You are on page 1of 8

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Kolehiyo ng Sining
KAGAWARAN NG KASAYSAYAN
Sta. Mesa, Maynila

BALANGKAS NG KURSO

Pamagat: Heograpiya at Kasaysayan ng Pilipinas


Hist1013 (3 Units)

Pagpapaliwanag sa Asignatura:

Ang kursong ito ay tumatalakay sa pag-usbong, daloy at tunguhin ng kasaysayan ng


Pilipinas. Binibigyang-diin ang pagtalakay sa kasaysayan bilang isang diskursong pang-
akademiko at ang mga salik pangkasasayan tulad ng heograpiya, pangyayari, lipunan at
kultura, mga institusyong sosyo-pulitikal, at ang tao. Bilang isang diskurso, binibigyang-
pansin ang pagtalakay sa mga karanasan ng mga Pilipino: ang kanilang pananaw sa mundo
(world view), ang ugnayan sa isa’t isa at sa labas ng kanilang komunidad/bansa at mga
reaksiyon sa mga kaganapang nakakaapekto sa kanilang pamumuhay mula sa pag-usbong
ng mga pamayanang proto-Pilipino hanggang sa kasalukuyan.Binibigyang-halaga ng
asignaturang ito ang pagbubuong panloob, tugon ng mga pamayanang Pilipino sa mga
hamong nagaganap sa loob at labas at ang pagbubuklod tungo sa isang estadong bansa.
Gagamitin ng asignaturang ito ang Pilipinong pananaw (perspective) sa pagtalakay at
pagsusuri ng kasaysayan.

Pre-requisite: Wala

Mga Layunin ng Asignatura:

(Panlahat na Layunin)

Pagkatapos ng pag-aaral sa kursong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na maging


responsableng mga mamamayan na may sariling pananaw sa mga kaganapang
pangkasalukuyan at nag-iisip sa kapakanan ng bayan at sa kabutihan ng kanyang kapwa
mamamayan.
(Mga Tiyak na Layunin)

1. matukoy ang iba’t ibang salik ng heograpiya na nakakaapekto sa kalagayan ng bansa


sa kasalukuyan;
2. makilala ang bawat rehiyon ng bansa at mga lalawigan nito, kabilang na ang mga
pangkat-etniko, mga pinagkukunang-yaman at mga kinagawian ng mga tao sa
pamamagitan ng paggamit ng mapa ng Pilipinas;
3. mailarawan ang mga pagbabago sa larangang political, kabuhayan, sosyal at kultural
na nakakaapekto sa takbo ng pamumuhay ng mga Pilipino sa pagdaan ng panahon;
4. maisapuso ang diwang makabansa nang higit sa lahat bago ang pagmamahal sa sarili
at isabuhay ito para sa pagbuo ng isang malakas at nagkakaisang lipunang Pilipino;
5. magpamalas ng paghanga at pagtangkilik sa mga makabuluhang ambag ng mga
ninuno at mga bayaning Pilipino; at,
6. maunawaan ang kahalagahan ng kasaysayan sa pagbuo ng isang matiwasay at
maunlad na bansa.

BANGHAY NG ASIGNATURA

Unang Bahagi: Ang Kasaysayan at Heograpiya

A. Ang Kasaysayan bilang Diskursong Pang-akademiko


1. Kasaysayan ng Historiograpiyang Pilipinas
2. Mga Salik sa Pagbuo ng Kasaysayan (heograpiya, tao, atbp.)

B. Ang Heograpiya ng Pilipinas


1. Lokasyon at Pambansang Teritoryo
2. Topograpiya
3. Panahon at Klima
4. Mga Likas na Kayamanan
5. Mga Rehiyon at mga Lalawigan

