You are on page 1of 1

UST ginulat ang DLSU sa UAAP Girls’ Volleyball

Ginulantang ng University of Santo Tomas ang defending girls champion De


La Salle-Zobel, 25-15, 21-25, 25-19, 25-18, habang sinimulan ng Nazareth
School of National University ang bagong era sa ilalim ng bagong coach na si
Regine Diego sa pamamagitan ng pagdomina sa University of the Philippines
Integrated School, 25-8, 25-15, 25-18 sa UAAP Season 82 Girls’ Volleyball
Tournament sa FEU-Diliman Gym noong Sabado.
Pinamunuan ni Renee Lou Peñafiel ang Junior Tigresses sa ipinoste nyang 20
puntos kasunod si Regina Jurado na may 12 hits at katulong si Season 81
best libero Det Pepito na may 21 digs at 11 receptions.
Nanguna naman si reigning MVP Angel Canino para sa Junior Lady Spikers sa
ipinoste nitong 12 puntos.
Si team captain Erin Pangilinan naman ang namuno sa Bullpups sa ipinoste
nitong 10 puntos.
“We’ve been preparing for UAAP for the last two weeks pa lang naman kasi
after ASEAN, nagrest talaga kami, so it’s a good start even though it’s not
the best, kahit na injured si Alyssa (Solomon), we went through naman sa
game,” pahayag ni Diego na pumalit sa dating coach na si Babes Castillo.
Humataw ang NU ng 16 na service aces na naging susi sa panalo na nagbaba
naman sa Junior Maroons sa markang 0-2.
Sa isa pang laban, naungusan ng Adamson University ang Far Eastern
University-Diliman sa loob ng limang sets, 15-25, 25-17, 19-25, 25-23, 15-
10.
Nagposte si Kate Santiago ng game-high 23 puntos para sa Baby Falcons
kasunod sina Raisa Ricablanca at Kyla Cordora na may tig- 11 puntos.
Nanguna naman si Nikka Medina na nagposte ng 14 puntos mula sa 10
attacks, 3 blocks at isang ace para sa natalong Baby Tamaraws.

You might also like