You are on page 1of 2

Shane Ronquillo Bagayas Hunyo 17, 2019

Jonah Filipino 9

Ice Cream | Mr. Bean

Si Mr. Bean ay naglalakad sa parke at sabi niya sa sarili niya, “Ang init naman!”
Habang si Mr. Bean ay nagsasalita sa kaniyang sarili ay may dumating na isang truck ng
sorbetes. Nang makita ni Mr. Bean iyon ay nagtatalon siya sa saya. Pumunta si Mr. Bean
sa truck ng sorbetes at pumili siya ng kaniyang biblhin. Ibibigay na sana ng tindero ang
sorbetes ngunit hiningi niya ang bayad ni Mr. Bean subalit naiwan ni Mr. Bean ang
kaniyang pitaka sa kaniyang bahay kaya dali dali siyang umuwi sa kanyang bahay. Nang
bumlik si Mr. Bean ay mahaba na ang pila kaya nagpupumilit siya na mauna sa pila,
ngunit hindi siya pinayagn ng tindero. Matapos ang ilang oras ay siya na ang bibili ngunit
magmemeryenda muna ang tindero. Si Mr. Bean ay pumasok sa loob ng truck para
gumawa ng kaniyang sorbetes, ngunit may dumating na bata at bibili ito ng sorbetes kaya
si Mr. Bean ay napilitang ibigay ang kaniyang hawak na sorbetes sa bata dahil mukhang
iiyak na ito. Gumawa ulit si Mr. Bean ng kaniyang sorbetes at may bumibili ulit na bata,
hanggang sa dumadami na ang bumibili at hindi na siya nakagawa para sa kaniyang
sarili. Puno na ang lalagyanan ng pera at ubos na din ang sorbetes. Nang matapos
magmeryenda ang tindero ay bumalik siya sa kaniyang trabaho at si Mr. Bean naman ay
dali daling nagtago sa lalagyanan ng apa. Nang makita ng tindero na ubos na ang
sorbetes ay pumunta siya sa pabrika ng mga sorbetes. Umalis ang tindero at kumuha ulit
ng bagong supply ng sorbetes, si Mr. Bean naman ay lumabas sa at nag-unat matapos
ang mahabang pagtatago niya sa loob ng lalagyanan ng apa. Nang makita ni Mr.Bean
ang lalagyan ng popsicle stick ay dapat kukuha na siya ngunit dumating ang tindero na
may dalang bagong supply ng sorbetes, kaya nagtago ulit siya sa pinagtataguan niya
kanina. Nilagay ng tindero ang sorbetes sa dapat paglagyan nito at nang makita ng
tindero na ubos din ang kaniyang mga biskwit ay kumuha ulit siya ng bagong supply.
Muling lumabas si Mr. Bean sa kaniyang pinagtataguan at gumawa ng kaniyang sariling
sorbetes. Si Mr. Bean ay masayang masaya dahil meron na siyang sorbetes, nang
kakainin na ni Mr. Bean ang kaniyang sorbetes ay biglang dumating ang tindero at sabi,
“HOY! IKAW!” si Mr. Bean ay hindi mapakali kaya dali dali niyang kinuha ang syrup at
pinatalsik ito sa mukha ng tindero para hindi makakita.lumabas si Mr. Bean at umakyat
sa bubong ng truck at nang hinahanap siya ng tindero ay may tumulong na kaunting
sorbetes at bumagsak sa ilong ng tindero kaya nakita niya si Mr. Bean sa bubong ng
kaniyang truck. Tumalon si Mr. Bean sa truck para tumakas sa tindero atang sorbetes ni
Mr. Bean ay natutunaw habang siya ay tumatakbo. Nagtago si Mr. Bean sa likod ng
basurahan at nakita siya ng tindero kaya tumakbo ulit siya papalayo, hanggang sa
napagod at sumuko na ang tindero sa kakatabo dahil hindi niya na mahabol si Mr. Bean.
Nang dumating si Mr. Bean sa kaniyang bahay ay natapon ang kaniyang sorbetes sa
sahig ng kaninyang bahay. Bumalik ang tindero sa pabrika ng sorbetes dahil nandun ang
kaniyang truck, nang makita niya na puno ang lalagyanan ng pera ay nagulat siya.
Pinuntahan niya si Mr. Bean sa kaniyang bahay tulong ng natunaw na sorbetes sa daan.
Nakita ni Mr. Bean ang kaniyang nobya na bumibili ng sorbetes sa daan. Tinanong ng
tindero kung kilala niya ang nakatira sa tinitirhan ni Mr. Bean, sumagot ang nobya ni Mr.
Bean, “Oo kakilala ko ang nakatira diyan at siya ay ang aking nobyo. Ang pangalan niya
ay Mr. Bean.” Ang tindero naman ay naghanda ng dalawang sorbetes para
magpasalamat kay Mr. Bean dahil sa kaniyang ginawa. Si Mr. Bean naman ay hindi alam
ang nangyayari sa labas kaya siya ay natataranta. Kummatok ang kaniyang nobya sa
kaniyang tirahan para ibigay sa kanya ang sorbetes, ngunit si Mr. Bean ay hindi
pinagbuksan ang kaniyang nobya dahil akala niya ang kumakatok ay ang tindero. Kaya
ang nobya ni Mr. Bean ay bumabay at ibinigay ito sa matandang babae na nagmamay-
ari ng tinitirhan ni Mr. Bean, at tinanggap naman ito ng matanda. Si Mr. Bean naman ay
tumayo sa kaniyang kinatatayuan at tumingin sa kaniyang bintana para tignan kung
nakaalis na ba ang truck ng sorbetes. Nakita niya ang kaniyang nobya na inaabot ang
isang sorbetes sa matanda. Binuksan niya ang bintana at tinanong niya ang kaniyang
nobya, “Para sa akin ba iyan?” “Gusto ka niyang pasalamatan sa pagtulong mo sa kanya
kaya binigyan nya ako ng isang sorbetes para ibigay sayo, ngunit hindi mo ako
pinagbuksan kaya ibinigay koi to sa kanya.” Si Mr. Bean ay dali daling bumaba ng
kaniyang tirahan para habulin ang truck ng sorbetes ngunit hindi na niya ito nahabol.

You might also like