Ikalawang Bahagi: Ang Pagsibol at Pag-unlad ng mga Pamayanang Proto-Pilipino

A. Pinagmulan ng Pilipinas
1. Mga Tradisyong Pasalita
2. Mga Teorya ng Agham

B. Pinagmulan ng Lahing Pilipino


1. Mga Tradisyong Pasalita
2. Teoryang Pandarayuhan ni H. Otley Beyer
3. Teoryang Ebolusyon ni F. Landa Jocano
4. Ang mga Astronesyano sa Pananaw nina:
a. Peter Bellwood
b. Wilhelm Solheim
c. Zeus Salazar
d. Iba pang mga Iskolar/Siyentipiko

C. Panahong Paleolitiko, Neolitiko at Metal

D. Mga Pamayanang Proto-Pilipino


1. Pamayanang Barangay
2. Pamayanang Sultanato
3. Pamayanan ng mga Malalayang
Pangkat-etniko (Least Acculturated Societies)

E. Ugnayang Proto-Pilipino-Asyano

Ikatlong Bahagi: Ang Pamayanang Proto-Pilipino sa Hamon ng Kolonisasyon

A. Rasyonalisyon ng Europa sa Paggalugad at Pananakop

B. Mga Pamayanang Proto-Pilipino sa Pagdating ng Espanya


1. Mga mala-estadong bansa/kaharian
(Cebu, Butuan, Sulu, Maynila, Tundo, atbpa.)
2. Mga Kampong (Sultanato) ng Sulu at Maguindanao

C. Kolonyal na Pamayanan at Burukrasya


1. Entrada, Reduccion (Plaza Complex) at Doctrina
2. Pamahalaang Nasyunal
a. Pagsasanib ng Pamahalaan at Simbahan (Frailocracia)
b. Gobernador-Heneral at Audiencia Real
3. Pamahalaang Lokal
a. Alcaldia at Corregimiento
b. Ayuntamiento, Pueblo at mga Barangay

D. Mga Patakarang Pangkabuhayan (Encomienda, Polo y Servicios, Bandala,


Tributo, Obras Pias, Monopolyo ng Tabako, Kalakalang Galyon,
Kompanyang Royal ng Pilipinas)

E. Mga Pagbabagong Sosyo-Kultural


1. Mga Ordeng Panrelihiyon
2. Hispanisasyon ng mga Pangalan
3. Mga Impluwensiya sa Kultura, Sining at Edukasyon
Ikaapat na Bahagi: Ang Pamayanang Proto-Pilipino/ Pilipino at ang Kanilang mga
Tugon sa Hamon ng Kolonisasyon

A. Pagpasok sa Istrukturang Kolonyal


1. Reduccion, Ladino at mga Paring Sekular (Pakikipagtagpo)
2. Mga Pag-aalsa ng mga Pamayanang Pumasok sa Istrukturang Kolonyal
Mga Dahilan:
a. Pulitikal
b. Pang-ekonomiya
c. Panrelihiyon
d. Personal

B. Pakikidigma ng mga Malalayang Pamayanang Etniko


1. Mga Kampong ng Sulu at Maguindanao
2. Least Acculturated Societies: Ang mga Katutubo

Ikalimang Bahagi: Ang Pagbubuklod ng Bayan Tungo sa Isang Estadong-Bansa.

A. Mga Salik ng Pag-usbong ng Nasyonalismo (Mga Impluwensiyang Galing sa Labas)


1. Liberlismo sa Europa at Pilipinas
2. Pagbubukas ng Suez Canal
3. Pagbubukas ng Maynila sa Kalakalang Pandaigdig
4. Paglakas ng Gitnang Uri
5. Pagbitay sa GomBurZa (1872) at Sekularisasyon

B. Reporma Tungo sa Kalayaan


1. Kilusang Propaganda
2. La Liga Filipina at Katipunan
(Pagbubuklod ng Ilustrado at Masa tungo sa Pagkamit ng Kabutihang Pambayan)

