kaugnayan
sa iba’t - ibang subtemang paksa.
c. Maaring parehong lalaki/babae o lalaki at babaeang kalahok.
d. Iminumungkahi na ang bawat kalahok ay magdala ng kani-kanilang minus
one/CD ng kanilang awitin o anumang instrument nakakailanganin sa pag-
awit.
e. Ang mga magwawagi mula Una hanggang Ikatlong gantimpala ay
tatanggap ng Sertipiko ng Pagkilala.
f. Ang pasya ng mga hurado ay pinal at hindi na maaaring pasubalian.
g. Ang kraytirya sa dalawahang pag-awit ay ang sumusunod:
A. Kalidad ng Boses……………………… (30%)
B. Mastery (Pagsasaulo at Timing………(25%)
C. Tono at Bigkas…………………………..(20%)
D. Postura……………………………………(15%)
E. Dating sa Madla………………………….(10%)
Kabuuan: (100%)
MEKANIKS SA ISAHANG TINIG
(Orihinal na Musikang Pilipino)
a. Ang paligsahang ito ay bukas para sa lahat ng mag-aaral sa Junior
High School. Inaasahang isa hanggang dalawang kalahok mula sa
bawat baitang.
b. Ang mga kalahok ay inaasahang darating bago sumapit ang itinakdang
oras ng paligsahan.
c. Ang kalahok ay gagamit ng minus one tape/CD na ibibigay sa
namamahala bago umawit.
d. Ang kasuotan ay dapat angkop sa awitin.
e. Ang desisyon ng inampalan ay pinal at hindi na maaring pasubalian.
f. Ang mga magwawagi mula Una hanggang Ikatlong gantimpala ay
tatanggap ng Sertipiko ng Pagkilala.
g. Ang hindi tumupad sa mga nabanggit ay kabawasang puntos sa bawat
panuntunan.
Krayterya:
A. Timbre…………………………………...(30%)
B. Tiyempo…………………………………(25%)
C. Interpretasyon at ekspresyon……….(20%)
D. Kalinawan……………………………….(15%)
E. Pagtatanghal……………………………(10%)
Kabuuan: 100%

You might also like