You are on page 1of 3

Wika ay Kandila

Wika ay para kang isang kandila,


puno ka ng hiwaga.
Pag ikaw ay may ilaw lahat ay maligaya,
ang iyong liwanag ay nagbibigay sigla.
Ang init ng iyong apo’y,
pinapawi ang aming mga panaghoy.
Ang wala pang sindi’y sa iyo pupunta,
at katulad mo ri’y magbibigay saya.

Ating wika’y naging ilaw,


upang ang kalayaan ay matanaw.
Sa dilim sa ati’y komupkop,
para mailigtas sa mga mananakop.
Ang sinag ng kaniyang apoy
ay nagging gabay para tayo’y magpatuloy
Wikang Filipino dapat nating pahalagahan,
sapagka’t ito ay kaluluwa ng ating bayan.

Ngunit ako’y naguguluhan,


ako’y natataranta hindi malaman
ano nga ba ang dahilan?
ano ang nangyayari sa ating henerasyon,
sinasambit ang wika ng ibang nasyon?
Mas marami pa tayong alam sa wika ng kano at koreano,
nananalaytay pa ba sa atin ang dugong Pilipino?
Hindi ko alam kung paano? Nagiging dayuhan na tayo, sa sarili nating teritioryo?

Ako’y hindi pilay na hindi nakakatindig,


aking prinsipyo’y para sa bansang iniibig.
Ito ang panawagan namin, sa nakapiring ang mga mata, nakatakip ang mga tainga at nakabusal ang
bibig.

Bulag. Bulag.
Bulag?
Bulag nga ba talaga o nagbubulag-bulagan lamang.
Mas pinipiling piringan ang mga mata sa katotohan,
sa kagustuhang umunlad ang kaniyang bayan.
Makipagsabayan sa ibang bansa ay hindi masama,
pero ang pagsasakripisyo ng sariling wika ay labis na nakakabahala.
Wag maging sunod-sunuran Internasyunal na pamantayan,
hindi lahat ay nakakabuti sa iyong bayan.
Ang pagihip sa kandila ay pagpatay na rin sa ating sariling dila.

Bingi!
Bingi!
Ika’y nagsasaya dahil katulad ka na nang iba,
hindi mo napansin nasagi mo na ang kandila.
Ang pag alis ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, ay hindi isang biro.
Mga departemento ng Filipino ay parang baliw’ng tuliro.
Sinisigawan ka nang katotohanan ang iyong desisyon ay walang kabuluhan.
Himig namin ay sana’y mapakinggan,
ang aming ipinaglalaban ay para rin sa ating bayan,
sana maisip mo rin ang aming kapakanan.

Pipi, Sigaw! Pipi, Sigaw!


Pipi kang saksi sa katotohanan,
dinig na dinig ang mga sigawan
mananatili ka pa bang tikom sa mga kaganapan.
Binubusalan ang bibig sa mga katagang nais kumawala
May boses subalit sinasakal ang sariling tinig
Gusto ng karamihan ay ika’y madinig
Wag kang matakot, lahat tayo’y sangkot.

Gumising ka!
Alisin ang piring sa mga mata,
Pakinggan mo ang tinig ng nagkakaisang masa,
Tanggalin ang busal sa bibig
Bulag hindi mo man Makita sana madama mo.
Bingi hindi mo man madinig sana Makita mo.
Pipi wala ka mang boses sana gumawa ka ng aksyon at ipaglaban ang nararapat para sa iyong
nasyon.
Bulag, Pipi at Bingi
Sakit ng nakakarami.
Kapwa ko Pilipino.
Pulutin ang kandila
at itayo ito tulad ng mga dakila
Matuto sa iyong karanasan
Malakas na hangin ay iyong paghandaan
Huwag magsasawat walang pakundangan
Kaya ngayon Kandilang namatay ay muling sindihan
At ang liwanag nito’y masilayan

Kaya kapwa ko Pilipino, wag mong sayangin


Ang liwanag na bigay sa atin.
Ito ang tanglaw ng buhay na gagabay sa atin.
Kami’y mag iiwan ng katanungan dahil sa posibleng maraming kasagutan
Pilipino ka pa nga ba?

You might also like