*PANGGITNANG PAGSUSULIT*

C. Himagsikang Bayan ng 1896: Susi Tungo sa Isang Malayang Republika


1. Unang Bugso ng Himagsikang Bayan
2. Kumbensiyon ng Tejeros at ang Nagbagong-anyo ng Himagsikang Bayan
3. Republika ng Biak-na-Bato
4. Ikalawang Bugso ng Himagsikang Bayan
5. Tungo sa Nagsasariling Bansa: Ang Deklarasyon ng Kalayaan
6. Republika ng Malolos: Ang Katuparan ng Pagkabansa
Ikaanim na Bahagi: Pagsasanga ng Tunguhing Bayan:
Pagkaudlot ng Pagbuo ng Malayang Republika

A. Ang Panakop ng Estados UnidosB. Digmaang Pilipino-Amerikano


1. Conventional Warfare
2. Unconventional Warfare
(Kolorum o Kapatiran, mga Artista ng Bayan, mga Gerilya)
3. Cooptation: Pagbabago ng Tunguhing Bayan tungo sa Pagiging Kolonyal
a. Burukrasya
b. Edukasyon
c. Mapaniil na Polisiyang Kolonyal
d. Paglakas ng Impluwensiyang Kolonyal sa Aspetong
Ekonomiya at Sosyo-Kultural
4. Mga Pagtatangka sa Pagkamit ng Kalayaan (Osmena, Roxas, Quezon, atbp.)
5. Mala-malayang Kalagayan: Ang Commonwealth ng Pilipinas
a. Ugnayang Pilipinas at Estados Unidos
b. Mga Polisyang Pang-ekonomiya at Panlipunan
6. Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
a. Komisyong Tagapagpaganap at Ikalawang Republika
b. Buhay sa Kalungsuran at Kanayunan
c. Propaganda Warfare, Guerilla Warfare at Kolaborasyon
d. Ang Pagbabalik ng mga Amerikano

Ikapitong Bahagi: Pagbangon at Pagsasarili ng Estadong Bansa

A. Mga Suliraning Dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa


Pulitika, Ekonomiya at Sosyo-kultura

B. Pagkakatatag ng Ikatlong Republika

C. Mga Pamumuno ng mga Pangulo sa Ikatlong Republika


1. Panloob at Panlabas na mga Suliranin/Solusyon
2. Panloob at Panlabas na Polisya
3. Kontribusyon sa mga Mamamayan/Bansa

Paglalahat

*PANGWAKAS NA PAGSUSULIT*
Mga Kailangan:

1. Regular na pagpasok sa klase (hindi lalampas ng 10% na pagliban mula sa


kabuuang araw ng pagpasok sa buong semestre).
2. Pag-uulat sa klase tungkol sa mga nakatakdang paksa.
3. Reaction paper o summary report at balangkas ng ulat.
4. Term paper, pananaliksik o article/book review.
5. Partisipasyon sa talakayan at mga gawain sa klase.
6. Mga Maikli at Mahabang Pagsusulit.
7. Mid-term Examination at Final Examination.

Paraan ng Ebalwasyon:
1. Mga maikli at mahabang pagsusulit
2. Pangkalahatang (Summative) Pagsusulit
3. Reaction Paper at Summary Report
4. Recitation at Oral Examination
5. Peer Evaluation

Sistema ng Pagmamarka:

(Tignan ang Grading System)

Pamamaraan/Metodolohiya ng Pagtuturo:

1. Pagbibigay ng paliwanag sa katuturan ng mga pangunahing konseptong pag-


aaralan;
2. Paggamit ng mapa, larawan, at kagamitang audio-visual bilang mahahalagang
instrumento sa pagbibigay katuturan sa mga makasaysayang kaganapan;
2. Pagkakaroon ng malayang palitan ng kuru-kuro at pananaw tungkol sa mga
bagay-bagay na pag-aaralan;
3. Pagpapanood ng mga pagtatanghal at pelikula na may kinalaman sa kasaysayan
at dokumentaryong pangkasaysayan;
5. Pagbibigay ng payo sa mga tagapag-ulat at ng impormasyon hinggil sa mga
sangguniang gagamitin;
6. Pagdalo sa mga panayam-palihan; at,
7. Pagdalaw sa mga makasaysayang pook at museo.

