You are on page 1of 2

Ang Kuba ng Norte Dame

By: Victor Hugo


Tauhan:

Quasimodo- ang protagonistang kuba ng Notre Dame bilang kinukutyang “papa ng


kahangalan” dahil sa taglay hindi kaaya-aya ang kanyang itsura para sa mga tao sa
nobela.

Pierre Gringoire- ito naman ay ang kilalang tauhan na nagpupunyaging makata at pilosopo
sa lugar.

La Esmeralda- siya naman ang kilalang dalagang mananayaw. Siya ang nawawalang anak
na babae ni Sister Gudule.

Phoebus- siya ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian ng Paris. Ang pangalan
niya ay Phoebus de Chateaupers.

Sister Gudule- ang babaeng dating mayaman pero nasiraan ng bait nang mawala ang
kanyang anak na babae.

Claude Frollo- ang paring antagonista o k o n t r a bida. Si Frollo ay hindi tipikal o common
na tauhan na may masamang ugali, sa halip, siya ay may pagkamahabagin.

Tagpuan:

Paris

Buod:

Noong unang panahon mayroong isang kuba na sobrang napakapangit na si Quasimodo


na nagkakagusto kay La Esmeralda, isang napakagandang mananayaw. Ngunit hindi lang
si Quasimodo ang may gusto kay La Esmeralda, maging ang paring kumupkop kay
Quasimodo na si Claude Frollo at ang kapitan ng tagapagtanggol ng kaharian na si
Phoebus ay nabighani rin. Labis ang pagnanasa ni Frollo kay La Esmeralda kung kaya't
sinunggaban niya ito isang araw na naglalakad mag-isa. Nailigtas si La Esmeraldan ng
pilosopong si Pierre Gringoire. Dinakip sa Quasimodo at nakatakdang bitayin ngunit
nakiusap si La Esmeralda kaya't hindi nabitay si Quasimodo. Noong mga oras na iyon ay
nahulog na ang loob ni Quasimodo kay La Esmeralda. Sa kabilang banda, may
nagtangkang pumatay kay Phoebus ang katipan ni La Esmeralda at pinaratangan si La
Esmeralda kaya't pinagdesisyunan siyang bitayin. Nang oras na siya ay bitayin ay sumugod
ang mga magnanakaw na kaanak ni La Esmeralda upang ipagtanggol siya at nandoon din
si Quasimodo. Pinapili ni Frollo si La Esmeralda kung gusto ba nitong mabitay o mahalin na
lamang siya ngunit mas gusto pang mamatay si Esmeralda kaysa mahalin si Frollo. Noong
makita ni Quasimodo na wala ng buhay si La Esmeralda ay labis siyang nasaktan at bigla na
lang naglaho ngunit kalaunan ay natagpuan ang isang kalansay ng kuba na nakayakap sa
kalansay ni La Esmeralda.

Aral na Napulot:

Sa kuwento ng Kubo ng Notre Dame makikita natin na ang kagandahan ay lubos na


pinahahalagahan. Minsan ang kagandahan ay maaaring ilagay sa iyo sa kapahamakan
tulad na niEsmeralda. Sa kabilang banda ang kapangitan ay isang bagay na kinapootan at
kinatatakotan ng mga tao. Sa kaso ng Quasimodo ang aral dito ay ang panlabas na hitsura
ay madalas na itago ang isang maganda at dalisay na puso at isipan.

You might also like