You are on page 1of 2

PAGSILIP SA NAKATAGONG IMAHE NG ILIGAN

NA NAKAPALOOB SA BISAYA MAGAZIN

PANITIKAN

Hindi lingid sa ating kaalaman na ang pagkakaroon ng makulay at masining na

kultura ay isa sa pinakamayamang taglay ng isang bansa. Nililinang at pinagyayaman ito ng

mga mamamayang patuloy na kumakapit at naniniwalang dapat pahalagahan ang sariling

kultura. Sa patuloy at di mapigilang paghakbang ng modernisasyon at makabagong

pamumuhay; sa impluwensyang dayuhan na tinatangkilik ng mas nakararami; sa umuusbong

na bagong paniniwala sa makabagong henerasyon, may bakas pa ba ng nakaraan ang

matutunghayan o di kaya’y makikita?

Ang mga nakatagong imahe ng iilang lugar sa bansa ay unti-unti ng natatabunan ng

modernisasyon at teknolohiya. Hindi na namamalayan ng nakararami ang unang istorya at

nakaraan ng mismong kinagisnang lugar. Mahirap mang balikan ang nakalipas subalit kung

ito’y babalikan ng tanaw, maaaring mahukay ang isang maganda at kamangha-manghang

kuwento.

Isa ang Lungsod ng Iligan sa kilalang may maganda at makulay na kultura sa kabila

ng masasalimuot na pangyayaring may kinalaman sa pagsalakay ng mga terorista. Ang Iligan

ay binubuo ng tatlong mayoryang pangkat na naninirahan sa nasabing lugar. Ang mga

muslim, kristyano at mga lumad na nananahan sa Lungsod ng Iligan ay mga buhay na

patunay ng umuusbong na tradisyon na natatangi sa lugar. Mga pinaghalong kultura na

bumuo at nagbigay ng pagkakakilanlan sa lungsod. Higit na kilala ang lungsod dahil sa

sumasabay ito sa makabago at napapanahong mga pangyayari. Hindi na nahuhuli sa uso kahit

saan mang larangan. Subalit ang isang malaking katanungan ay kung naaalala at nakikilala pa
ba ng mga tao lalo na yaong mga kabataan ang pinagmulan at imahe ng lungsod bago pa man

ito naging modernong kabihasnan? Nakikita pa kaya ng iilan ang anyo at pinagdaanan ng

lugar sa paglipas ng panahon?

Nais ng mananaliksik na tuklasin sa pag-aaral ang mga sumusunod:

1. Ano-ano ang mga patalastas ng Bisaya magazin na tumutukoy sa Iligan?

2. Ano-anong imahe ng Iligan ang makikita mula sa patalastas?

3. Ano-ano ang malaking pagbabago sa imahe ng Iligan noon at ngayon?

You might also like