You are on page 1of 1

Pangalan

PANGHALIP NA PANAO
Bilugan ang lahat ng panghalip na panao sa bawat pangungusap.

1. Alam na nila ang sikreto natin.

2. Makinig ka nang mabuti sa guro mo.

3. Ano ang sinabi niya tungkol sa proyekto natin?

4. Sila ba ang tuturuan namin ng sayaw?

5. Basahin mo ang aklat na ibinigay ko.

6. Alam ba nila kung saan tayo pupunta?

7. Ako at ikaw ang napiling gumuhit ng larawan.

8. Sasabay ako para hindi kayo mawala roon.

9. Hintayin ninyo kami sa labas ng silid.

10. Siya ang nanay ng kaibigan ko.

11. Sila ang kasabay ninyo sa lakbay-aral.

12. Kayo ay kabilang sa pangkat namin.

13. Nagulat kami nang sumigaw sila.

14. Ikaw ang pinakamatalinong estudyante niya.

15. Sigurado ka ba na siya ang nakita mo?

© 2013 Pia Noche www.samutsamot.com

You might also like