You are on page 1of 1

FINAL EXAMINATION

1. Ito tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.
2. Tumutukoy ito sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan
ng mga hazard.
3. Ito ay tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao.
4. Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran,
at mga gawaing pang-ekonomiya.
5. Ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao.
6. Ito naman ay tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan.
7. Ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang
kalamidad
8. Ayon kina Abarquez at Zubair (2004), ito ay isang pamamaraan kung saan ang mga
pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri,
pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan.
9. Sa approach na ito, lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa
pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng
pamahalaan.
10. Isa sa mga katangian ng approach na ito ay ang malawak na partisipasyon ng mga
mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon.

1. Ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado.
2. Kasulatan kung saan nakasaad ang pagkamamamayang Pilipino
3. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga
magulang.
4. Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.
5. Isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang
bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte

1. Ito ay tumutukoy sa isang indibidwal na nakararanas ng atraksiyong sekswal sa kapwa lalaki.


2. Ito ay tumutukoy sa isang indibidwal na nakararanas ng atraksiyong sekswal sa kapwa babae.
3. Ito ay mga taong walang nararamdaman atraksiyong sekswal sa kahit na ano mang kasarian.
4. Isang taong nakararamdam na nabubuhay sa maling katawan. Ang kanyang isip at katawan ay
hindi tugma sa kanyang gender identity.
II. Ipaliwang ang pagkakaiba ng Bisexual, Homosexual at Heterosexual

1. Anu – anong mga karapatan ang nakapaloob sa Petition of Human Rights?


2. Anu – anong mga karapatan ang nakapaloob sa Cyrus Cylinder?
3. Anu – anong mga karapatan ang nakapaloob sa Magna Carta?

 Isulat ng tama at maayos ang panimula ng ating Saligang Batas.

You might also like