Professional Documents
Culture Documents
1 AP 7 First Grading
1 AP 7 First Grading
Department of Education
Region III
Division of Zambales
S AN G U ILL E RM O N AT IO N AL H IG H SC HO O L
San Marcelino
ARALING PANLIPUNAN
Grade 7 – ASYA
Unang Markahang Pagsusulit
4. Ito ang rehiyon sa Asya na binubuo ng China, Japan, North Korea, South Korea, at Taiwan.
a. Hilaga b. Kanluran c. Silangan d. Timog
6. Ito ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na may taas na halos 8,850 metro.
a. Mt. Apo c. Mt. K2
b. Mt. Everest d. Mt. Kanchenjunga
8. Ang pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo na binubuo ng humigit kumulang na 13,000 mga pulo.
a. Indonesia b. Japan c. Philippines d. Taiwan
11. Ito ay uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng pagkakaroon ng kagubatan o damuhan.
a. Climate b. Forest c. Land d. Vegetation
12. Ito ay uri ng damuhang may ugat na mabababaw o shallow-rooted short grasses.
a. Grass b. Prairie c. Savanna d. Steppe
1
13. Sentral Kontinental ang uri ng klima sa anong rehiyon sa Asya?
a. Hilaga b. Kanluran c. Silangan d. Timog
14. Ang mga __________ mula sa Siberia ang tanging yamang gubat sa rehiyong ito.
a. Damuhan b. Natural Gas c. Troso d. Yamang Mineral
17. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa mga bansang nabibilang sa Timog Asya?
a. Paggugubat b. Pagsasaka c. Pagtotroso d. Pangisdaan
18. Sa kagubatan ng __________ matatagpuan ang pinakamaraming punong teak sa buong mundo.
a. Brunei c. Myanmar
b. Cambodia d. Philippines
19. Ang __________ ay isa sa mga bansang nangunguna sa buong daigdig sa produksyon ng langis ng niyog at kopra.
a. Brunei c. Myanmar
b. Cambodia d. Philippines
20. Nasa ______ ang pinakamalaking reserba ng antimony, magnesium, at tungsten sa buong daigdig.
a. Brunei c. China
b. Cambodia d. Japan
23. Ang pagkakaiba-iba at pagiging katangi-tangi ng lahat ng anyo ng buhay na bumubuo sa natural na kalikasan ay
tinatawag na __________.
a. Biodiversity c. Pacific Ring of Fire
b. Climate d. Vegetation
24. Sa prosesong ito, lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o kaya naman ay inaanod ng tubig papunta sa lupa.
a. Deforestation c. Salinization
b. Desertification d. Siltation
26. Ito ay parami at padagdag na deposito ng banlik na dala ng umaagos na tubig sa isang lugar.
a. Deforestation c. Salinization
b. Desertification d. Siltation
27. Ito ay tumutukoy sa pangkat ng mga tao sa isang bansa na may magkakaparehong wika, kultura at etnisidad.
a. Pangkat Etniko c. Pangkat Mamamayan
b. Pangkat Etnolinggwistiko d. Pangkat Tao
2
28. Ang __________ ang isa mga sa batayan ng pagpapangkat ng tao sa Asya.
a. Kulay b. Paniniwala c. Relihiyon d. Wika
29. Kategorya ng wika kung saan ang kahulugan ng salita at pangungusap ay nagbabago batay sa tono ng pagbigkas
nito.
a. Non-tonal
b. Strain
c. Stress
d. Tonal
30. Kategorya ng wika kung saan ang pagbabago sa tono ng salita at pangungusap ay hindi nagpapabago sa kahulugan
ng salita at pangungusap nito.
a. Pressure
b. Strain
c. Stress
d. Tonal
31. Matatagpuan sa rehiyong ito ang mga Austro – Asiatic (Munda), Dravidian at Indo Aryan.
a. Hilagang Asya c. Silangang Asya
b. Kanlurang Asya d. Timog-Silangang Asya
33. Itinuring na __________ ang mga naninirahan sa mataas na lugar o kabundukan gaya ng Mangyan at Dumagat sa
Pilipinas , Karen at Hmong sa Thailand.
a. Commoner c. Lowlander
b. Elite d. Uplander
34. Itinuring na __________ naman ang naninirahan sa kapatagan at baybay dagat gaya ng ethnic Lao ng Lao PDR at
Kinh o Viet sa Vietnam.
a. Commoner c. Lowlander
b. Elite d. Uplander
36. Ang pangkat Balinese ay matatagpuan sa kapuluan ng Bali, Lombok at kanlurang bahagi ng Sumbawa sa
__________.
a. Indonesia b. Japan c. Philippines d. Taiwan
37. Ang China ay mayroong _____ na pangkat etnolinggwistiko na may kanya-kanyang wika, kultura at tradisyon.
a. 56 b. 57 c. 58 d. 59
39. Ang mga Tajik ay isa sa mga sinaunang tao sa daigdig ay matatagpuan sa __________.
a. Hilagang Asya c. Silangang Asya
b. Kanlurang Asya d. Timog-Silangang Asya
3
41. Ayon sa ulat ng United States Census Bureau tinatayang ang kabuuang bilang ng populasyon ng daigdig ay umaabot
sa _____ bilyon.
a. 4 b. 5 c. 6 d. 7
42. Sinasabi sa ulat na _____ bahagdan ng kabuuang populasyon sa daigdig ay nanggaling sa Asya.
a. 60 b. 70 c. 80 d. 90
44. Ito ay bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa isang bansa bawat taon.
a. Literacy Rate c. Population Growth Rate
b. Populasyon d. Unemployment Rate
46. Ito ay ang kabuuang panloob na kita ng isang bansa sa loob ng isang taon.
a. GDP (Gross Domestic Product) c. Population Growth Rate
b. GDP per capita d. Unemployment Rate
47. Ito ay kita ng bawat indibidwal sa loob ng isang taon sa bansang kanyang panahanan. Nakukuha ito sa
pamamagitan ng paghahati ng kabuuang GDP ng bansa sa dami ng mamamayang naninirahan dito.
a. GDP (Gross Domestic Product) c. Population Growth Rate
b. GDP per capita d. Unemployment Rate