You are on page 1of 4

Buod ng Maragtas (Epikong Bisayas)

Ang Borneo noon ay nasa pamumuno ng isang malupit at masamang sultan na si Sultan
Makatunao. Kinamkam niya ang lahat ng yaman ng nasasakupan. Kanya ring pinupugayan ng
dangal ang mga babae, pati ang mga asawa at anak na dalaga ng mga datu na nasa ilalim niya.

Isang araw, si Pabulanan, ang asawa ni Datu Paiborong, ang nais halayin at angkinin ng
masamang sultan. Nalaman ni Datu Paiborong ang tangka ni Sultan Makatunao. Nagbalak ang
magigiting na datu na manlaban kay Sultan Makatunao. Nag-usap-usap silang palihim. Naisipan
sin nilang humingi ng tulong kay Datu Sumakwel.

Si Sumakwel ay mabait, magalang at matalino. Alam niya ang kasaysayan ng maraming bansa at
marami siyang alam kung tungkol sa paglalayag. Dinalaw ni Datu Paiborong at ni Datu Bangkaya
si Sumakwel. Ipinagtapat ng dalawa ang paglaban na nais nilang gawin. Ayaw ni Sumakwel sa
balak na paglaban.

Pinuntahan ni Sumakwel si Datu Puti. Si Datu Puti ay punong ministro ni Makatunao. Sinabi ni
Sumakwel ang suliranin ng mga datu at ang balak na paglaban. Ipinasiya nina Sumakwel at Datu
Puti ang palihim na pag-alis nilang sampung datu sa Borneo. Hindi nila magagapi si Makatunao.
Maraming dugo ang dadanak at marami ang mamamatay. Ayaw ni Datu Puti na mangyari ang
ganoon. Iiwan nila ang kalupitan ni Sultan Makatunao at hahanap sila ng bagong lupain na
maaaring pamuhayan nila nang malaya at maunlad. Sila’y mararangal na datu na mapagmahal sa
kalayaan.

Nagpulong nang palihim ang sampung datu. Sila’y tatakas sa Borneo. Palihim silang naghanda ng
sampung malalaking bangka, na ang tawag ay biniday o barangay. Naghanda sila ng maraming
pagkain na kakailanganin nila sa malayong paglalakbay. Hindi lamang pagkain ang kanilang
dadalhin kundi pati ang mga buto at binhi ng halamang kanilang itatanim sa daratnan nilang
lupain. Madalas ang pag-uusap ni Sumakwel at ni Datu Puti. Batid ni Sumakwel ang malaking
pananagutan niya sa gagawin nilang paghanap ng bagong lupain. Silang dalawa ni Datu Puti ang
itinuturing na puno, ang mga datung hahanap ng malayang lupain.
SEE ALSO: Biag ni Lam-ang (Epikong Ilokano)

Isang hatinggabi, lulan sa kanilang mga biniday o barangay, pumalaot ng dagat ang sampung
datu kasama ang kanilang asawa at mga anak at buong pamilya pati mga katulong. Sa sampung
matatapang na datu, anim ang may asawa at apat ang binata. Si Sumakwel ay bagong kasal kay
Kapinangan, si Datu Bangkaya ay kasal kay Katorong na kapatid ni Sumakwel. Ang mag-asawang
si Datu Paiborong at Pabulanan, si Datu Domangsol at ang asawang si Kabiling, ang mag-asawang
si Datu Padihinog at Ribongsapaw, Si Datu Puti at ang kanyang asawang si Pinampangan. Ang
apat na binatang datu ay sina Domingsel, Balensuela, Dumalogdog at Lubay.

Ang mga taga-Borneo ay kilala sa tawag na Bisya o Bisaya. Malakas ang loob nila na pumalaot sa
dagat pagkat batid nila ang pagiging bihasa ni Datu Puti at ni Sumakwel sa paglalayag. Nakita
nang minsan ni Sumakwel ang isang pulo makalagpas ang pulo ng Palawan. Alam niya na ang
naninirahan dito ay mga Ati, na pawang mababait at namumuhay nang tahimik. Alam din niya
kung gaano kayaman ang pulo.

Nasa unahan ang barangay ni Datu Puti. Makaraan ang ilang araw at gabi nilang paglalakbay,
narating nila ang pulo ng Panay. Ang matandang pangalan nito ay Aninipay.

Bumaba si Datu Puti at naglakad-lakad. Nakita niya ang isang Ati. Siya ay katutubo sa pulong
iyon. Pandak, maitim, kulot ang buhok at sapad ang ilong. Sa tulong ng kasama ni Datu Puti na
marunong ng wikain ng katutubo ay itinanong niya kung sino ang pinuno sa pulong iyon at kung
saan ito nakatira. Ipinabalita ni Datu Puti kay Marikudo na silang mga Bisaya mula sa Borneo ay
nais makipagkaibigan.

Si Marikudo ay siyang hari ng Aninipay. Siya ay mabuting pinuno. Ang lahat sa pulo ay masaya,
masagana at matahimik na namumuhay. Walang magnanakaw. Ang lahat ay masipag na
gumagawa. Kilala rin sila sa pagiging matapat at matulungin sa kapwa.

Dumating ang takdang araw ng pagkikita ng mga Ati sa pamumuno ni Marikudo at ng mga Bisaya
sa pamumuno ni Datu Puti. May isang malaking sapad na bato sa baybay dagat. Ito ang
kapulungan ng mga Ati. Ito ang Embidayan. Dito tinanggap ni Marikudo ang mga panauhin.
Nakita niya na mabait at magalang ang mga dumating. Ipinaliwanag ni Datu Puti ang kanilang
layong makipanirahan sa pulo ng Aninipay. Nais nilang bilhin ang lupain. Sinabi ni Marikudo na
tatawag siya ng pulong, ang kanyang mga tauhan at saka nila pagpapasyahan kung papayagan
nilang makipanirahan ang mga dumating na Bisaya.

