You are on page 1of 7

Panitikan

Sa iba’t ibang

Panahon ng Pilipinas
Name:

Joseph Anthony D.C Daffon


Banal na Kasulatan
Ang Bibliya ay nagmula sa bansang Palestina at

naging batayan ng sangkakristiyanuhan. Ito ay naging

banal sapagkat ito’y kinasihan ng banal na ispiritu.

Ang Diyos ang pangunahing awtor ng Biblia. Hindi

ibig sabihin na sya’y kumuha ng panulat at papel at

nagsulat. Ang Diyos, bilang awtor ng bibilia ay

nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga piling tao para

magsulat ng mga mensahe na gusto niyang ipabatid/sabihin sa atin.

Ang salitang griyego na “bibilios” na ang kahulugan ay koleksyon ng mga sinaunang banal na

kasulatan tungkol sa Diyos at sa pakikipagugnayan niya sa tao. Ang lumang tipan ay binubuo ng

46 na mga aklat. At ang bagong tipan ay binubuo ng 27 na mga aklat.

Koran

Mula sa salitang Arabian na nagtataglay ng mga kaisipan at

kautusan siyang sinusunod hanggang sa ngayon ng mga

Mohammedan. Ito ay mula sa salitang Arabic na ang ibig sabihin

ay isang pagbasa. Naglalaman ng mga paniniwala na galing kay

Allah na ibinigay kay Muhammad. May 114 na kabanta na may

iba’t-ibang pamagat.
5 Pillars of Islamic Faith

Araw- araw na pagbigkas ”Walang

panginoon kundi si Allah at si

Muhammad ang anyang propeta.

Pagdarasal ng limang ulit sa isang araw

na nakahrap sa Mecca na ang ulo’y

nakatungong sumasayad sa lupa.

Pagbibigay ng abuloy sa mga mahihirap. Pag-aayuno simula madaling araw hanggang

pagbubukang liwayway sa Buwan ng Ramadan. Paglalakbay bilang pagsamba patungong Mecca

kahit minsan lamang habamg nabubuhay.

Isa sa dalawang pangunahing Sanskrit epiko ng India na nagbigay-halaga sa mataas na kalidad

ng literatura at inspirasyong panrelihiyon. Tumutukoy ito sa labanan sa pagitan ng dalawang

grupo ng magpipinsan-ang Kuaravas at ang Pandavas. Ang Mahabharata ay mahalagang

pinagkukunan ng impormasyon tungkol sa ‘Ebolusyon ng Hinduism” noong 400 BC-AD200.

Ang ibig sabihin ng Mahabharata ay "Great King Bharata". Binubuo ang tula ng 220,000

taludtod na hinati sa 18 sections kung saan naidagdag ang sumplementaryong "Harivamsa".

Nakapaloob dito ang "Bhagavadgita" awit ng Panginoon- nagiisang pinakamahalagang

kasulatang relihiyon nh Hinduism. Nagpapakita rin ito ng "Dharma" (codes of conduct).

Book of Death

Ang Book of Dead ay kayamang pangliteratura ng Ehipto.

Ito'y produkto ng mga lumang kulto nabuo sa kabihasnan ng


lumang Ehipto. Ito ay koleksyon ng mahigit 100 na sulat tungkol sa mahika, dasal at awit ng

mga anito tulad ni Amon-Re at Osiris.

Ang sulating ito ay may malaking impluwensyang panrehiliyon at ang mha ito ay may

istrakturang patula. Ang mga sulatin ay nakatala at inilipat mula sa "Egyptian Papyrus" na isa

namang uri ng sulating papel na naimbento ng mga ehipto noong unang panahon.

Ang mga sulating napapaloob sa "Book of Dead" ay sinasabing gabay ng mga namatay na

magbibigay sa kanila ng direksyon sa kabilang buhay at proteksyon laban sa kanilang mga

kaaway. Ang mga ito ay nakatala sa dingding ng puntod o "Mummy Case" ng mga namatay.

Ang aklat ang pangunahing pinanggagalingan ng kanilang relihiyosong paniniwala ng "Ancient

Egypt" - walang hanggang buhay, muling pagkakabuhay ng katawan, ang pagpanaw sa kabilang

buhay, ispiritwal na kapanganakan at ang huling paghukom kay Osiris. Ang "Papyrus of

Nebsini" ay lista ng mga utos na sinasambit ng mga kaluluwa sa huling paghukom.

The Divine Comedy

Ang La Divine Commedia(Italian) ay isasa mga haligi ng

panitikang Europa. Itinuturing ito na isa sa mga dakilang gawa

sa kasaysayan ng literatura. Ang obra-maestra na ito ni Dante

Alighieri ay naisulat noong 1310-1314.

