1. Ang polis na matagpuan sa matataas na lugar ay tinatawag na _______.
a. Agora b. acropolis c. Parthenon d.
Sparta 2. Ang polis o lungsod-estado ng ______ ay itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus na nasa timog ng Greece. a. Athens b. Sparta c. Thebes d. Carthaginian 3. Ang sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil sa isang tao sa panahon ng Athens ay tinatawag na ______. a. Ostrakon b. Ostracism c. Asembleya d. Demokrasya 4. Ito ay isang uri ng pamahalaan na ang kapangyarihan ay nasa mamamayan. a. Monarkiya b. Maharlika c. Aristokrata d. Demokrasya 5. Sinong pilosopong Greek ang may akda ng “The Republic”. a. Plato b. Aristotle c. Solon d. Leonidas 6. Ito ay isang marmol na templo sa Acroplis sa Athens na itinayo nina Ictinus at Calicrates upang ihandog kay Athena. a. Polis b. Acroplis c. Parthenon d. Agora 7. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng edukasyon sa panahon ng Athens? a. Pawang mga kababaihan lamang ang nakakapag-aral sa panahong iyon. b. Pantay ang antas ng edukasyon sa mga kababaihan at kalalakihan sa panahong iyon. c. Mga kalalakihan lamang ang may karapatang mag-aral noon. d. Wala sa nabanggit. 8. Ang pinuno ng asembleya na binubuo ng mga mayayaman na may malaking kapangyarihan ay tinatawag na _____. a. Tyrant b. Archon c. Sophist d. Patrician 9. Sa panahon ng Sparta,ang isang sundalo na may gulang na 30 ay maari nang ______. a. Mag-asawa b. magretiro c. mangibang bansa d. magsaka ng lupain 10. Ano ang ginagawa ng mga Sparta sa mga sangol na mahihina at sakitin? a. Dinadala sa ospital upang ipagamot. b. Inaalagan ng mabuti ng kanilang mga magulang. c. Dinadala sa kabundukan upang doon hayaang mamatay. d. Idinadala sa bahay ampunan. 11. Anong lungsod – estado sa Greece ang kilala sa tawag na pamayanan ng mga mandirigma? a. Sparta b. Mycenae c. Thebes d. Minoan 12. Ito’y isang bukas na lugar sa gitna ng lungsod kung saan maaaring magtinda o magtipon – tipon ang mga tao. a. Acropolis b. Agora c. Polis d. Latium Plain 13. Sino ang anak ni Darius? a. Leonidas b. Xerxes c. Alexander the Great d. Philip 14. Pinalawak ng Sparta ang kanilang mga lupain na sakahan sa pamamagitan ng _____. a. Pagbili sa mga lupain ng karatig bansa. b. Pagsakop sa mga karatig na lupain c. Sapilitang pagkuha sa mga titulo ng lupa ng mga magsasaka. d. Lahat ng nabanggit
15. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa polis bilang isang lungsod-
estado? a. ang polis ay binubuo ng isang lipunang malaya at nagsasarili at nakasentro sa isang lungsod. b. ang polis ay isang uri ng pamahalaan ng mga Greeks kung saan binibigyang-diin ang demokrasya. c. may iba’t ibang uring panlipunan ang isang polis at nahahati ito sa iba’t ibang yunit ng pamahalaan. d. ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang polis.