Muling nagpulong ang mga Ati at mga Bisaya sa Embidayan. Nagpahanda si Marikudo ng
maraming pagkaing pagsasaluhan ng mga Ati at mga Bisaya. Dumating mula sa Look ng
Sinogbuhan ang mga Bisaya lulan ng sampung barangay. Nakaupo na sa Embidayan si Marikudo
kasama ang kanyang mga tauhan. Katabi ni Marikudo ang kanyang asawa na si Maniwantiwan.
Nakita ng mga Ati ang maraming handog ng mga Bisaya. Ang mga lalaking Ati ay binigyan ng mga
Bisaya ng itak, kampit at insenso. Ang mga babaeng Ati ay binigyan naman ng kuwintas, panyo at
suklay. Ang lahat ay nasiyahan. Nagpakita ng maramihang pagsayaw ang mga Ati. Tumugtog ang
Bisaya sa kanilang solibaw, plota, at tambol habang ang mga lalaki naman ay nagsayaw
pandigma, ang sinurog.

Nag-usap sina Marikudo at Datu Puti. Ipinakuha ni Datu Puti ang isang gintong salakot at gintong
batya mula sa kanilang barangay. Ibinigay niya ito kay Marikudo. Nakita ni Maniwantiwan ang
mahabang-mahabang kuwintas ni Pinampangan. Ito’y kuwintas na lantay na ginto. Ibig ni
Maniwantiwan ang ganoon ding kuwintas. Pinigil ni Maniwantiwan ang bilihan, kung hindi siya
magkakaroon ng kuwintas. Madaling ibinigay ni Pinampangan ang kuwintas niya kay
Maniwantiwan.

Itinanong ni Datu Puti kung gaano kalaki ang pulo. Sinabi ni Marikudo, na kung lalakad sa baybay
dagat ng pulo simula sa buwang kiling (Abril o buwan ng pagtatanim) ay makababalik siya sa
dating pook pagsapit ng buwan ng bagyo-bagyo (Oktubre o buwan ng pag-aani).

Ang lupang kapatagan ay ibinigay ng mga Ati sa mga Bisaya. Ibinigay rin nila ang kanilang mga
bahay. Ang mga Ati ay lumipat ng paninirahan sa bundok.

Madaling isinaayos ni Datu Puti ang mga Bisaya. Si Datu Bangkaya kasama ang kanyang asawa na
si Katurong at anak na si Balinganga at kanilang mga tauhan at katulong ay tumira sa Aklan.
Sumunod na inihatid ni Datu Puti sina Datu Paiborong at asawang si Pabulanon at ang kanyang
dalawang anak na si Ilehay at si Ilohay. May mga tauhan ding kasama si Datu Paiborong na
kakatulungin niya sa pagtatanim ng mga buto at binhi na iiwan ni Datu Puti at Datu Sumakwel.
Sina Lubay, Dumalogdog, Dumangsol at Padahinog ay kasama ni Sumakwel. Sila ay sa Malandog
naman maninirahan. Nagpaalam si Datu Puti kay Sumakwel. Kanyang pinagbilinan si Sumakwel
na pamunuang mahusay ang mga Bisaya. Nag-aalala si Datu Puti tungkol sa kalagayan ng iba
pang Bisaya sa Borneo sa ilalim ng pamumuno ng malupit na si Makatunao.

Matapos magpaalam kay Sumakwel, umalis na ang tatlong barangay, kay Datu Puti ang isa, at
ang dalawa pa ay sa dalawang binatang datu na sina Datu Domingsel at Datu Balensuela.
Narating nila ang pulo ng Luzon. Dumaong ang tatlong barangay sa Look ng Balayan. Ipinasya ng
dalawang datu na dito na sa Taal manirahan kasama ang mga “Taga-ilog”. Isang araw lamang at
umalis na sina Datu Puti at Pinampangan upang bumalik sa Borneo.

You might also like

  • Document
    Document
    Document5 pages
    Document
    Frederick Untalan
    No ratings yet
  • Sagabal
    Sagabal
    Document2 pages
    Sagabal
    Frederick Untalan
    No ratings yet
  • Fnal Project 1
    Fnal Project 1
    Document10 pages
    Fnal Project 1
    Frederick Untalan
    No ratings yet
  • Sagabal
    Sagabal
    Document2 pages
    Sagabal
    Frederick Untalan
    No ratings yet
  • Fredmatrix
    Fredmatrix
    Document19 pages
    Fredmatrix
    Frederick Untalan
    No ratings yet
  • Mabangis Na Lungsod
    Mabangis Na Lungsod
    Document5 pages
    Mabangis Na Lungsod
    Frederick Untalan
    No ratings yet
  • Epiko
    Epiko
    Document4 pages
    Epiko
    Frederick Untalan
    No ratings yet
  • Alamat NG Saging
    Alamat NG Saging
    Document2 pages
    Alamat NG Saging
    Frederick Untalan
    No ratings yet
  • Story
    Story
    Document3 pages
    Story
    Frederick Untalan
    No ratings yet
  • Fredmatrix
    Fredmatrix
    Document19 pages
    Fredmatrix
    Frederick Untalan
    No ratings yet
  • Pagsulat
    Pagsulat
    Document19 pages
    Pagsulat
    Frederick Untalan
    No ratings yet
  • Mga Suliranin NG Mga Mag - Aaral at
    Mga Suliranin NG Mga Mag - Aaral at
    Document23 pages
    Mga Suliranin NG Mga Mag - Aaral at
    Frederick Untalan
    No ratings yet