You are on page 1of 1

Pangarap

Depende raw sa tinatawag na "Public Health Situation",


Dahil sa pandemya'y malabo ang face-to-face learning tradition,
Lalo pa't marapat na sundin ang "social distancing" at pagsuot ng mask bilang proteksyon,
Kaya't hain ay alternatibo, pinag-isipan ang isasagawang solusyon.

Ako ay may pangarap,


Turuan ang mga batang magsumikap,
Upang paglaki kanilang gusto’y mahanap,
Kaya’t aking tutuparin maging gurong ganap.

Ako ay may pangarap,


Ipagtanggol ang bayan sa mga mapagpanggap,
Pagmamahal sa bansa aking sulyap,
Maging sundalo, yan ang aking bibigyang tupad.

Ako ay may pangarap,


Ngitian ang mga pasyente ng may kutitap,
Handang umalalay at makipag-usap,
Kaya naman maging doktor aking hinaharap.

You might also like