You are on page 1of 7

Tandang Sora National High School

Mindanao Ave.Ext. Tandang Sora Quezon City

Takdang Gawain para sa Linggo 5


Setyembre 30-Oktobre 4,2019
Aralin 2.3

Pangalan______________________________________ Iskor_________________

Seksyon_______________________ Lagda ng Magulang________________


A. Panitikan: Ang Kababaihan ng Taiwan : Ngayon at Noong Nakalipas na 50 taon
Sanaysay – Taiwan
(Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina)
B. Gramatika / Retorika: Mga Pangatnig na Nag-uugnay ngMagkatimbang na Yunit(at, pati,
saka, o, ni, maging, ngunit, subalit ), at
Di-Magkatimbang na Yunit (kung, nang,bago,upang, kapag o ‘pag,
dahil sa, sapagkat,
C. Uri ng Teksto: Naglalahad

Unang Araw
A. Tuklasin (Panimulang Gawain)
GAWAIN 1. NAGLALARAWAN
Magbigay ng mga salitang naglalarawan sa salitang Dalagang Pilipina.

“Ang Dalagang Pilipina”

Pagbabahagi sa klase ng mga kaugalian at natatanging katangian ng isang dalagang Pilipina.


Ikalawang Araw
B. Linangin (Pagbasa sa Teksto)
Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay upang malaman kung paano masasalamin ang kalagayang
panlipunan at kultura ng Silangang Asya.

Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon


isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina

Ang bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay 51% o 2% na mataas kaysa kalalakihan.


Maaaring isipin ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong pagkakataon at karapatan gaya ng
kalalakihan. Ilang kababaihan lamang sa buong mundo ang nakakakuha ng pantay na karapatan at paggalang
tulad sa kalalakihan. Ang tungkulin at kalagayan ng kababaihan ay untiunting nagbabago sa nakalipas na 50
taon. Ito ay makikita sa dalawang kalagayan : una ang pagpapalit ng gampanin ng kababaihan at ang ikalawa
ay ang pag-unlad ng kanilang karapatan at kalagayan. Nakikita ito sa Taiwan.
Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay katulad sa kasambahay o
housekeeper. Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng
kanilang asawa. Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan
sa tahanan.
Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong naging komplikado. Sa bahay ng mga
Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay. Ngunit sa larangan ng trabaho,
inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan. Sa madaling salita, dalawang mabibigat
na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.
Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong makapag-
aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila. Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay ng halaga sa
kakayahan ng babae at ang mga kinauukulan ay handang kumuha ng mga babaeng may kakayahan at
masuwelduhan ng mataas. Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae sa
isang kumpanya at nakikita na ring may mga babaing namamahala. Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa
mga babae pagdating sa edukasyon. Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang bilang ng
mga babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon.
At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa kababaihan ay
nakikita na rin. Halimbawa, sa Accton Inc., isa sa nangungunang networking hardware manufacturer sa Taiwan,
ginawa nang isang taon ang maternity leave sa halip na 3 buwan lamang. Ang gobyerno ng Taiwan ay
gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng pantay na karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang
kababaihan.
Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung
ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin. Ngunit hindi ito
nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan.
Mayroon pa ring mga kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider nito.
Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan. Ito
ay matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki
ang aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.

GAWAIN 2: Paglinang ng Talasalitaan:


Bigyang-kahulugan ang mga salitang nakasalungguhit batay sa denotasyon:
1. parehong pagkakataon ______________________________________________
2. pantay na karapatan ________________________________________________
3. naiiba na ang gampanin _____________________________________________
4. hindi makatarungan ang trato _________________________________________
5. higit na mapanghamon ______________________________________________

GAWAIN 3: Talahanayan
Punan ang talahanayan ng hinihinging impomasyon batay sa akdang binasa:

NOON HINIHINGING IMPORMASYON NGAYON

Magbigay ng mgapatunay na
nagbago na angkalagayan ng
kababaihan saTaiwan ngayon at
noong nakaraang50 taon.
KONGKLUSYON:

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Nagbago ba ang kalagayan ng kababaihan sa Taiwan noong nakalipas na 50taon at sa
kasalukuyan? BIgyang- patotoo ang iyong sagot.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Anong kongklusyon ang nabuo ng may -akda sa wakas ng sanaysay?

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

GAWAIN 4. Pagsusuri sa Sanaysay

1. Ano ang paksa ng binasa ?


______________________________________________________________________________
2. Ano ang layunin ng sumulat nito?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
3. Ipaliwanag ang sumusunod na kaisipan :
a. “Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa mababang kalagayan sa
lipunan.”
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
b. “Ang karapatan at kalagayan ng kababaihan ay umuunlad kung ihahambing 50 taon ang
nakalipas.”
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
c. “Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay-halaga sa kakayahan kaysa kasarian.”
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Ano ang masasabi mo sa pagkakabuo ng sanaysay ?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Paano masasalamin sa sanaysay ang kalagayang panlipunan at kultura ng Silangang Asya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Ikatlong Araw
GAWAIN 5: Pagbasa ng Ikalawang Teksto
Pagbibigay Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino
sa Pamamagitan ng Estadistikang Kasarian