Naging popular ito noong ika-labinglimang siglo kung kaya't

tinaguriang siyang divino poeta o divine poet.

Nahahati ito sa tatlong Kabanata - ang inferno, Purgatorio at

Paradiso. Ang mga pangyayari ay naganap sa loob ng sampung

araw mula biyernes santo hanggang linggo ng pagkabuhay noong 1300.


Nahahati ito sa 2 bahagi

1. Canto Vestesimonono- paglalaban ni miguel arkanghel kasama ang iba pang anghel laban kina

Lucifer at ng mga demonyo.

2. Canto Ottavo- Paglalakbay ni Dante at Beatrice patungo sa paradiso.

Five Classics at Four Books

Ang Five Classics at Four Books ay maituturing na

pinagmulan ng "Confucian Literature". Ito'y

naglalaman ng mga turo ni Confucius tungkol sa

kahulugan ng buhat, nakapaloon ito sa dalawang

koleksyon ng mga kasulatan.

Five Classics The Four Books.

1. The Book of Changes (Yi Ching) 1. The Analect

2. The Book of History (Shu Ching) 2. The Mencius

3. The Book of Songs (Shih Ching) 3. The Doctorines of the Mean

4. The Book of Rites (Li Ki) 4. The Great Learning.

5. The Book of Spring and Autumn (Chun

Chui).

Iliad at Odyssey

Mula sa bansang Gresya na isinulat ni Homer. Ang Illiad ay

tumatalakay sa mga pakimipagsapalaran ng mga Greko noong

kanilang kapanahunan. Tulang epiko na tungkol sa salaysay ng


pagsakop ng mga Griyego sa Lungsod ng Troy. Pinakatanyag na akda mula sa panitikam sa

Gresya.

Odyssey ay isinulat na ang 8th Century B.C. Tumatalakay sa mahabang paglalakbay ni Odysseus

isang bayaning Griyegi pabalik sa Ithaca pagkatapos ng pagbagsak ng Troy.

Itinuturing ito na isang salaysayin ng pagmamahalan o mga katangiang makaromansa. Ang tema

at kaisipan ng Iliad at Odyssey ay naglalantad ng katapangan ng pagpapakasakit ng sarili.

Paghahangad ng Kapangyarihan. Nagpapakita ng kahinaan ng tao. Pagmamahal sa pamilya at

kalahi.

El Cid Compeador

Nagpapakita ng katangiang panlahi ng mga kastila at ng

kanilanh alamat at kasaysayang pambansa noong unang

panahon. Ito'y isang tulang pasalaysay ng kung saan malaking

bahagi ng tula ay base sa katotohanan. Si Rodrigo Diaz de

Bivar ang tinuturing na pambansang bayani sa Espanya. Ang

ibig sabihin ni El Cid ay Diyos ng digmaan o pakikipaglaban.

The Songs of Roland

La Chanson de Roland ang pinakamatanda at pinakadakilang tula

na naisulat sa wikang pranses noong kalagitnaang panahon. Ayon

sa mga iskolar ang tula ay naisulat sa pagitan ng taong 1098-

1100.Sa ibang mga iskolar ang tulang ito ay isang proaganda


upang hikayatin ang kristiyano na kalabanin ang islam.

Kinapapalooban ito ng mga kwentong Roncesvalles at ang lalong kilalang Dose Pares ng

Pransya. Ang tula ay naglalarawam ng mga pangyayari sa panahon mh panunungkulan ni King

Charlemagne. Pangunahing tema/ Kaisipan ng tula ay Kabutihan, kasamaan, kabayanihan,

katapangan at kagustuhan ng Diyos Tungkulin sa ngalan ng pag-ibig.

A Thousand and One Nights

Ito'y nagtataglay ng mga kaugaliang pampamahalaan,

pangkabuhayan, pangkalinangan at panrelihiyon mg mga

taga-silangan. Kialal din ito sa tawag na "The Arabian

Nights". Unang naisalin ito sa wikang Pranses mula sa

salitang Arabo noong 1700's at noon din ito unang

nailimbag sa pamamagitan ni Antoine Gallad isang

Pranses, kaya nakilala ito sa Europa.

Ang beryon ni Sir Ruchard Burton na may 16 na volume

ang pinaka-kilalang salin sa Ingles na hinango niya naman

kay John Payne. Ang A Thousand and One Nights ay koleksyon ng mga kwento tulad ng

Aladdin, Sindbad at Ali baba na mula sa Arabia at Persia

You might also like