You are on page 1of 11

Ang Nasyonalismo at Paglaya ng mga

bansa sa Timog at Kanlurang Asya


Sa iyong sariling
pagkakaunawa, ano
ang ibig sabihin ng
nasyonalismo?
Ang Nasyonalismo ay isang sistema
ng paniniwala o ideolohiyang politikal
ng pagiging makabansa, ng katapatan
sa interes ng bansa, ng
identipikasyon nang may pagmamalaki
sa kultura at tradisyon ng bansa, at
ng paglulunggating matamo ang
pambansang pagsulong.
Ang bansa ay isang politikal na yunit sa mundo
na pinamumunuan ng isang lider.
Pinamumunuan ng lider na ito hindi lamang
lupain ng kaniyang teritoryo, bagkus pati ang
mga mamamayang naninirahan dito. Tungkulin
ng bawat isang miyembro na ipagtanggol ito.
Gaano ba talaga kahalaga ang pagkakaroon ng
isang bansa? Anu-ano ang mga mabubuting
naidudulot ng pagkakaroon ng sariling bansa?
Ano ang maaari mong gawin upang mapatibay
ang kalayaan ng iyong bansa?
Ano ba ang naging dahilan bakit
umigting ang Nasyonalismo?
TANDAAN!
Ang mga salik na nagbigay daan sa pagsulong ng
nasyonalismo ay ang pang-aabuso at monopolyo.
Pang-aabuso sa mga likas na yaman na mayroon
isang bansa na inaabuso na ng mga dayuhan at
tinatanggalan ng mga karapatan upang
mamuhay nang maayos.
Ang monopolyo (ang pagkontrol ng isang
produkto sa iisang kumpanya) ay nakabalakid sa
paglago ng ekonomiya ng isang bansa at ang
nagkaroon ng mga bensepisyo ay ang mga
dayuhan.
Isipin mo na nasa gitna ka ng labanan at isa kang lider.
Nakita mo na sinusunog ang iyong mga kababayan sa
walang dahlian. Sila’y inaabuso. Ano ang iyong
madadarama?
Ang Rehiyon Matapos ang Unang
Digmaang Pandaigdig

• Kasabay ng pagkatalo ng
Central Powers ay ang
pagbagsak ng mga imperyong
kasapi nito.
• Maraming mga bansa ang nahati
dahil sa mga ideolohiyang
pinapanukala.
Mga Larawan ng Unang Digmaang
Pandaigdig
Pagkabuo ng Israel bilang Bansa ng
mga Hudyo
• Ang pagkabuo ng isang bansa para sa mga
Hudyo o Jewish State ay unang idineklara
ng Britanya sa pamamagitan Deklarasyong
Balfour o ang bansa para sa mga Hudyo
Balfour Declaration.
• Sa kasulatang ito ay ipinahayag ng Kalihim
ng Ugnayang Panlabas ng Britanya na si
Arthur James Balfour sa isang liham para
isang lider ng mga Hudyo na si Valter
Rothschild ang pagsuporta ng Britanya sa
pagtatag ng bansa para sa mga Hudyo.
Napalitan ng Unang Digmaang Pandaigdig
ang mga imperyong humahawak sa
Kanlurang Asya. Maliban dito ay
nagkaroon din ng pagbabago sa paraan
ngpananakop sa teritoryong ito. Sa
pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig
ay nagsimula naman ang ilang bagong
suliranin na kahaharapin ng rehiyon sa
hinaharap.

You might also like