“Babae, pasakop kayo sa inyong asawa,” isang pahayag na hinango sa Banal na Aklat at naging
panuntunan ng balana rito sa daigdig sa lahat ng panahon.
Lahat ng bagay ay nagbabago kaya nga walang permanente sa mundo. Ang dating kiming tagasunod
lamang ay natutong tumutol laban sa karahasan sapagkat hindi na matanggap ang dinaranas na kaapihan.
Kaniyang ipinaglaban ang sariling karapatan upang makapagpasiya sa sarili. Lakas-loob din niyang hiningi ang
karapatang maisatinig ang matagal nang nahimbing na pagnanasang maging katuwang hindi lamang sa tahanan
kundi maging sa paghubog ng lipunan para sa isang maunlad, matahimik at kaaya-ayang kinabukasan.
Sa ngayon, ang kababaihan ay unti-unting na ring napahalagahan. Hindi man ito maituturing na ganap
dahil sa patuloy na mga karahasang pantahanan na pawang mga kababaihan ang nagiging biktima. Ang sexual
harassment na madalas ay daing ng mga kababaihan ay nagdaragdag sa mga suliraning
pambansa.
Ang babae ay katuwang sa pamumuhay. Hindi sila katulong na tagasunod sa lahat ng mga ipinag-uutos
ng ilang nag-aastang “Panginoon”. Sila’y karamay sa suliranin at kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot
ng pait sa bawat miyembro ng pamilya.
Tunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi kabahagi sa pagpapaunlad ng bayan sa
lahat ng panahon.
Marami na ring samahan ang itinatag upang mangalaga at magbigayproteksiyon sa mga kababaihan.
Ilan sa mga ito ay Gabriela, Tigil-Bugbog Hotline at marami pang iba. Patuloy ang mga samahang ito sa
pakikibaka upang sugpuin ang patuloy na diskriminasyon sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan. Layunin
nilang mabigyan ng edukasyon at kamulatan sa mga karapatang dapat
ipakipaglaban ng mga kababaihan.
- halaw sa Sandigan I(Kalipunan ng mga Banghay-Aralin
sa Pagtuturo ng Filipino ) ni Lolita M. Andrada

GAWAIN 6. Pagsagot sa Tanong


Sagutin ang mga tanong sa bawat hanay nang naaayon sa naunawaan mo sa tekstong binasa.
1. Ano ang kalagayan ng kababaihang Pilipino sa ating lipunan sa kasalukuyan ?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Paano mo ihahambing ang kalagayan ng Pilipina sa babaing Taiwanese ?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Ano ang tono ng may-akda sa isinulat na sanaysay? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Ano ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng ganitong uri ng sanaysay ?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
5. Bumuo ng sariling pananaw kung ano ang dapat na maging katayuan ng kababaihan sa lipunan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
6. Isa-isahin ang katangiang taglay ng sanaysay.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

GAWAIN 7. Pagsasanib ng Gramatika/Retorika


Pangatnig ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay na
pinagsusunod-sunod sa pangungusap. Halimbawa: Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at kamulatan sa mga
karapatang dapat ipakipaglaban ng mga kababaihan.
Ang pangatnig na at ay nag-uugnay ng mga salitang edukasyon at kamulatan.
Sila’y karamay sa suliranin at kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng
pamilya. Ang pangatnig na at ay nag-uugnay ng dalawang sugnay. Ang unang sugnay ay sila’y karamay sa
suliranin. Ang ikalawang sugnay ay kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng
pamilya.
May dalawang panlahat na pangkat ng mga pangatnig : (1) yaong nag-uugnay ng magkatimbang na yunit
(2) yaong nag-uugnay ng di- magkatimbang na yunit.
Sa unang pangkat, kabilang ang mga pangatnig na at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit, subalit atbp. Ang
mga pangatnig na ito ay nag-uugnay ng mga salita, parirala at sugnay na magkatimbang o mga sugnay na kapwa
makapag-iisa.
Sa ikalawang pangkat naman ay kabilang ang mga pangatnig na kung, nang, bago, upang, kapag o pag,
dahil sa, sapagkat, palibhasa, kaya, kung gayon, sana, atbp. Ang mga pangatnig na ito ay naguugnay ng dalawang
sugnay na hindi timbang, na ang ibig sabihin ay pantulong lamang ng isang sugnay.
- mula sa Makabagong Balarilang Filipino
ni Alfonso O. Santiago at Norma G. Tiangco, 2003

Pagsasanay 2. Pagpapahayag ng Opinyon


Pagmasdan mo ang sumusunod na larawan. Bumuo ka ng mga pangungusap na magpapahayag ng iyong
opinyon at pananaw tungkol sa mga larawan. Gumamit ng mga pangatnig.
Ikaapat na Araw

C. Pagnilayan at Uawain

a. Paano masasalamin sa sanaysay ang kalagayang panlipunan at kultura ng Silangang Asya?

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

b. Paano mabisang maipahahayag ang iyong mga opinyon at pananaw gamit ang mga pangatnig?

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

D. Ilipat

GAWAIN 8. Pagtatalumpati

(Gamit ang natutuhan sa sanaysay at pangatnig kayo ay bubuo ng isang


talumpati na pumapaksa sa mga kababaihan at napapanahong isyu.)

Pamatanyan:
Mapanghikayat…………………………………30 puntos
Makatotohanan………………………………….20 puntos
Kaangkupan sa paksa…………………………..20 puntos
Kawastuhan ng Balangkas………………………30 puntos

_________
100puntos

_______________________________________________

You might also like