You are on page 1of 4

Sunday, 25 November 2018 07:23

Prayer for the 2019 Year of the Youth


Below is the Prayer for the 2019 Year of the Youth released by the Catholic Bishops' Conference of
the Philippines Episcopal Commission on Youth.

Prayer With and For the Youth


(Prayer for the 2019 Year of the
Youth)
CBCP-EPISCOPAL COMMISSION ON YOUTH·THURSDAY, NOVEMBER 29, 2018

God our Father, we come together as Church, the Body of Christ, and through Your Holy
Spirit, we pray for our young people in this Year of the Youth.

In Your great mercy, You sent Jesus, Your Son, who grew up as a young man among the
youth, became an example for the youth, and consecrated the youth to You.

Hear our young people every time they proclaim:

A: We are BELOVED. B: We praise You for Your love for us, which saves us and gives
meaning to our lives.

A: We are GIFTED. B: We rejoice over the many gifts You give us, enriching us and our
communities.

A: We are EMPOWERED. B: We accept Your Spirit Who enables us to share Your love
and grace especially to other youth.

During this Year of the Youth, help the youth of our nation encounter Christ who always
looks at us with love as He did with the rich young man, the disciples on the road to
Emmaus, and those who seek Your Kingdom.
Form us by Your Holy Spirit into credible guides for our young people, like Mary
Magdalene, witness and missionary of the Resurrection, to be IN MISSION: joyfully
proclaiming Christ who died and rose again.

Nourish us and our young people through Your Word and Eucharist, so we may always
choose to be life-giving, especially to the least, lost and last.

Together with our young people, may we follow the example of our Mother Mary, whose
YES to You, O God, gave way to the fulfillment of Your Divine will.

We make this prayer through Christ our Lord. Amen.

St. Pedro Calungsod, patron of Filipino youth, pray for us.

* In common prayer, the A and B parts may be said in either of these three ways:

A: to be recited by young people B: to be recited by the rest of the assembly

Or A: to be recited by males B: to be recited by females Or (particularly in places where


the assembly is divided into two groups) A: choir 1 B: choir 2

The rest of the prayer is recited by the whole assembly.

Panalangin Kasama ang mga Kabataan at Para sa mga Kabataan (Panalangin para sa 2019 Taon ng
Kabataan)

CBCP-EPISCOPAL COMMISSION ON YOUTH·TUESDAY, DECEMBER 11, 2018

Diyos, aming Ama,

natitipon kami bilang Simbahan, ang Katawan ni Kristo,

at sa pamamagitan ng Iyong Espiritu Santo,

ipinapanalangin namin ang aming mga kabataan

ngayong Taon ng Kabataan.

Sa Iyong dakilang awa, isinugo mo si Jesus, ang Iyong Anak,

na lumaki bilang isang kabataan kasama ng mga kabataan,

naging halimbawa para sa mga kabataan,


at itinalaga ang mga kabataan sa Iyo.

Pakinggan ang aming mga kabataan

sa tuwing ipapahayag nila:

A: Kami ay MINAMAHAL.

B: Pinupuri Ka namin para sa iyong pagmamahal sa amin,

na nagliligtas sa amin at nagbibigay ng kahulugan sa aming mga buhay.

A: Kami ay BINIBIYAYAAN.

B: Ikinagagalak namin ang maraming biyayang kaloob Mo sa amin,

na pinagyayaman kami at ang aming mga komunidad.

A: Kami ay BINIBIGYAN NG KAKAYANAN.

B: Tinatanggap namin ang Iyong Espiritu

na nag-uudyok sa aming ibahagi ang Iyong pagmamahal at biyaya

lalo na sa iba pang mga kabataan.

Sa Taong ito ng Kabataan,

tulungan nawa ang mga kabataan ng aming bansa na makatagpo si Kristo

na lagi kaming tinitingnan nang may pag-ibig

tulad ng ginawa Niya sa mayamang binata,

sa mga alagad sa daan patungong Emaus,

at sa mga naghahanap sa Inyong Kaharian.

Hubugin nawa kami sa pamamagitan ng Iyong Espiritu Santo

na maging mga kapani-paniwalang gabay para sa aming mga kabataan,

tulad ni Maria Magdalena, saksi at misyonera ng Muling Pagkabuhay,

upang maging NAGMIMISYON:

malugod na ipinapahayag si Kristong namatay at muling nabuhay.

Alagaan Mo kami at ang aming mga kabataan

sa pamamagitan ng Iyong Salita at Eukaristiya,

upang lagi naming piliin ang maging nagbibigay-buhay,

lalo na sa mga pinakaaba, naliligaw, at nasa kahuli-hulihan.

Kasama ang aming mga kabataan,


nawa’y matularan namin ang halimbawa ng aming Inang Maria,

na ang OO sa Iyo, O Diyos,

ay nagbigay daan sa katuparan ng iyong Banal na kalooban.

Idinadalangin namin ito

sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Amen.

San Pedro Calungsod,

patron ng mga kabataang Pilipino,

ipanalangin mo kami.

* Kapag dinadasal ng marami, ang mga bahaging A at B ay maaaring bigkasin sa alinman sa mga
sumusunod na paraan:

A: bibigkasin ng mga kabataan

B: bibigkasin ng iba pa sa madla

O kaya

A: bibigkasin ng mga kalalakihan

B: bibigkasin ng mga kababaihan

O kaya (lalo na sa mga lugar kung saan ang pagtitipon ay nahahati sa dalawang pangkat, tulad sa loob ng
isang simbahan: ang kanan at kaliwang bahagi)

A: mga nasa kanan

B: mga nasa kaliwa

Bukod dito, ang buong panalangin ay sasambitin ng buong katipunan.

You might also like