Mga Gawain:
1. Malayang Talakayan 5. Pagtatalo/Debate
2. Group Dynamics 6. Role Playing/Socio-Drama
3. Panel Discussion 7. Paggawa ng Tsart at Album
4. Film Showing at 8. Monologo/Sabayang
Pagbigkas

Mga Sanggunian:

Agoncillo, Teodoro A. History of the Filipino People. Quezon City: R.P. Garcia Publishing Co.
1997.

Constantino, Renato. The Philippines: A Past Revisited. Vol. 1. Manila. 1975.

Constantino, Renato. The Continuing Past. Vol. 2. Manila. 1975.

Corpuz, Onofre D. The Roots of the Filipino Nation. Vols. 1 & 2. Aklahi Foundation, Inc. 1989.

Dela Costa, Horacio. Readings in Philippine History. Manila. Bookmark. 1965.

Gripaldo, Eden M. atbp. Kasaysayan ng Filipinas at mga Institusyong Filipino. Sentro ng


Wikang Filipino-UP Diliman. 2005.

Rosales, Amalia C. and Raul Sebastian. Historia: Pag-usbong, Pakikpagtagpo at Pagbubuo.


Mary Jo Publishing. 2008.

Veneracion, Jaime. Agos ng Dugong Kayumanggi. Quezon City: Abiva Publishing House.
1998.

Kasaysayan: The Story of the Filipino People. Vols. 1-10. Asia Publishing Company Limited.
1998.

Mga Mungkahing Babasahin:

Abinales, Patricio. Making Minadanao: Cotabato and Davao in the Formation of Philippine
Nation-State. Ateneo de Manila University Press. 2000

Buehler, Soledad B. The Cry of Balintawak: A Contrived Controversy. Ateneo de Manila


University Press. 1998.

Dery, Luis Camara. The Kris in Philippine History: A Study of the Impact of Moro Anti-
Colonial Resistance, 1587-1896. n.p., 1997.

Friend, Theodore. Between Two Empires: The Ordeal of the Philippines, 1929-1946. New
Haven: Yale University Press. 1965.
Golay, Frank Hindman. Face of Empire: United States-Philippine Relations, 1898—1946.
Ateneo de Manila University Press. 1998.

Holt, Elizabeth Mary. Colonizing Filipinas: Nineteenth-Century Representations of the


Philippines in Western Historiography. Ateneo de Manila University Press. 2002

Ileto, Reynaldo C. Pasyon and the Revolution: Popular Movement in the Philippines, 1880-
1890. Ateneo de Manila University Press. 1979.

Ileto, Reynaldo C. Filipinos and their Revolution: Event, Discourse, and Historiography.
Ateneo de Manila University Press. 1998.

Karnow, Stanley. In Our Image: America's Empire in the Philippines. Ballantine Books.
1989.

Setsuho, Ikehata & Ricardo T. Jose. eds. The Philippines Under Japan, Ateneo de Manila
University Press, 1999.

Schumacher, John N. The Making of a Nation: Essays in the 19th Century Filipino
Nationalism. Quezon City: Ateneo de Manila University Press. 1991.

Schumacher, John N. The Propaganda Movement, 1880-1895: The Creators of the Filipino
Consciousness, The Makers of the Revolution. Manila: Solidaridad Publishing House, 1973.

Scott, William Henry. Barangay in the Sixteenth Century Philippine Culture and Society.
Ateneo de Manila University Press. 1994

Inihanda nina:

Prop. Raul Roland R. Sebastian


Kagawaran ng Kasaysayan

Prop. Mc Donald Domingo M. Pascual


Kagawaran ng Kasaysayan

You might also like