You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Bacoor
SHS IN SAN NICHOLAS III, BACOOR CITY
San Nicholas III, City of Bacoor, Cavite

"Ang epekto ng absentism sa GAS 12 C sa san nicholas lll"

Ipinasa ni:

Bautista, Mark john

Ipinasa bilang bahaging pangangailangan sa Filipino sa Piling Larang tungo sa Pananaliksik sa


Filipino.

Sa patnubay ni Ginoong Armando Guerrero Cacdac

Setyembre, 2019
Kabanata 1
Ang epekto ng absentism sa GAS 12 C sa san nicholas lll

Panimula

Sa panahon ngayon, marami-rami na ring mga estudyante ang binabalewala nalang ang
pagpasok sa klase. Minsan ang kadahilanan nito’y ang masasamang impluwensya ng barkada o kung
minsan naman ay may sapat at katanggap-tanggap na dahilan ang mga mag-aaral.

Sinabi ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal na “Ang kabataan ang pag-asa ng
bayan.” Ngunit, paano magiging pag-asa ng bayan ang mga kabataan kung sila mismo ay tumutungo sa
maling landas at mas pinipili pa ang kanilang kagustuhan kaysa sa kanilang kinabukasan.

Alam natin na ang madalas na pagliban sa klase ay nakakaapekto sa ating kinabukasan. Marami
silang nalilibanang mga paksa sa klase, at dahil dito, makakaapekto ito sa kanilang mga grado at maari
rin tong maging dahilan upang bumagsak sila at umulit nanaman sa asignaturang iyon.

Madaming kabataan ngayon ang mga walang pinag aralan dahil sa pagliban sa klase, sa bawat
Kanto madaming makikitang mga batang nakatambay lang. Madami ding mga magulang ang nag
mamakaawa sa nga guro dahil Hindi na tinatanggap sa klase ang kanilang anak. May mga pinag bigyan
na ngunit nga ilang araw ulit Hindi na ulit pumapasok.

Pagpapahayag ng Suliranin at Layunin

1. Paano mailalarawan ang respondents batay sa kanyang:

1.1 Edad;

1.2 Kasarian; at

1.3 Dahilan ng pag liban sa klase?

2. Ano ang mga salik na nakaapekto sa pag liban ng klase ng respondente?

3. Ano ang mga epekto ng absenteeism ng respondente batay sa kanyang:


3.1 Pag-aaral

3.2 Sikolohikang Epekto?

Konseptwal na Balangkas

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay makatutulong upang malaman ng bawat isa ang epekto ng
madalas na pagliban ng mga estudyante sa klase. Magsisilbi din itong gabay upang maiwasan na

Paradaym ng Pag-aaral

Ang paradaym ng pagaaral na ito ay gumamamit ng surbey, sa pangangalap


ng mga datos at dokumentasyon ay mailalarawan ang mag-aaral batay sa kanyang edad,
kasarian at Dahilan ng pagliban maging ang kadalasang kinakaharap na problema ng mga
estudyante sa kanilang pag-aaral. Ang resulta ng pag-aaral ay kung ano ang mga epekto ng
problema sa pamilya sa pag-aaral ng mag-aaral.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga dahil iito ay magbibigay pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral. Ito ay makakatulong sa kanila dahil malalaman nila any epekto nito sakanila.

Sa mga magulang. Ito rin ay magsisilbing gabay sa mga magulang upang magabayan nila ang
kanilang mga anak kung pano nila Ito mababantayan.

Sa mga guro. Ito ay makatutulong sa mga guro para maaari silang gumawa ng hakbang upang
hikayatin ang mga estudyante na dumalo sa klase.

Sa mga susunod pang mananaliksik. Ito ay makatutulong sa kanila maari nila itong palawakin at
biyan ng mas malawak na solusyon ang mga nabigay na suliranin.

SAKLAW AT LIMITASYON

Sinasaklaw ng pananaliksik na ito, ang pagsusuri sa kung ano ang maging epekto ng pagliban sa
klase ng mga mag-aaral at kung paano ito masusulusyunan.
Depinisyon ng Terminolohiya

Upang mapadali ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, Binigyan ng mananaliksik ng kahulugan


ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pananaliksik na ito.

Akademiko. ay isang intitusyonna kinakabilangan ng mga mag aaral na layunin na magbigay taon sa
pagbasa at pagsulat.

GAS 12-C. Ang mga kabilang dito ay ang mga naglalaro ng online games at sila ang mga sasagot sa
kwestyoner o nasabing pagaaral.

You might also like